Gustuhin man ni Kristina na sa mga ikinikilos na lamang ni Tristan siya magbase at huwag sa mga bagay na hindi nito kayang sabihin ay hindi niya magawa.Parang gusto na lang niyang lumayo rito para hindi na siya masaktan dahil sa bawat araw na dumadaan lalo siyang nahuhulog.
Kaya noong minsang may mangyari sa kanila ay hindi na siya nagdalawang isip na umalis.
"Mahal kita, Tristan," wala sa sariling nasabi niya noong gabing iyon kay Tristan habang pareho silang naghahabol ng hininga, magkatabi at magkayakap.
Walang sagot na natanggap si Kristina mula kay Tristan. Pinigilan niyang maiyak nang kumalas ito sa kanya para suotan siya ng panloob at ng polo niya bago balutin ng kumot.
Pagkatapos ay humiga ulit si Tristan at yumakap mula sa likuran. Hindi na niya napigilan ang luha niya nang sagutin siya nito ng, "Matulog ka na, you'll need it."
Sinabi niya iyon nang walang emosyon, malamig at masakit.
Kinabukasan nang wala na si Tristan sa bahay ay nagmadali siyang umalis, hindi na siya nag-abalang mag-impake. Hindi na rin siya nagbilin sa mga kasama sa bahay o nag-iwan man lang ng pasabi.
Umalis siya at bumalik sa condo niya. Kung saan ibinuhos niya lahat ng galit sa sarili.
"Bakit? Bakit?" Paulit ulit na tanong niya sa sarili.
"Bakit ka nahulog? Bakit sa kanya? Tangina!" paulit ulit niya ring paninisi sa sarili niya.
Saka unti-unting bumalik sa kanya ang mga nangyari noong gabing iyon.
Nadatnan siya noon ni Tristan na tulog sa sala at ang sunod niyang naramdaman ay ang mga bisig nito sa katawan niya. Binuhat siya nito paakyat sa mga kwarto nila.
"Uy, ibaba mo 'ko. Dapat ginising mo na lang ako," protesta niya.
"No, sa kuwarto ka na matulog. You did not lock the door, pa'no kung may pumasok tapos tulog ka pa?" malamig na sermon nito sa kanya.
"Hindi ko na napansin saka hindi ko rin naman namalayan na nakatulog na pala ako," katwiran niya at saka ulit inutusan si Tristan na ibaba siya.
"No, that's not even reasonable. Ang dali daling maglock, Kristina. Now, don't tell me what to do," matigas nitong pahayag.
"Sige na, ibaba mo na ako at babalik ako ron para siguraduhing naka-lock ang pinto, dali na San Antonio!" pilit niya.
Sa sinabi niyang iyon parang may biglang humablot sa mga namamahay na iritasyon sa kanya tuwing tinatawag siya nito sa apelyido niya.
"Don't call me that," saway nito.
"Ng ano, San Antonio?" maang maangan niya.
"You used to call me that and those were during the time we hate each other so much, we're far from that now," a-matter-of-fact niyang sabi.
"Tss, far from that now," nangungutyang ulit naman ni Kristina na siyang nagpatigil kay Tristan saka siya nito tinitigan gamit ang malalamig at nagtatanong na tingin.
Unti-unti siya nitong binaba pero hindi pa rin humihiwalay rito ang mga tingin niya.
"Tigilan mo 'yan," suway niya rito.
"What?" malamig at seryoso pa rin nitong ganti sa kanya.
--
Inunti-unti na ni Tristan ang distansiya niya kay Kristina, hindi na inalintana ang nagtataka nitong tingin, ang gusto niya lang ay mahalikan ito.
"Tristan!" suway muli nito sa kanya.
Nang halos wala ng distansiya sa pagitan nila, muli siyang sinuway nito.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...