Epilogue

2.4K 80 34
                                    

Epilogue

Walang ekspresyon ang mukha ni Flinn habang nakatitig sa kaniyang repleksyon sa bagong salamin ng karinderya ni Aleng Bashang. Ito'y hugis bilog, maliit at kulay lila dahil iyon ang paboritong kulay ng matanda. Mula sa puwesto niya'y tinapunan niya ng tingin ang mga masasarap na putaheng nakahanda sa harap.

"Alam mo ba na nagustuhan ng mga estudyante ang niluto mong kare-kare kahapon? Mas gusto pa yata nila ang luto mo, Flinn." Natatawang sabi ni Bashang habang nag-aayos ng mga plato. Hindi naman mapigilang mapangiti't mapakamot sa batok ni Flinn dahil sa kaniyang narinig.

"Binobola mo nanaman ako, Inay." Tinapunan niya ng tingin ang matanda na ngayo'y hinahanda ang mga platong ginagamit niya tuwing siya'y nagluluto ng sisig. Muling tinapunan ni Flinn ang tingin at inayos ang kuwelyo ng puti niyang uniporme.

"Hindi a, dapat siguro'y hindi na lang kita tinuruan magluto. Tingnan mo tuloy ang nangyari... Mas magaling ka na magluto sa akin." Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Flinn dahil sa sunod niyang narinig. Pinagmasdan niya na lang ang ngiti ng matanda.

Aaminin niya noong una'y hindi naman talaga siya interesado sa pagluluto ngunit nang tumagal ay nagustuhan niya na ito. Minsa'y ayaw niyang makitang napapagod si Bashang kaya naman ay siya na ang nagluluto ng mga putaheng ihahanin niya sa karinderya nito. Isang araw nang sinubukan niyang magluto ng adobong bangus ay nagulat siya dahil ito'y agad na naubos at hinahanap - hanap ng kanilang mamimili.

"Hindi ko akalain na kukuha ka pala ng kursong medisina... Ang laki-laki mo na. Parang kailan lang na sipunin ka at madalas na mahulog sa kanal." Agad na lumipat ang tingin ni Flinn dahil sa narinig nito't napataas ang kilay at lumawak ang ngiti.

"Nay naman... Matagal na 'yon." Iling na tugon ni Flinn at humalakhak naman si Bashang dahil sa naging reaksyon nito. Lumaki man si Flinn ay mananatili pa rin ang alaala nitong bilang isang batang iyakin at sipunin.

"Hindi ko akalain na malaki ka na, anak ko. Tingnan mo, mas matangkad ka na nga sa akin. Parang kahapon lang noong tumatakbo ka papunta sa akin habang umiiyak dahil nahulog ka sa kanal. Pati ang mukha mo ay nadungisan at ang sabi mo sa akin ay ang baho-baho mo na." Nilapag ni Bashang ang giniling na karne sa mahabang mesa sa harap ng kanilang karindarya.

"Sus. Tapos na ang mga panahon na 'yon, Inay. Gwapings na ang anak mo." Nakangising tinagilid ni Flinn ang kaniyang ulo at nilingon ang matanda.

"Malaki na ang anak kong sipunin." Nakangiting sabi ni Bashang at pinagmasdan si Flinn habang ito'y nagpapagwapo sa harap ng salamin.

The truth is, she's not her biological mother. Ito ay natagpuan niyang iniwan ng tunay nitong ina sa hospital. Walang gustong kumuha rito dahil sa kaniyang itsura't sa awa niya ay siya ang kumupkup dito. Ang sabi niya sa sarili niya'y kung hindi man ito mabubuhay sa mundo. . . ang mahalaga ay ginawa niya ang lahat para rito.

Hindi man nanggaling si Flinn sa sinapupunan niya'y galing naman ito sa kaniyang puso.

Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Bashang habang nakatingin dito. 'Di niya akalain na lalaki itong malusog at matangkad. Ang dating payat at halos kasinglaki lamang ng isang bote ng coke na sanggol ay ngayo'y isang matangkad at malaki ng lalaki.

She's thankful because her efforts are paid off. . . Bukod sa lumaki itong maayos ang kalusugan ay meron din itong respeto sa kapwa. Kahit kailan ay hindi siya nagsisi na ito'y inampon niya. Ito'y tinuring niyang tunay na anak at binigay niya ang pagmamahal na nararapat niyang matanggap.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon