Parang ayaw naman maniwala ni Tristan sa sinabi ni Kristina, sa natatandaan niya, pitong taon na ang nakararaan. Masaya ito, nakangiti at parang kumportableng kumportable sa lugar. At saan naman siya nakakita ng business course na nagrerequire magbar para sa final requirement. Pero sa nangyaring pagkahilo ni Kristina kanina, mukhang nagsasabi siya ng totoo, pag-aanalisa niya.
Kanina pa pinagdidiskitahan ng mga mata ni Kristina ang kisame ng kwarto niya. Nawala na ang pagkahilo niya at ang panghihina ng katawan niya. Gusto na sana niyang matulog pero hindi niya magawa.
"Hindi kita iiwan dito, promise. Just bear with the atmosphere. Isang oras lang Tin, kaya mo yan. Nandito lang ako. Para 'to sa pangarap mo 'di ba? Magjojoke ako, marami pa 'kong joke."
Hindi niya mapigilan ang mga alaala sa pag atake sa isip niya.
"Hindi na okay na 'ko, please Noah wag na mas nahihilo ako sa mga joke mo e," sagot ni Kristina habang ngumingiti.
"Magaling naman yung lead e, kaya niya ng isang take lang. Nasa tabi mo lang ako, magaling kang direktor 'di ba. Don't worry, I won't leave you," hinalikan niya sa noo si Kristina at mahigpit itong niyakap.
Hindi namalayan ni Kristina na parang talon na naman kung umagos ang luha niya kaya nagpasya siyang bumaba, kinuha niya ang isang dvd na pinakatagu-tago niya. Tinungo niya ang sala at doon pinanood ang pelikulang ginawa niya pitong taon na ang nakararaan.
Pagbaba ni Tristan, hindi niya inaasahang madaratnan niya doon si Kristina, tanging ilaw lang galing sa TV ang nagbibigay liwanag sa sala.
Bakit ba ang hilig niya manood ng pelikula? tanong niya sa sarili. Naalala niyang nasabi pala ni Kristina sa kanya na film major siya. Hindi niya iyon pinaniwalaan pero mukhang iyon ang sinasabi ng mga kilos niya.
Umupo siya sa tabi ni Kristina, pinagmasdan niya muna ang mukha nito, namumula ang ilong niya at ang mata niya halatang galing sa pag-iyak.
"Ano yan?" tanong ni Tristan na nakatingin narin sa telebisyon.
"Movie," matipid na sagot ni Kristina. Napahilamos nalang ng mukha si Tristan sa sagot ni Kristina.
"Yan yung kauna-unahan at nag-iisang nagawa ko, requirement ko yan para makagraduate."
"So totoo ngang Film ang natapos mo?"
Tumango lang si Kristina.
"Pumayag si tito?"
Umiling si Kristina bilang sagot.
"This is a story of a guy who was very eager to find justice for her girlfriend, he loved her so much that he gave up his dream just to seek the truth."
"Of course in the end, justice was served?" pahayag ni Tristan na para bang alam na alam na niya ang plot ng istorya.
Tumango lang si Kristina at nagpatuloy, "He killed her. He didn't know until all the evidences pointed at him. He has a personality disorder. It's not as cliché as what you think, San Antonio," may pagmamalaki sa boses ni Kristina.
Gusto sanang purihin ni Tristan ang storyline ngunit napahiya na siya.
"Bakit hindi na 'to nasundan?" usisa ni Tristan.
"Nawalan ako ng pagkakataon, kailangan kong sundin si Dad, nung ready na kong tuparin lahat ng pangarap ko saka naman 'to nangyari," paliwanag ni Kristina.
"Ang alin?"
Napangiti ng sarkastiko at napailing si Kristina, "Ito, ikaw, ako, at ang kasunduan na 'to."
Patayo na si Tristan pero natigilan siya sa sunod na sinabi ni Kristina.
"Pa'no ba tayo makakatakas sa sitwasyong 'to? Siguro naman may paraan pa 'di ba? Annulment, pwede naman 'yon 'di ba?" desperadong tanong ni Kristina na ikinabago ng timpla ni Tristan.
"I'm sure there's a way out, hindi lang muna ngayon," makahulugang tugon ni Tristan. Hindi na niya nilingon ang babae nang sabihin niya 'yon. Ang tanging nararamdaman niya ay ang hindi niya maipaliwanag na pagbigat ng loob niya.
--
"Nagdinner ka na?" masiglang tanong ni Kristina kay Tristan. Simula noong sunduin niya si Tristan sa opisina niya ay hindi ito umiimik, kaninang umaga din ay hindi man lang nito nagawang bumati ng kahit 'hi' man lang. Sabagay wala naman sa ugali ng lalaking 'to ang magpakafriendly sa kanya, katwiran ng konsensiya niya.
"Hindi pa," matipid niyang sagot. Simula nang itanong ni Kristina ang tanong niya kagabi, hindi na nagbago ang timpla niya. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit naiinis siyang iniisip nang makawala ni Kristina.
"Sakto, may kakainan na tayo."
Bumaba sila sa isang kilalang resto sa Quezon City. Sumunod nalang si Tristan kay Kristina. Sa labas palang alam niyang pagmamay-ari din nila ang restaurant na pinapasok nila.
"Why did you drive all the way here just to eat dinner?" iritableng tanong ni Tristan habang naghahanap si Kristina ng mauupuan nila.
"Hindi lang ako nandito para sa dinner, sige na. Maupo ka na. Sagot ko 'to," anyaya ni Kristina.
Katamtaman lang ang laki ng resto, iilan na lang ang kumakain dahil alas nuebe na ng gabi. Malinis at makaluma ang hitsura ng resto, grill at seafoods ang specialty ng franchise nilang iyon.
Si Kristina na ang nagbigay ng order sa waiter, halatang bago ang waiter dahil mabagal pa siyang kumilos.
"Grabe, namiss ko dito!" sambit ni Kristina habang itinataas niya ang magkabila niyang kamay saka iyon nilagay sa likuran ng ulo niya.
Hindi naman maiwasang suriin ni Tristan ang hitsura ng babae sa harapan niya. Parang malayang malaya niyang ginagawa ang lahat ng gustuhin niya, mula sa pananamit niya hanggang sa mga kilos at salita niya. Ginagawa niya ang mga iyon na hindi iniisip kung huhusgahan siya o pupurihin. Suot niya ang karaniwan niyang kasuotan, ragged shorts, black v-neck shirt at nakatsinelas lang ito. Nakalugay ang nahaba niyang buhok na hindi ayos na ayos pero maganda tingnan.
"Alam mo ba dati dito ako madalas magshoot ng mga short films ko, dito rin ako madalas tumatambay at gumagawa ng assignments," kwento niya kahit alam niyang hindi interesado ang kaharap niya.
Nakatingin lang sa kanya si Tristan, lingid sa kaalaman ni Kristina na unti-unti nang humahanga sa kanya si Tristan. Sa lahat ng babaeng nakilala ni Tristan, pinakakaraniwan si Kristina ngunit siya din ang pinakanaiiba.
Maingat na inilapag ng waiter ang mga order nila, grilled pusit, baked tahong, sinigang na hipon, barbecue, at tatlong cup ng kanin. Nagulat si Tristan sa dami ng pagkain nakahain sa harapan niya.
"Ah kuya, pahingi pong maanghang na suka, ayoko niyang barbecue sauce e, ikaw gusto mo ba?" baling niya kay Tristan, tumango lang ito. "Tapos, extra rice, isa. Yun lang salamat, sorry ha," nginitian niya ito at saka nagmadaling bumalik sa kusina ng restawran ang waiter.
"Tatlo na yang kanin ah."
"Oo nga, sa'yo yung dalawa, akin yung isa diyan tapos yung isang inorder ko akin. Tama di ba? Pag lalaki naman laging may extra rice."
Makalipas ang ilang minuto, inihatid na ng waiter ang mga hiningi ni Kristina.
"Bago yung waiter," biglang sabi ni Kristina nang makaalis na sa mesa nila ang waiter.
"How did you know?" tanong naman ni Tristan.
"Alam ko lang," tugon ni Kristina.
Napaisip si Tristan, iniisip niya minsan na wirdo talaga si Kristina, bigla-bigla nalang nagsasabi ng kung anu-ano. Habang kumakain, tinititigan niya ang babae, magana itong kumakain, hindi pasosyal parang nasa bahay lang siya. Sa lahat ng babaeng nakilala niya siya palang ang nakita niyang ganito kumain at nanghingi pa ng extra rice. Kung ganito ang kaharap mo hindi ka mauumay kumain, ika ni Tristan sa utak niya.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...