"Ang wiwirdo," bulong niya.
Paalis na siya ng kusina nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya, si Tristan.
"Bakit?" tanong niya gamit ang suplada niyang tono.
"Dito ka lang muna," maawtoridad n autos ni Tristan sa kanya.
"Seat here, Tita Tin," hinila siya ni Jazz at pinaupo sa silya sa hapag kainan nila.
"Aba, sa'n galing yung 'tita Tin'?" ngingisi-ngising tanong niya.
"This is for you," abot ni Jazz sa isang maliit ngunit halatang mamahaling cake na kanina pa inaayos ng dalawa.
"Uncle, hurry up," utos ni Jazz sa tiyuhin niya. Nagtaka si Kristina dahil bigla ngang nawala sa eksena si Tristan.
"And that one," tumuro ang bata sa bandang likuran ni Kristina at paglingon niya ay isang bungkos ng iba't-ibang klase ng bulaklak ang tumambad sa kanya.
Hindi makapaniwala si Kristina sa nangyayari at lalong hindi niya maintindihan kung para saan ang cake at bulaklak e hindi naman niya birthday at lalong hindi naman Valentine's Day. Ibinalik niya ang tingin kay Jazz na ngayon ay halatang may halo ng tanong sa mga tingin niya. Ngumiti lang ng nakakaloko si Jazz.
"She wants to say sorry," sagot naman ni Tristan dahil alam niyang nagtataka na ito, "take this, this is for you," pagpapatuloy niya.
"She even went to Mom's flowershop just to personally arrange these flowers," pagbibida ni Tristan sa pamangkin.
"Sorry, tita, I know I did the wrong prank, sorry po," pagsusumamo ni Jazz na may sinseridad.
Muli namang iniabot ni Tristan ang bulaklak kay Kristina dahil hindi niya pa iyon tinatanggap.
"Oh? Marunong pala 'tong mag-po e," ika ni Kristina.
"Magalang naman talaga 'yan, hindi lang niya naipapakita," paliwanag ni Tristan.
"Even though we always fight, I already miss making fight with you, because I don't get bored everytime you're around, I'm sorry for breaking that disc, I didn't know..." naputol ang paghihingi ng tawad ni Jazz dahil biglang nagsalita si Kristina.
"Why don't we eat this cake now? Mukhang masarap e. I haven't eaten anything since this morning," paglilihis ni Kristina sa tila nagtatalumpating si Jazz.
Parang nagmistula namang manonood si Tristan dahil hinayaan niya lang ang dalawa na mag-usap na. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero kanina niya pa inoobserbahan ang reaksyon at galaw ni Kristina. Natatakot din siya na baka galit parin ito at hindi pansinin ang paghingi ng tawad ng pamangkin kaya hindi na siya nagulat nang putulin niya ang pagsusumamo ni Jazz.
Tumayo si Kristina at kumuha ng tatlong platito at kubyertos, inilapag niya ang mga iyon sa mesa habang ang dalawang tao sa kaliwa't kanan niya ay nakatitig lang sa kanya.
Pinasadahan niya ng tingin ang dalawa at pareho iyong blangko, si Jazz ay mukhang maiiyak na.
"Are you not going to hear me out?" malungkot na tanong ni Jazz.
Ibinaba ni Kristina ang hawak na bread knife at saka umupo ulit sa silya, hinarap niya si Jazz para magkapantay na sila ng tingin.
"I've heard enough, Jazz. Abswelto ka na," nakangiting pahayag ni Kristina sa bata.
Bumaling si Jazz kay Tristan na may nagatatanong na ekspresyon.
"She said you're forgiven, baby," malambing na pagsagot ni Tristan sa mga nagtatakang tingin ni Jazz.
"Really? Yehey, thank you, Tita Tin!" mabilis na niyakap ni Jazz si Kristina.
Nakangiti namang pinagmamasdan si Tristan ang dalawa. Hindi niya inaasahang gano'ng kabilis lang mapapalambot ni Jazz ang loob ni Kristina.
"Grabe, Jazz, be gentle naman!" pigil ni Kristina kay Jazz dahil hindi nahahalata ng bata na nasasakal na siya nito.
Habang kumakain ang tatlo ng cake ay hindi parin makapaniwala si Jazz na gano'n kadali lang siya mapapatawad ng Tita Tin niya.
"I still can't believe you forgive easily, Tita Tin."
"Talagang pinanindigan mo na 'yang Tita Tin na 'yan ah," nakangising kumento ni Kristina.
"Are you that kind of person, Tita Tin, do you forgive easily?" Napailing nalang si Kristina sa seryosong tanong ni Jazz. Sa unang kita niya palang kay Jazz ay napansin na niay na kahit may pagkapilyo at bratinela ito ay para rin itong matanda kung magsalita.
"No, I don't," maikling sagot ni Kristina. Bigla namang napatitig sa kanya si Tristan.
"Why?" agad na tanong muli ni Jazz.
"You won't understand," pagtanggi ni Kristina.
"I will," matigas na pagsalungat ni Jazz.
Huminga ng malalim si Kristina, bahagyang napatingin kay Tristan at napansin nito ang kakaibang titig niya, hinayaan niya nalang.
"Because people might do the same mistake over and over again if I forgive them easily," ngumiti si Kristina ng pilit pagkatapos niyang sagutin 'yon.
"So, there are people you have yet to forgive?" tanong na naman ni Jazz.
"Ilang taon na ba talaga 'to?" baling ni Kristina kay Tristan at nagkibit balikat lang si Tristan.
"I keep that personally, you know."
"But we're not on TV!" protesta ni Jazz.
"But we're not close," ngingiti-ngiting tugon ni Kristina.
"We are, right uncle?" bumaling siya sa tiyuhin na parang nanghihingi ng tulong.
"Women have the right to keep secrets, Jazz," pangungumbinsi ni Tristan sa bata.
"That's unfair!" mahinahon na kontra ng bata.
"Life, itself, is not fair, Jazzy, don't expect too much," tumayo na si Kristin at ginulo-gulo ang buhok ni Jazz.
Sinundan naman ni Tristan ng tingin si Kristina.
--
'Till next update. God bless y'all. :)
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...