Chapter 20
Ikatlong Persona
Napahalukipkip si Tasho sa gilid at isang pilit na ngiti ang ginanti sa kanya. Emiria laughed nervously on her seat. Tumalim naman ang tingin ni Tasho dahil sa ginawang gusot ng asawa.
"Akala ko ba'y wala tayong karapatang mangialam sa daloy ng istorya?" Hindi inalis ni Tasho ang kanyang tingin sa mukha ni Emiria.
"Talaga? Hindi ko alam 'yon." Nagkibit balikat si Emiria kaya mas lalong naningkit ang mga mata ni Tasho dahil nag mamaangmangan ito.
"Hoy, gising. Ikaw ang nagsabi non sa akin." Napaupo nang tuwid si Emiria dahil sa sunod na sinabi ni Tasho. Nanlalaki ang mga mata niya't hindi niya akalain na mabibisto siya. She cleared her throat and looked away.
''Ako ba ang nagsabi non? ang natatandaan ko ay ang malaking agwat ng oras sa dalawang mundo lamang ang sinabi ko sa iyo, baka'y nagkakamali ka lang ng natandaan?'' Buong lakas na sabi ni Emiria sa mapaglarong tono't pinaypayan ang sarili gamit ang hawak niyang pulang pamaypay.
''Hay nako, tigilan mo ako, Emiria. Gusto mo bang dalhin kita sa nakaraan para makita mo kung saan at kailan mo sinabi sa akin ang mga katagang iyon?'' Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Emiria dahil sa sunod niyang narinig at umiling ito ng paulit-ulit na parang isang tutang takot.
Alam niyang isa sa mga pinakapaboritong gawin ng kanyang asawa ay ang bumalik sa nakaraan at masilayan ang mga bagay-bagay na kanyang naranasan at kapag binanggit niya ito'y talagang gagawin niya.
Tinikom na lang ni Emiria ang kanyang mga labi habang nakaupo. Ang ikawalang silid-aklatan na kanilang pinuntahan ay napakatahimik at maluwang, taliwas sa silid-aklatan sa ikalawang palapag kung saan ginagamot ang mga nakainom ng itim na mahika.
Nanatili namang nakasandal ni Tasho sa istante na puno ng mga aklat. Sa tabi ni Emiria ay nakahiga ang isang dalaga na walang malay at hawak pa nito ang isang pahina.
Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi ni Emiria dahil sa unang tingin palang ay alam niyang ang pahina ng manuscript ang hawak ng dalaga kaya nalaman niyang nagbabasa ito habang siya'y nakabalik sa totoong mundo.
Emeria watched Alysa as she holds the piece of paper slowly fades and was turning into tiny cinders.
Muli namang napailing sa kanya si Tasho dahil sa kanyang ginawa. "Ngayon ay siguradong nalilito ang familiar ng tauhan na si Siena." nanatili ang tingin ni Tasho sa kawalan at kasabay non ang paglutang ng isang aklat mula sa istante papunta sa kanyang hharapan
Ayon sa mga kasulatan sa talaan ng kasaysayan ay nakasaad ang tungkol sa mga familiar at kanilang guardian. Familiars are bestowed unique powers. They can also disguise theirselves as animals and pets for secuirity.
In order to ensure their power is in control, they are all given limiters. Maaring isang kwintas o 'di kaya singsing na hindi dapat matanggal sa kanilang katawan. Ang mga ito'y naglalabas ng iba't-ibang kulay ng liwanag na may kahulugan.
"Ang pagkaalis ni Alysa sa loob ng kwento ay may naging malaking epekto." Tinitigan ni Emiria ang hawak niyang pamaypay at sinundan ang bulaklaking disenyo na nakaukit dito.
Sa mundong kaniwalang ginagalawan ay madami na siyang nasaksihang kaso na kung saan ay isang tao galing sa totoong mundo ang aksidenteng napunta sa istorya. At tungkulin niyang gawan ng paraan ang ano mang gusot na nangyari sa loob ng istorya. Aminin niya man o hindi'y minsan napapagod na siyang balansehin ang takbo ng oras ng dalawang mundo dahil karamihan sa mga nakaharap niya ay sadyang matigas ang ulo.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...