47 | The Return In Macedonia (1)

576 55 0
                                    

Chapter 47

Ikatlong Persona

Mabilis na kumalat ang nangyari sa kubo kung saan galing ang dalaga at dahil siya'y nakaalis bago pa makita ng iba'y dagsaan ang kwentong barbero. Ang sabi ng iba'y isang kakaibang ipo-ipo lamang ang dahilan ng pagkabasag ng libo-libong mga plato. At ang sabi ng iba'y ang may gawa nito'y isang manigno. Samantalang naniniwala naman ang iba na gawa ito ng isang tao.

Nanatiling nakatulala sa kawalan ang dalaga dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyari't kahit kanino'y hindi niya sinabi na siya ang salarin. Pilit niyang iniisip kung ano nangyari sa kubo't hindi ito sabihin kanino man. She believes that it's better to keep secrets than to share with others. If you can't keep it to yourself, don't expect others to.

Ginala niya ang kaniyang paningin sa paligid at wala siyang makita kundi mga pamilyar na disenyo ng mga bahay dahil ito'y may dalawang palapag lamang. The cobbled-stoned streets are lined with ancestral houses with tile roofs. Large windows made of wood and capiz shells surround the houses. She can see a horse-drawn buggy roaming around. Macedonia reminds of her history subject about the Spanish colonial period.

"Ay!" Isang impit na hiyaw ang kumawala sa mga labi ng dalaga nang isang malamig na bagay ang dumampi sa kaniyang pisngi.

Lumingon siya sa gilid at nakita ang lukot na mukha ni Koen habang ito'y nakatayo sa kaniyang tabi. May hawak itong malaki't mahabang kahoy at puno ng tubig. Katamtaman ang lapad nito at kasing haba ng kaniyang braso. Ito'y tinatawag na porsueno na maikukumpara sa isang water tumbler ngunit ito'y gawa sa kawayan at mas mabigat.

"Oi. Ano'ng problema mo't kanina ka pa tulala?" Pabalang na tanong ni Koen at tinapunan ng tingin ang dalaga. Kanina pa ito hindi nagsasalita na tila ba malalim ang iniisip. Pansin niyang simula nang kumalat sa nayon ang misteryosong nangyari sa kubo'y naging tahimik ito.

Imbes na sumagot sa kaniya ang dalaga'y umiling ito't tumingin sa harap. Inobserbahan niya ang kaniyang mga kasama't katulad ng inaasahan niya'y may sari-sarili itong ginagawa. Sigurado siyang walang nakakita sa kaniya sa kubo't mabuti na lang ay 'di nasugatan ang kaniyang mga paa sa mga bubog na nagkalat sa kubo. Until now, she's trying to discover what the hell happened and where does the wind blades came from.

"Ahu! Sa wakas ay nakarating din tayo rito sa Macedonia!" Masiglang hiyaw ni Shaja habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na animo'y sila lang ang tao sa daan. Sinenyasan siya ni Antonio na manahimik dahil sila'y pinagtitinginan ng mga tao.

"Ika'y hindi ba masaya? Hindi ba'y pinapangarap mong makapunta rito sa Macedonia?" Agad na tinakpan ni Antonio ang bibig ng kaniyang kapatid. Isang pilit na ngiti ang binigay niya sa grupo ni Siena upang huminga ng paumanhin sa kinikilos at pananalita ng kaniyang kaptid.

Panay naman ang padyak ni Shaja at tinanggal ang kamay ni Antonio. She jutted her tongue and pointed it at him. Agad itong lumapit kay Siena at kumapit sa braso nito.

That's right. . . It is her big brother's dream to see Macedonia. Iilan lamang sa mga kalalakihan ng Nokkan ang pinapayagang lumabas ng kanilang nayon upang magtrabaho sa labas. Macedonia is the nearest city to their village and it's also known for its central library. Ito ang madalas na pinupuntahan ng mga tao kaya dito rin nagtratrabaho ang kanilang kalalakihan.

Tinapunan ng tingin ni Antonio ang kaniyang kapatid na si Shaja habang panay ang dakdak nito't nakakapit sa braso ni Siena. They may be siblings, but their powers are vastly different from one another. The truth is he is amazed by his sister's ability... to see people's emotions by color. And that his powers are useless. Ito rin ang dahilan kung bakit mas pinili niyang magtrabaho na lang sa kanilang nayon at hindi ipagpatuloy ang pagpunta sa Macedonia.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon