Makalipas ang isang linggo, nagpasya nang bumalik si Kristina. Hindi totoong nag-reshoot sila sa loob ng isang linggo. Dalawang araw lang siyang nagtrabaho at saka nagdesisyong bumiyahe papunta sa isang tahimik na lugar kung saan ang payapang alon at huni ng mga ibon sa tanghali, makulay paglubog ng araw sa hapon ang naging kasama niya sa loob ng limang araw. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, sinubukan niyang linawin ang pag-iisip, sinubukan niyang hanapin ang mga sagot sa mga tanong niya.Sinigurado niyang makakauwi siya sa ng madaling araw para iwas na rin sa pag-uusisa pero mali siya pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto ay tumambad na sa kanya si Tristan na nakaupo sa sofa sa sala habang pinagmamasdan siya.
Patay-malisyang naglakad si Kristina papasok hanggang sa hagdan nang basagin ni Triatan ang katahimikan.
"Saan ka galing?" tila galit na tanong ni Tristan.
"Shoot," sagot ni Kristina na walang reaksyon.
"You should've at least told me kung nasaan ka at kung kailan ka darating," ika ni Tristan.
"Nandito na 'ko, kailangan ko pa bang i-recap lahat?" walang ganang sagot ni Kristina.
"Yeah, welcome home!" sarkastikong ganti naman ni Tristan.
Hindi napigilan ni Kristina ang sarili at naglakad papalapit sa kanya, ibinagsak ang bag sa katabing sofa at nagsimulang makipaglabanan ng galit kay Tristan.
"Magkaliwanagan nga tayo, hindi ba sabi mo dati, walang pakialaman. We will mind our own business, o anong nangyari sa rule na 'yun? I'll go outside and return home whenever I want, 'di ba?" pagpapaalala ni Kristina.
"Fine," pagsuko ni Tristan. Pero maya maya pa, parang hindi niya rin kayang hindi makakuha ng sagot galing kah Kristina.
"Where have you gone?" Seryoso ay mas mahinahon niyang tanong.
"Sa shoot nga," naiiritang sagot naman ni Kristina.
"Saan?"
"Sa Cagayan,"malamlam niyang sagot, tipong sinabi na lang niya para walang gulo. Pero ang sumunod na ginawa ni Tristan ang para bang nakapagpainit ulit ng puso niya, puso niyang hinayaan niyang lumamig sa loob ng isang linggo.
Minuwestra ni Tristan ang bakanteng espasyo sa tabi niya, tinampal tampal niya iyon bilang pagpapahiwatig na lumipat ai Kristina sa tabi niya.
Noong una ay ayaw ni Kristina, tumayo pa nga ito at nagsimula nang maglakad papalayo pero binilangan siya ni Tristan.
"Isa," sabi nito na siyang nagpabalik aa alaala ni Kristina noong gabing nagkasakit siya at nagpumilit si Tristan na pakainin siya ng tamang pagkain bago uminom ng gamot. Nagitla siya sa tila mainiti na hanhin na humaplos sa nanlalamig niyang puso, nag-uudyok na pagalawin ang mga paa niya na humakbang papalapit sa lalaking minamahal na niya na noon ay kulang na lang ialok niya kay satanas.
"Dalawa," sunod na banta ni Tristan.
"Bakit ba?" sabi naman ni Kristina.
"Come back here, may mga itatanong pa 'ko," utos niya.
Nagmistula namang sunud-sunuran ang buong katawan ni Kristina maliban sa isip niya at napabalik ito sa sala.
Habang nakatayo, nakaharap kay Tristan at naghihintay sa sasabihin nito, muling iminuwestra ni Tristan ang espasyo sa tabi niya. Pilit na linabanan ni Kristina ang tuksong tumabi kay Tristan at paulit ulit na iminantra sa sariling hindi siya uupo ro'n pero sa huli ay sumunod pa rin siya.
Isinandal naman ni Kristina ang ulo sa sandalan ng sopa, noon niya lang napansin na may pinanonood pala ang katabi.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang gumapang ang kaliwang kamay nito patungo sa batok niya at saka nito ipinasandal ang ulo niya sa balikat nito.
Hindi mapigilang hindi makaramdam ng lungkot at saya ni Kristina sa ginawang iyon ni Tristan, oo, maliit na bagay pero sa mga ganoong kasimpleng bagay siya natututong suwayin ang mga pagpipigil niya sa sarili, sa mga ganoong kaliit na kilos at tila pag-aalala siya nagsimulang papasukin si Tristan sa buhay niya pati sa puso niya.
"How have you been?" mahinahong tanong nito.
"Good, peaceful," maingat na sagot niya.
"Hindi ka napagod?"
"Hindi."
"Sabagay, gusto mo naman 'yan e."
Nanahimik sila nang ilan pang minuto hanggang sa nagsimula nang haplusin ni Tristan ang buhok niya - tanda na nag-aalala ito para sa kanya.
Sa loob ng maikling panahon, nakabisa na niya ang mga simpleng kilos ng lalaki pati kung anong ibig sabihin ng mga kilos na 'yun.
"Ikaw? How have you been?" Balik ni Kristina.
"Good but..."
"But?"
"Not as good as yours, siguro," pag-amin ni Tristan.
Tumangu-tango na lang si Kristina. Sandali pa ay bumaba sa balikat niya ang kamay ni Tristan, saka nito hinigpitan ang hawak sa kanya na para bang niyayakap na siya.
Minsan gustong maniwala ni Kristina na tanda iyon ng pagmamahal pero hindi siya tanga para hindi isiping tanda pa rin iyon ng pag-aalala.
"That was quite a period of time, ang tagal mong nawala," kumento ni Tristan.
"Oo, medyo," sang-ayon naman ni Kristina.
Napansin ni Tristan na mukhang ayaw nang magsalita ni Kristina at nang sipatin niya ito ay mapungay na ang mga mata kaya tumahimik na lang muna siya kahit gusto niya oang makipag-usap sa kanya.
Nanatili sila sa ganoong pwesto sa halos kalahating oras, walang imikan, pakiramdaman lang.
"Tin?"
"Hmm?"
"Tulog ka na?"
Hindi na ito sumagot pagkumpirma na tulog na nga siya. Hinalikan ni Tristang ang ulo nito at naramdaman niya iyon.
Inaantok na siya, patulog na siya pero hindi pa malalim. Gusto man niyang maniwala na ang simpleng kilos na iyon ni Tristan ay nangangahulugan ng pagmamahal ay pinili niyang maniwala na pag-aalala lang iyon.
"I love you..." bulong niya, sinigurado niyang hindi iyon maririnig ni Tristan.
Nagitla si Tristan sa narinig, hanggang sa tuluyan na siyang naistatwa nang marinig pa ang kumpirmasyong para sa kanya iyon.
"...Tristan."
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...