Changes

125 3 1
                                    

Hindi maintindihan ni Kristina ang nararamdaman. Bakit parang ibang Tristan ang nakikita niya ngayon sa harapan niya. Parang masyadong baliktad. Parang hindi siya. Mahinahon. Mabait. Mukhang mapagmahal.

"Shit!" mahinang mura niya sa sarili.

"That was just a dream, baby," alo niya sa bata.

Dahan dahan humakbang si Kristina hanggang sa pinto.

"Your mom and dad won't leave you."

"But, in my dream they really left me," umiyak ito ng malakas.

"You know what old people say about dreams? The exact opposite of your dream will happen in real life, so your not gonna lose your mom and dad like what happened in your dream, Jazz," kumbinsi niya sa bata.

Tinanggal ni Jazz ang palad niyang nakatakip sa mata niya at tiningnan si Tristan.

"But what if it happens in the future, will you be there for me?" mangiyakngiyak na tanong ni Jazz.

Hindi na sumagot si Tristan sa halip ay tumayo siya at niyakap si Jazz, na hanggang tiyan niya lang. Mahigpit namang niyakap ni Jazz si Tristan. Tumahan na ng bahagya si Jazz.

Sa pagkakataong iyon ay lumambot ang puso ni Kristina. Hindi niya maintindihan pero kakaiba ang naging epekto ng tagpong iyon sa kanya. Kung hindi niya itinuturing na mortal na kaaway si Tristan ay agad agad niyang pupurihin ito.

Dumiretso si Kristina sa kusina nila at hinanap ang paborito niyang ice cream, kinuha niya iyon, kumuha ng isang kutsara at saka dumiretso sa kinaroroonan ng magtyuhin na kakakalas lang sa pagyayakapan.

Lumapit siya doon, ginulo niya ang buhok ni Jazz na noon ay mukhang maayos na ang pakiramdam. Inabot niyang ice cream na hawak pati ang kutsara.

"Oh, i-ice cream mo lang 'yan bata," alok nito sa bata.

Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ni Tristan. Tinanggap niya iyon at saka ulit bumaling sa bata dahil hindi niya kinakayang titigan si Tristan.

"Everytime I feel sad, ice cream take them all away, try it, Jazzy," nginitian niya ang bata at tinanggap naman nito ang alok. Tinititigan parin siya ni Tristan at saka binalik ang tingin sa namamanghang si Jazz.

"An gaga-aga pa para sa ice cream," baling niya kay Kristina.

"Hayaan mo na, it's not like it happens everyday. Effective yan, para ka lang uminom ng malamig na tubig sa umaga," katwiran ni Kristina.

Sa sumunod na araw ay may tumawag na kay Kristina na nagsasabing gusto siyang kunin ng isang sikat nang director para gawing intern at kapag nagustuhan nito ang performance niya ay gagawin siya nitong assistant director.

Sobrang ganda ng mood noon ni Kristina, tuwang tuwa siya tipong nasa langit siya.

"Nakaisa din!" sigaw niya at napasuntok sa hangin.

Tinawagan niya kaagad si Erika para ibalita iyon. Hindi naman sila ganoong nagkakuwentuhan dahil nasa trabaho siya. Saka nalang daw sila magkuwentuhan kapag hindi na siya busy. O kaya naman ay tumawag nalang daw siya ulit.

Nagkita sila ni Joshua sa araw na 'yon dahil nagwork out siya sa gym. Ayaw pa sanang ipaalam ni Kristina ang balita kahit kanino pero hindi niya napigilan ang sarili at nabanggit niya iyon kay Joshua.

"Great! Dapat i-treat mo ako kapag natanggap ka na talaga. Do your best, sexy!" at nakipag-apir ito at nakuha nila ang atensyon ng lahat ng nasa coffee shop na kinaroroonan nila. Naghalakhakan nalang ang dalawa.

Nakatanggap na naman ng yakap si Kristina nang maghiwalay sila ni Joshua. Kung hindi lang sila magkaibigan ay baka isipin niyang pinopormahan siya ni Joshua.

Habang nagdadrive ay tumunog ang cellphone ni Kristina, agad niya iyong sinagot para sabihing tumawag nalang siya ulit.

"Hello? Pwedeng tawag ka na lang ulit? Nagmamaneho ako," mabilis niyang sinabi habang nakatingin ng diretso sa highway.

"Itabi mo, importante 'to," maawtoridad na utos ng nasa kabilang linya. Tumaas bigla ang kilay ni Kristina, si Tristan pala ang tumawag.

"Hindi pwede nasa highway ako," matigas na tanggi ni Kristina. Hindi na nakasagot si Tristan. Hindi inasahan ni Kristina ang pagtahimik at pagbuntung hininga ni Tristan sa kabilang linya. Kung nasa isa sa mga sitwasyon sila ng nakaraan kung saan nagtatrabaho pa si Kristina sa ilalim ng pamumuno ni Tristan ay ipipilit nitong itabi niya ang sasakyan niya at sundin ang utos niya pero ngayon biglang parang nabahag ang buntot ni Tristan na ikinagulat niya.

"Tatawagan kita, itatabi ko lang 'to," si Kristina na ang nagtuloy ng usapan nila.

"Okay, I'll wait for it," seryosong pagsang-ayon ni Tristan.

Tumango si Kristina kahit hindi siya nakikita ni Tristan at binitawan ang cellphone na dumiretso sa katabing upuan.

"'Okay, I'll wait for it?' Ha? Talaga lang San Antonio?" inulit niya ang huling pahayag ni Tristan.

"I'll. Wait. For it," ulit niya sa kawalan.

"I'll wait?" umiiling iling siyang inuulit iyon at napapangisi.

Nang may makitang gasolinahan ay tumigil siya doon at kaagad na kinontak si Tristan. Nakadalawang ring lang ito at sinagot na ni Tristan. Namangha si Kristina doon.

"Bilis ah," bulong niya habang hindi ba nagsasalita si Tristan, saka nilakasan ang boses, "bakit?"

"I'll be home late tonight," marahan niyang sinabi.

"Akala ko ba importante?" tanong ng utak ni Kristina sa halip tahimik lang siyang nakikinig.

"Please watch over Jazz, let be there beside her until she fall asleep, baka kasi malungkot na naman," sa sinabi niyang iyon ay naistatwa si Kristina.

"Iba talaga ang concern niya sa bata," sambit niya sa sarili.

"Sige," iyon nalang ang naisagot ni Kristina.

"I know it's not your responsibility pero may dalawa pa kasi akong meeting mamayang gabi, I can't go home early," paliwanag niya. Sobra sobra na yata ang pagkamangha niya sa concern na ipinapakita ni Tristan at hindi na nakapagsalita si Kristina.

"Hindi, ayos lang, may puso rin naman ako, naaawa din ako sa bata," mabuti't nakabawi siya sa pagkakatahimik.

"Thanks. Thank you, I have to go," ramdam ni Kristina ang paggaan ng pakiramdam ni Tristan na siyang nagpangiti kay Kristina sa kawalan.

Sa kabilang banda ay napanatag ang loob ni Tristan. Napangiti sa kawalan.

Pagkapark ni Kristina sa sasakyan niya ay saka niya napansing nagtext si Tristan.

"Home?"

-San Antonio

"Oo, kararating ko lang. Bakit?" reply niya.

Papasok na siya sa kusina nila para uminom ng tubig ay nagtext si Tristan.

"Just checking."

-San Antonio

Kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ni Tristan kaya sa halip na maging palaisipan pa iyon sa kanya ay minabuti nalang niyang hindi magreply.

--

Pagtiyagaan niyo nalang muna 'tong update na 'to. Sisikapin kong makapag-update ng mas mabilis. Salamat. :)

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon