In for a date

50 2 0
                                    

Napuno ng kumustahan ang naging usapan nila habang kumakain, iniiwasang mabanggit ang mga sensitibong bagay. Si Tristan naman ay tahimik lang at madalas napapako ang tingin kay Kristina. Ipinagsawalang bahala na lang iyon ng huli.

"Hindi ka man lang ba uuwi sa bahay?" tanong ni Miranda sa anak bago sumakay sa kotse.

"Saka na, Mommy," iwas ni Kristina.

"Don't be too hard on dad, Tintin," ang kuya naman niya. Diniretso na niya dahil alam naman niyang iyon ang iniilagan niya.

"Umuwi na kayo. Ihatid mo na si mommy, kuya," agad na putol niya sa mga susunod pang sermon ni Gio.

"Pa'no ka?" tanong ni Gio.

"Ako nang bahala."
"I'll take her home."

Sabay pa sila ni Tristan sa pagsagot.

"Okay, bro, ikaw na bahala sa kapatid ko," sang-ayon ni Gio na prinotestahan ni Kristina sa pamamagitan ng pag-irap.

"We'll go ahead, hijo. Mag-ingat kayo. And please don't fight," banayad na bilin ni Miranda.

Nagyakapan sila at maya maya pa unti unti nang nawawala sa paningin nila ang sasakyan.

"So," maingat na basag ni Tristan sa katahimikan, "let's get you home."

Balak sana ni Kristina na mag-commute na lang pero hindi rin naman siya papayagan ni Tristan. Dalawa lang 'yan, sasamahan siya nito sa biyahe o sapilitan siyang isasakay sa sasakyan niya.

Bago pa man magsimulang magmaneho si Tristan ay nagsabi na si Kristina kung saan niya gustong umuwi.

"Sa condo," aniya.

Inasahan na iyon ni Tristan kaya imbes na sumagot ay tahimik na lang itong tumango.

Hindi pa siya handa, naisip niya.

--

Pagpasok ni Kristina sa dating tirahan niya ay parang awtomatikong bumalik sa kanya lahat ng alaala niya roon. Lahat ng masasaya, malulungkot, pagmumukmok,lahat ng galit niya at hinanakit. Nagsilbi iyong parang proteksyon niya sa lahat ng ibato sa kanya ng buhay noon.

Katulad ng lagi niyang ginagawa noon pagkarating niya sa yunit niya, muli niyang binuhay ang lahat ng ilaw na nakapatay sa isang pitik lang. Pinasadya niya iyon noong matanggap niya ang unang sahod niya sa kumpanya.

Magkahalong gulat at mangha naman ang naging reaksyon doon ni Tristan. Hindi makapaniwalang mahilig din pala ang babae sa mga ganoong bagay.

"X, Y off," maya-maya pa ay sambit ni Kristina. Namangha na naman doon si Tristan dahil namatay ang dalawang ilaw sa gilid nila. Tanging ang nasa sala at kusina na lang ang nakailaw.

"Wow, I never thought you have a taste like this," hindi napigilang puna ni Tristan habang nakasunod kay Kristina.

Katamtaman lang ang laki ng yunit, walang gaanong kulay ngunit bakas ang ilang pambabaeng detalye roon, katulad na lang ng isang pulang painting ng nakatalikod na babae sa sala, ang pulang carpet, bukod doon puro itim at kulay abo na ang makikita.

"Mag-isa lang kasi ako, walang kausap kaya madalas sila ang kausap ko," wala sa sariling napasagot si Kristina roon.

Huminto siya sa paanan ng hagdan saka nagtanggal ng sapatos pagkatapos ay naupo sa pinakamalaking sopa na nasa sala. Sumandal siya saka nagsalitang muli, "Dim," ika niya at kusang humina ang dalawang natitirang ilaw na nakabukas sa loob.

"You can now leave," parang pagod niyang pahayag kay Tristan pagkatapos.

Nagsukatan pa sila ng tingin na tumagal ng halos isang minuto.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon