"Kahit na isa kang Silvestre o hindi, hindi ang isang katulad mo ang ginusto kong pakasalan ng anak ko. You're not even good in the business, how can you help my son when it's his time to lead the company?"
Natunugan na ni Kristina na mangyayari iyon. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya aakalaing pati pala si Sylvia ay mali ang pagkakakilala sa kanya.
"Wala ho akong dapat ipaliwanag sa mga haka-haka ninyo, tita Sylvia," mahinahon niyang sagot sa ginang.
"You can't even talk to me in english, I always hear you talking like you're from the slum. Nasayang lang ang pagpapaaral sa'yo ng mga magulang mo, hindi ka na nga nakatulong sa kumpanya pinairal mo pa ang pagiging suwail mo," tila nagngingitngit na pahayag ng ginang.
"E sino ho ba sa atin ang parang ugaling iskwater? Saan ho ba kayo nakakakalap ng ganyang impormasyon? Baka po nakakalimutan ninyong, hindi ko rin ginusto na ikinasal ako sa anak ninyo," matapang na sagot ni Kristina.
"See, your manners speak for yourself, woman," pang-iinsulto ng ginang.
Hindi na nakatiis si Kristina at binitawan ang kakakuha palang na plato.
"Maiwan ko na ho kayo dito tutal mukhang marami na kayong nasabi, nawalan narin po 'ko ng gana," pinilit niyang itinago ang nayurakan niyang pagkatao, tinalikuran ang ginang, at nagsimulang maglakad papalayo. Nagpasalamat siya at hindi na siya pinabaunan ng isa pang pang-iinsulto ni Sylvia.
Habang naglalakad, nakita niya ang amang nagsasalita sa gitna ng entablado, " And lastly, I will be forever grateful for my family, for my wife's advices, Gab's hard works and sacrifices for the company and Gio's perseverance to transform the company into a better one. Thank you everyone and enjoy the rest of the night."
Natulala at naparalisa si Kristina sa huling mensahe ng ama sa gabing iyon, hanggang ngayon hindi parin siya mabanggit banggit ng ama sa mga talumpati nito.
Nadoble ang sakit at bigat ng dibdib na nararamdaman ni Kristina. Gusto na niyang umiyak dahil ang tingin sa kanya ng mga taong malapit sa kanya ay isang walang silbi at walang pinag-aralang tao.
Nang makita niya ang nakatayo at nakangiti habang pumapalakpak na si Tristan, hinubad niya ang coat nito, nakita iyon ni Tristan.
"Salamat dito, uuwi na 'ko," inabot niya ang coat at nagdadalawang isip na binawi naman ito ni Tristan.
Habang naglalakad papalayo hindi na niya mapigilan ang mga traydor na luha, habang sinasaksak siya ng hindi mabilang na punyal tinawagan niya ang kuya Gio niya.
"Kuya, uwi na 'ko. Pakisabi sa kanila, congrats," hindi na niya pinasagot ang kuya nito at nagmadaling inakyat ang suite na kinaroroonan ng mga gamit niya. Pagkatapos ay tinahak niya ang basement para sa sasakyan. Pagkasakay ay pinaandar ito ng mabilis, tuloy tuloy ang patak ng mga luha niya, lumalabo na ang paningin niya hanggang sa naramdaman niyang humihina ang takbo niya, kumulog, kumidlat at sumunod ang malakas na buhos ng ulan.
Galit na galit niyang pinagpapalo ang manibela niya habang sumisigaw.
"Bakit ngayon pa? Pati ba naman ikaw wala ring kwenta!" sigaw niya sa sasakyan.
Bumaba siya para tingnan kung anong nangyari, plakada ang gulong nito sa harapan at isa sa likuran, galit niyang pinagsisipa ang nasa harapang gulong habang humahagulgol.
Paulit ulit sa utak niya ang pang-aalipusta ni Sylvia, paikut-ikot sa tainga niya ang mga huling pangungusap ng ama. Tuluyan na siyang nabura sa buhay ng ama.
Muli niyang sinipa ang gulong at naglabas ng galit, "Tangina! Tangina ninyong lahat!" Dahan dahan niyang isinubsob ang mukha niya sa bintana ng sasakyan habang wala nang itinirang tuyong tela sa damit niya ang ulan.
Nagmadaling nilisan ni Tristan ang hotel. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nag-alala sa biglang pag-alis ni Kristina.
Sa 'di kalayuan natanaw niya ang isang babaeng basang-basa na ng ulan. Pamilyar ang sasakyan. Nang makita niyang sinisipa na nito ang gulong ng sasakyang pick-up nagmaneho siya papalapit dito.
Mabilis niyang kinuha ang payong sa likuran ng sasakyan niya at bumaba nang makilala ang babae.
"Tangina! Tangina ninyong lahat!" napahinto at napatitig siya kay Kristina habang humahagulgol na nakasubsob sa bintana ng sasakyan. Bigla siyang nakaramdam ng mas matindi pang pag-aalala.
Walang tigil na umiiyak si Kristina, nilapitan niya ito at pinayungan, nanatili lang siyang ganoon habang naglalaro ang mga tanong sa isipan niya. Ngayon niya lang nakitang ganoong kaemosyonal si Kristina at naramdaman niya na kailangan niya itong patahanin at damayan. Hindi na niya nagawang isipin kung bakit niya iyon nararamdaman ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang maisilong, maiuwi, at pagpahingain si Kristina.
Hinubad niya ang coat na kasusuot niya lang kanina at muli itong isinuot kay Kristina. Naramdaman iyon ni Kristina. Iniangat niya ang ulo niya at nilingon ang lalaking pumapayong sa kanya. Pagkakita niya sa mukha nito ay muli na namang naging sirang plaka ang mga pang-iinsulto ni Sylvia.
Gamit ang kanang kamay ni Tristan inilapit niya ang babae sa dibdib nito at niyakap. Ibang pakiramdam ang hatid noon sa kanilang pareho.
Nang unti-unting tumahan si Kristina saka nagsalita si Tristan, "Let's go home," marahan nitong pahayag.
Sa ginawang pagyakap sa kanya ni Tristan, naramdaman ni Kristina ang hindi niya naramdaman sa loob ng maraming taon, iyon ay ang maging ligtas.
--

BINABASA MO ANG
Deadend
Ficção Geral"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...