"Why are you so eager to get back on Mr. Cinco?" tanong ni Tristan habang seryosong nakatuon ang atensyon ni Kristina sa pintuang lalabasan ni Cinco.
Hindi siya sinagot ni Kristina. Tinitigan pa sandali ni Tristan ito at napansing hindi parin kumakalma ang babae, bahagya paring nakakuyom ang kaliwang palad niya, at salubong parin ang mga kilay nito habang nakapalumbaba.
Habang nakatitig kay Kristina ay binalikan niya ang mga narinig na pambababastos sa kanya ni Cinco. Unti-unting umakyat ang dugo niya at saka lang niya natantong gusto narin niyang sapakin si Cinco oras na lumabas iyon sa restawran.
Maya-maya pa, napansin niyang bumukas ang elevator na nasa gawing kaliwa ng basement. Hindi iyon nakita ni Kristina dahil nakabantay siya sa elebvator na nasa kanan.
Mabilis niyang ini-lock ang pintuan ni Kristina at saka siya lumabas. Napansin na lang iyon ni Kristina ng iwan na siyang mag-isa nito sa sasakyan at ang masama pa ay ini-lock niya ito mula sa labas.
"Hoy, palabasin mo 'ko dito!" hinampas niya ang pintuan ng sasakyan na para bang bubukas iyon kapag nakaraming hampas siya.
Dahil wala na siyang nagawa kundi ang magmukmok sa loob, sinundan niya ng tingin ang papalayong si Tristan at nagulat nalang siya ng bigla nitong umbagin ang lalaking kanina niya pa hinihintay na lumabas.
Bumawi sa pagkakasapak si Cinco at hinarap si Tristan pero isang suntok sa kaliwa ang sinalubong niya doon. Nakangising humarap uli si Cinco kay Tristan, nagpunas ng dugong nanggagalin sa bibig niya at may sinabi pa iyong ilang salita.
Sinuklian iyon ni Tristan ng suntok sa sikmura na tuluyan nang nagpabagsak kay Cinco. Iniwanan siya ni Tristan ng ilang salita at saka tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.
Tulala at gulat paring pinanonood ni Kristina ang pabalik na kasama. Hindi niya alam kung ano ang unang maratamdaman niya. Magagalit ba siya o matutuwa? Magagalit dahil siya dapat ang gumawa no'n o matutuwa dahil sa lob ng matagal na panahon ay may gumawa niyon para sa kanya?
Hanggang ngayon hindi parin niya kayang isipin na an dating sumasalungat sa kanya ay kakampi na niya ngayon.
Hindi niya lubos maisip ang pagbaliktad ng mundo nila sa loob lamang ng halos isang taon.
Takut na takot niyang sinundan ng tingin ang lalaki, takut na takot dahil baka tuluyan na nga siyang nahulog rito.
Seryosong pumasok sa sasakyan si Tristan, tahimik, at walang balak ipaliwanag sa nangyari.
Sa huli hindi rin siya nakatiis dahil hinanda na niya ang sariling mabulyawan ni Kristina pero hindi man lang ito nagsalita.
"Wala ka bang sasabihin?"
Sa halip na sabihing, "bakit mo ginawa 'yon, dapat ako ang bumugbog sa mayabang na manyak na 'yun. Bakit ka pa nakialam?"
"Wala," ang tanging nabitawan niya.
"Wala?" nagtatakang ulit ni Tristan. "Wala ka man lang sasabihin? Thank you, o kahit okay ka lang ba? Wala lang?" dismayadong dagdag nito.
"Bakit mo ginawa 'yun? Ginawa mo ba 'yun para pasalamatan kita o para mag-alala sa'yo? Kaya ko naman e. Kung hindi mo sana ako pinangunahan e 'di sana nakatikim sa'kin 'yung walanghiyang Cincong 'yun!" sumbat niya.
"I don't know?" wala sa sariling sagot ni Tristan.
Ang totoo ay hindi niya rin maipaliwanag kung bakit niya ginawa 'yun. Kung bakit bigla nalang niya kaninang gustong lumpuhin si Cinco nang makita iyong lumabas sa elevator.
Bahagyang nilingon ni Kristina si Tristan na nagsimula nang magmaneho. Napansin niyang may naiwang dugo sa kamao nito. Agad siyang kumuha ng tissue at walang habas na hinablot ang kamay nitong may dugo.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...