Habang magkaharap si Joshua at Tristan sa loob ng bar ng kaibigan nilang nagdiriwang ng kaarawan ay malalim ang pagkakatitig ng kaibigan niya sa gawi ni Sam, samantalang siya ay napapatitig sa kaibigan habang tumatakbo sa isip niya ang mga naibunyag na sa kanya ni Kristina nitong mga nakaraang araw.
Umamin narin sa wakas ang babae sa totoong nararamdaman at pinagdadaanan niya sa tabi ni Tristan. Nagsimula ito nung hinalikan raw siya ni Tristan ng walang dahilan.
Kilala niya ang kaibigan at alam niya ring kayang kaya niyang gawin iyon sa kahit na walang dahilan pero alam rin niya na hindi kasama si Kristina sa mga babaeng basta basta nalang niyang hahalikan.
Sa lahat ng nasabi niyang masasakit na bagay sa likuran ni Kristina noon ay hindi niya magagawang basta na lamang halikan ito ng walang ibig sabihin.
Pero kung may ibig sabihin man ay puwedeng pinaglalaruan niya lang ito o may nararamdaman narin siya para kay Kristina. Pero alam din ni Joshua na mas posible ang nauna. Saka bumalik sa kanya ang nanlulumong tingin ni Kristina.
Hindi siya makapaniwalang sa lahat ng naiinlove ay kay Kristina niya lang nakita ang ganoong reaksyon. 'Yung para bang ikamamatay na niya, 'yung tipong tumatanggap na ng pagkatalo.
"You're already inlove?" nakangising tanong niya kay Kristina. Bukod kay Erika ay nasabi niya na rin kay Joshua ang totoong istorya nila ni Tristan. Sa tuwing ikinukwento iyon ni Kristina ay engganyong engganyo siya.
"Mukhang," matipid na sagot ni Kristina.
"Pare, si Sam pa rin ba? walang pag-aalinlangang tanong ni Joshua sa kaibigan.
Tumango si Tristan habang nakatitig ng walang reaksiyon parin sa kinatatayuan ni Sam.
--
"Saan ba kasi pupunta?" naiiritang ulit na naman ni Kristina sa sarili matapos siyang pagbihisin ni Tristan pero hindi naman niya ipinaliwanag kung saan sila pupunta.
Dahil hindi niya alam kung saan sila pupunta ay nagsuot na lang ito ng faded blue na ripped jeans, kulay kremang blusa na long sleeves para kahit papaano ay kaswal at pormal parin, pinarisan niya iyon ng puting sneakers at saka mabilis na lumabas sa kanyang kwarto.
Kinatok niya si Tristan sa master's bedroom kahit na may kaunting uwang na ang pintuan.
"Come in," sagot ni Tristan.
Hindi madalas na pumapasok si Kristina sa kwarto ni Tristan, nakakapasok lamang ito kapag nakakatulog doon si Jazz at aakayin niya papunta sa sarili niyang kwarto. Sa pagkakataong ito ay mahimbing nang natutulog si Jazz sa kama ni Tristan, agad niyang nilapitan ang bata at umaktong bubahatin na ito para ilipat sa kwarto pero pinigilan siya ni Trsitan.
"Just let her sleep there, saka nalang natin siya ilipat 'pag dating natin mamaya," ika ni Tristan.
"E sa'n ba kasi tayo pupunta? Ihahatid lang ba kita dun?" tanong niyang muli.
Nagulat naman siya ng makitang nagsusuot na ng kurbata si Tristan, lumapit siya rito.
"Ha? Formal? Business meeting ba? So ihahatid nga kita?"
Hindi pa rin siya sinasagot ni Tristan dahil abala ito sa pag-aayos ng kurbata.
"Can you help me here?" paghingi ng tulong ni Tristan sa kanya.
Lumapit naman si Kristina at hinawakan ang kurbata ng maalalang hindi pala siya marunong magtali niyon, "Ay, hindi pala ako marunong nito."
Napangiti naman ng patago si Tristan, halos lahat ng babaeng kakilala niya ay marunong mag-ayos ng kurbata.
Pero hindi pa rin binibitawan ni Kristina ang kurbata at sinusubukang ayusin iyon sa paraang hindi niya rin naman alam.
Hinawakan naman ni Tristan ang kurbata niya at kusang dumausdos ang kamay ni Kristina para pakawalan iyon. Nakatingin lang ng seryoso si Kristina sa prosesong ginagawa ni Tristan samantalang si Tristan ay pinagmamasadan ang blankong reaksyon nito habang tahimik na pinag-aaralan ang ginagawa niya. Memoryado na niya ang pagsuot sa kurbata niya kahit hindi ito tinitingnan, kailangan niya lang kasing ayusin ang buhok niya kaya nanghingi siya ng tulong kay Kristina.
Bumaba ang tingin niya sa labi nito, sa leeg na may nakasabit na kwintas, hanggang sa suot nitong blusa, pantalon at sneakers, napakunot noo siya.
"Mag-i-sneakers ka?" tanong niya kay Kristina.
"Ha?" nagtatakang nag-angat ito ng paningin sa kanya.
"Pangit ba?"tanong niya ng mapansing nakakatitig na siya sa mukha niya.
"Hindi naman, bagay nga e, kaso baka hindi appropriate," kumento niya.
"Sus, hindi mo naman kasi agad sinabi na business meeting pala, papalitan ko na lang," at mabilis na lumabas ng kwarto si Kristina.
--
Habang papasok sila sa isang restawran na nasa loob ng hotel na pag-aari rin ng SA&S ay nahuhuli si Tristan. Sa tuwing naririnig niya ang mga tunog ng takong ni Kristina ay hindi niya maiwasang mamangha na kaya rin palang magsuot ng gano'ng klase ng sapatos ang babae. Dati kasi ay hindi naman niya napapansin.
Pero bigla siyang natigilan ng may humintong nakaamerikano sa harapan ni Kristina at matamis itong ngumiti saka niyakap ang babae habang nagsasalita. Naalarma siya ng hindi parin naalis sa likuran ni Kristina ang kamay ng lalaki. Mabilis siyang lumapit sa mga ito.
Saka naman nagpaalam na ang lalaki.
"Bye! Big time ka na talaga, Macoy!" masayang kaway nito sa lalaking hinabol ang papasara ng pino ng elevator.
"Ikaw, ang ganda mo parin," pahabol nito saka humakbang papasok sa elevator.
Nawala ang ngiti ni Kristina nang mapansing nasa tabi na niya si Tristan na kanina pa babagal bagal maglakad, napakunot rin ang noo niya ng makitang nakakunot ang noo nito.
"Problema mo?" tanong niya rito.
"Sino 'yun?" istriktong tanong ni Tristan na para bang kapag hindi mo kaagad nasagot e lagot ka na.
"Ah, si Macoy, kasamahan ko dati sa resto sa QC, crew rin siya dati dun. Tingnan mo nga naman 'no, asensado na ngayon," puri niya sa dating katrabaho.
"Kasamahan, dati? Pero bakit sobrang saya mo naman yata?" hindi mapigilang usisa ni Tristan, hindi niya rin maintindihan kung bakit pinanalaki niya pa ang tagpong iyon samantalang may mas importanteng bagay ang naghihintay para sa kanila.
"Kasi, Tristan, ganun talaga kapag dati may kasamahan ka o kaibigan na nakasama mo nung mga panahong walang wala karin, pareho kayo, tapos pagkalipas ng ilang taon malalaman mong naging successful rin siya e 'di parang success mo narin 'yun. Gets mo ba? O kailangan ko pang i-explain ng mas maliwanag pa, 'yung magpapahiwalay diyan sa magkasalubong mong kilay?" dire-diretsong puna niya sa kasama.
"Let's go, nandun na 'yung imi-meet natin," paglihis niya sa usapan.
"Huwag kang masyadong nagpapadala sa mga nakikita mo, napaghahalataan ka e," tukso nito kay Tristan na seryoso pa rin.
Hindi na iyon umimik at mabilis na lang na hinablot ang siko ng babae, naglakad sila ng sabay, saka dumausdos ang palad niya sa palad ni Kristina.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...