Chapter 61
Tasho
Habang hawak ko ang isang serving tray na puno ng mga pulutan ay tumalikod ako't nasagi ang isang baso. Natigilan ako't nagtaka dahil huminto ito sa ere. Pinatong ko ang hawak ko sa mesa't yumukod. Ako'y lumuhod habang nakapatong ang kanan kong kamay sa aking tuhod hanggang sa magtapat ang ulo ko't ang baso na 'di pa rin bumabagsak sa sahig.
Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko't ako'y biglang kinabahan. Sunod akong natulala dahil isang kakaibang presensya ang aking naramdaman. Pag-angat ng ulo ko'y bumagsak ang baso sa sahig at ang paraan kung paano ito nabasag ay kakaiba. The glass were shattered like it was run over by a huge truck and almost turned into dust.
Tumayo ako't tinitigan ang paligid. Katulad ng dati ay puno pa rin ng mga tao ang sahig kung saan ako'y abala sa trabaho. Isang tao ang hinahanap ng aking paningin at ako'y nagtaka dahil kahit saan ako luminga ay hindi ko siya nakita.
"He should be here." Napasuklay ako ng buhok nang wala sa oras. Inayos ko ang kulay pilak na nametag sa suot ko kung saan nakaukit ang pangalang Asher.
Tinapat ko ang palad ko sa sahig at umangat ang tila buhangin ng bubog sa ere't pagkatapos ng ilang segundo'y naghalo ito kasama ng hangin. Ako ay tumingin sa aking likod at sa gilid.
Pakiramdam ko'y may mali dahil sa ganitong oras ay dapat kasama kong nagtratrabaho si Berto.
Sa hindi malaman na dahilan ay nagsitaasan ang buhok ko sa katawan dahilan upang mapayakap ako sa sarili. Nagtataka kong tiningnan ang paligid at hinanda ang sarili ngunit kahit saan ako tumingin ay tila normal ang lahat sa lugar na ito.
"N-nandito siya!" Mula sa dulo'y isang matandang lalaki ang biglang tumayo at pinagtinginan ng lahat. "N-nagbalik ang halimaw upang ubusin tayong lahat!" Pumiyok ang boses nito't puno ng pagbabanta at takot ang kaniyang tono. At mula sa kinatatayuan ko'y kita ko pa ang pagtulo ng pawis mula sa mukha niya.
Napuno ng bulungan ang paligid at ang iba'y kung tingnan ang lalaking puti ang buhok at may magarbong suot ay para itong isang baliw. Ilan sa kanila'y lumayo rito't tumakbo. Ang iba nama'y tila naniwala sa kaniyang sinabi't nanatiling nakatulala habang sila'y nakaupo sa harap ng bilog at magarbong mesa. Sa unang tingin pa lang sa kanilang mga mata ay kita ko ang pangangamba't takot.
"It's here... The demon has returned!"
Nagkagulo ang mga tao at sila'y nagtakbuhan na animo'y may lindol. Sinandal ko ang sarili ko sa pader at ito'y aking hinarangan. Hindi ko rin maiwasang mapamura dahil sa ingay ng mga tao. Lalo akong pinagpawisan dahil sa mga oras na ganito'y dapat kasama ko si Berto at ngayo'y hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung bakit iba ang kutob ko ngayon.
Pakiramdam ko'y alam ko kung sino ang sinasabi nilang demonyo at ang tanging pinagtataka ko lang ay kung bakit alam nila ang tungkol rito. Ang pangyayaring iyon ay matagal na't pilit na binabaon sa nakaraan.
I'm sure that high class priests sealed the demon of the south decades ago.
"Kumalma ho muna tayo!" sigaw ko't ramdam ang panunuyo ng aking lalamunan. Tinaas ko ang palad ko kaya'y lumutang ang isang mesa papunta sa harap ng pintuan. Ngunit imbes na makinig sila sa akin ay mas lalo lang sila natakot.
Hindi ko sila masisisi. People from the first class floor don't have magical powers... They are mortals.
Inangat ko ang aking mga palad sa ere't lumutang ang mga mesa't upuan. Lahat ng tao'y tumingin sa akin na para bang isa akong kakaibang nilalang ngunit 'di ko sila pinansin. Sunod kong pinatong ang palad ko sa kabilang kamay ko't pinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...