Guest of honor

44 2 0
                                    

Hi! Last three chapters, including this and we're done. This ends tonight, thus the song.

--

"Ma'am, a-attend po ba kayo sa anniversary natin this year?" tanong ni Martha mula sa kabilang linya.

Biglang napamulat si Kristina doon. Nasa location kasi siya, may proyektong tinatapos para sa kumpanya at magdamag siyang gising.

"Yes, Martha. Nasa Manila ako ngayon," sagot niya.

"Okay, Ma'am. Looking forward to see you. Matagal na ring nagtatanong ang mga bata," nagagalak na sabi ni Martha. Isang taon at mahigit na kasing hindi nagpapakita si Kristina sa kanila.

Kahit nasa malayo siya, hindi naman niya pinabayaan ang foundation. Kinukumusta niya pa rin ito lingu-linggo. Panatag naman ang loob niya dahil iniwan niya iyon sa mga pinagkakatiwalaan niya.

"And Martha, please arrange a tribute for Joshua," pakiusap niya.

"Regarding po diyan, Sir Joshua asked na sana 'wag na raw po siyang bigyan ng tribute, magsasalita na lang daw po siya," ani Martha.

"Sure, kung anong gusto niya, gawin natin. Gusto niya lang pala ng exposure," aniya.

Si Joshua ay naging regular na tumutulong na sa foundation. Simula noong umalis siya, si Joshua ang naging abala. Sa kanya nanggagaling ang pinakamalaking donasyon para rito. Lahat iyon hindi nakakalimutang ibalita sa kanya ni Martha noon.

Noong matapos ang tawag, bumalik siya sa pagpikit para magpahinga sandali. Hindi na siya umuwi dahil maaga rin naman ang call time nila sa araw na ito.

Isang buwan. Isang buwan na rin ang nakalipas. Wala pa rin si Tristan. Nagkakausap naman sila pero hindi masinsinan dahil na rin lagi silang abala pareho. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanilang dalawa. Hindi rin kasi tiyak ni Tristan kung hanggang kailan siya roon.

"Direk?" mahinang tawag ng isang staff kay Kristina.

Muli na namang napamulat si Kristina, iniisip na mali yata ang desisyon na sa tent magpahinga, mas mabuti siguro kung umuwi na lang siya.

"Direk, breakfast po," alok ng staff.

Ito na naman, ani Kristina sa isip niya.

"Direk, pasensiya na pero kailangan ko raw pong siguraduhin na kakainin niyo 'yan."

"Ako nang bahala. Mamaya na ako kakain, ako na magsasabi, idlip lang ako," aniya.

"Sige po. Pinapasabi po ni Sir Tristan na puwede niyo naman daw pong huwag tapusin ngayon yung shoot, umuwi raw po muna kayo para magpahinga," nag-aalangan pang pahayag nito.

"Pakisabi sa Sir mo, he doesn't have to meddle with my job," bitaw ni Kristina na nagpaurong sa dila ng staff.

"Sige po, direk, pahinga na po kayo. Pasensiya na po, napag-utusan lang," nahihiyang itong lumarga.

"I understand. Thank you," malamya niyang balik.

Walang anu-ano ay tinawagan niya si Tristan. Inaamin niya kinikilig siya sa mga ganoong pinagagawa ni Tristan sa mga tao niya pero hindi niya alam bakit naiinis siya minsan, siguro dahil siya mismo ang gusto niyang gumawa noon.

"Tigilan mo na ang pagpapahatid mo ng kung anu-anong pagkain sa mga tao mo sa'kin, nakakahiya na sa kanila," bungad niya, wala man lang hello o good morning.

"Hey, good morning," malumanay na bati ni Tristan, nakapikit ito, ang totoo ay katutulog niya lang.

"Sorry, nagising ba kita?" nagsisising tanong niya.

"It's okay. You should go home and sleep. I don't want you sleeping on your chair inside that tent," bakas pa sa boses ni Tristan ang pagkaantok at parang nagising naman doon si Kristina, patuloy na sinisisi ang sarili.

"Paano mo nalaman?" namamangha imbes na nagtatakang tanong ni Kristina.

"I have ways, baby." Pagod na ang katawan ni Tristan pero hindi para sa boses ng nasa kabilang linya.

"You should go back to sleep, sorry naistorbo kita."

"Mm," iyon na lang ang nakayanang isagot ni Tristan.

"And thank you. I-- I miss you," nag-aalangang bitaw niya bago tapusin ang tawag.

Sa kabilang dako ng mundo, nakangiting bumalik sa pagtulog si Tristan. "I miss you everyday, Tin," wala sa sariling nasabi niya kahit hindi na siya maririnig ni Krsitina.

--

Kakaiba ang sayang naramdaman ni Kristina habang naglalakad papalapit sa soccer field kung saan idinadaos ang taunang anibersaryo ng academy na mag-isa niyang itinayo ilang taon na ang nakalipas. Napansin niya na hindi katulad noong mga nakaraang pagdaraos nila ay mas magarbo ngayon. Inisip niya si Joshua na walang sawang sumuporta sa foundation simula noong nagkakilala sila.

"Show off talaga 'to kahit kailan," mahinang kumento niya nang makita ang enggrandeng ayos ng mga mesa at maging ng entablado.

Sinalubong siya ng mga estudyante niya na isang taon na rin niyang hindi nakukumusta. Puro kasi ang mga tagapamahala lang ang lagi niyang nakakausap, maging si Joshua nga na pangunahing tagasuporta nila hindi niya nakakausap.

Sumunod na lumapit sa kanya si Joshua na napakapormal pa ng suot.

"Hi, sexy!" bati niya na nagpatigil sa batian nila ng mga bata. Niyakap pa siya nito pagkatapos.

"Salamat sa pagpunta," mapang-asar ding dagdag niya.

"Gago, isang taon lang akong nawala, sa'yo na pala 'tong academy," aniya.

Hihirit pa sana si Joshua pero naudlot iyon nang ianunsyo ng host na magsisimula na ang programa. Niyaya naman siya ni Joshua na umupo na sa nakalaang puwesto para sa kanila ngunit naagaw ng pansin niya ang isang kumpol ng mga tao sa kabilang dulo sa likuran.

"Mauna ka na," utos niya kay Joshua. "Alam ko namang magsasalita ka, e," iminuwestra niya ang harapan.

Sumaludo lang sa kanya si Joshua bago magtungo sa harapan dahil sakto namang tinawag siya nang host.

Walang pag-aalinlangang nilapitan ni Kristina ang mga taong tingin niya ay kilala niya. Lahat sila ay nakatalikod sa kanya, nag-uusap-usap.

"Kuya!" maya-maya ay nakilala niya rin sila. "Mom?" Sandali siyang natigil at tila nagboluntaryo ang bibig niyang banggitin sila isa-isa sa pangalan, "Dad? Tito? Tita?"

"Tin," sabay na sabi ng kuya Gio at Mommy niya.

"Bakit kayo nandito?" wala sa sariling sabi niya.

"We were invited by Josh," ani Gio.

Habang nagpapaliwanag ang kuya niya ay niyakap naman siya ni Miranda at bumulong ito ng "I'm so proud of you, anak."

Sa harap ay nagsimula nang magsalita ang panauhing pandangal, si Josh, naisip ni Kristina na hindi niya pinansin. "Good morning, everyone. Wow, it's nice to see you all here," bati nito, hindi pa rin naagaw noon ang atensyon ni Kristina.

"Mom, paano niyo nalaman?" tanong niya sa nanay at nagpalipat lipat ang tingin sa ilan pang nandoon na hati rin ang atensyon.

"Bago ako mag-umpisa sana mapansin naman niya ako, kanina pa ako nagpapapansin dito, oh," naririnig ni Kristina na pahayag ng nagsasalita, hindi niya pa rin pinansin dahil hinihintay niya ang paliwanag ng pamilya.

"When that guy started to solicit from us," sagot ni Egdar na tinaguan naman ng mag-asawang San Antonio.

"Tss, Josh," naiinis na bulong niya. "Did he disclose --"

"When I found out about this foundation few years back, I can't help but to feel proud of the woman who built this."

Hindi pa rin iyon nakuha ang atensyon ni Kristina, naghihintay ng karagdagang detlaye kung paanong nalaman ito ng pamilya niya.

"Mom --" natigilan siya dahil wala nang pumapansin sa kanya. Nasa harapan na lahat ng atensiyon nila.

Lilingunin na sana niya ang harapan nang mapagtanto niya kung sino ang nagsasalita sa harapan.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon