"Silvestre! Where are you? Malelate na 'ko!" sigaw ni Tristan kay Kristina na hindi niya parin mahanap, lumabas siya at sa pool niya nadatnan ang babae, nakaswim suit ito ngunit hindi bikini kundi 'yong parang suot ng mga atleta sa mga kompetisyon, nagulat si Tristan sa nasaksihan na kakayahan ng babae sa paglangoy para itong propesyonal na manlalangoy. Pag-ahon ni Kristina, ibinalik niya sa dati ang reaksyon ng mukha na walang bahid ng pagkatulala, pinigilan niya ito pero bahagya siyang nahirapan ng makita na ng malapitan ang manipis na pangangatawan ng babae, hindi singperpekto ng mga modelo ngunit may kakaiba sa pustura niya, marahil ang mga kalamnan niyang naka-tone at ang abs niya sa tiyan. Napailing ang konsensiya ni Tristan, hindi niya akalaing may natatagong ganoong pangangatawan sa bawat loose t-shirt at ragged shorts ni Krsitina.
"Alis ka na ba?" bungad ni Kristina.
"Yes, can you make it fast?"
"Aga-aga, aburido, kumain ka na ba?"
"I'll eat first, go fix yourself," utos ni Tristan sa babaeng hindi niya akalaing kaharap niya parang hindi siya makapaniwalang si Kristina iyon, si Kristina na ayaw na ayaw niyang nakikita't nakakausap.
Samantala si Kristina, hindi maipaliwanag sa sarili na nakakaya na niyang kausapin ngayon ng parang normal lang si Tristan, ayaw niya parin sa taong iyon ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang kumapit sa patalim. Kailangan niya ng pera, 'yan nalang ang paulit-ulit na itinatanim niya sa utak niya.
"Ayaw mo ba talagang lumipat dito sa harapan?" tanong ni Kristina kay Tristan. Sa loob ng isang linggo 'yan nalang palagi ang tanong niya sa lalaki. Ginawa talaga siyang totoong driver, hindi sila nag-uusap sa loob ng sasakyan, magkakaingay lang kapag nasa mood kumanta si Kristina o kaya naman kapag nagbibilin si Tristan pero ang madalas ay ang pagsabi lang nito kung saan sila pupunta o dadaan. Pati sa mga business meeting niya sa labas siya parin ang nagmamaneho. Hinihiling na nga lang niya na sana may tumawag na sa kanya sa mga trabahong inaplayan niya. Ang pakunswelo nalang, minsan hindi na siya tinatawagan ni Tristan para sunduin siya pauwi.
"San Antonio, puwedeng mag-advance?"
"No," mabilis na sagot ni Tristan sa tanong ni Kristina.
Hindi na ulit umimik si Kristina. Kapag mga ganitong pagkakataon bumabalik sa alala niyang mortal niya palang kaaway ang hinihingan niya ng pabor.
"Where will you use the money?" hindi napigilang tanungin ni Tristan, napansin niya sa salamin ang pagliwanag ng mukha ni Kristina.
Hindi kaagad nakasagot si Kristina dahil hindi pa pala tapos magsalita si Tristan, "para sa luho?" walang kaabog-abog na tanong ni Tristan.
Nagpanting naman ang tainga ni Kristina dahil ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang akalain ng mga taong maluho siyang tao, sa katunayan hindi siya ganoong klase ng tao.
"Oo, magpapalit na ako ng mga gamit, kailangan ko ng bagong damit, sapatos, bag, phone at alahas," mas walang kaabog-abog na sagot ni Kristina sa lalaking nasa likuran niya.
"Bukas ha?" dugtong ng babae.
"Tsss," reaksyon ni Tristan.
"Tsaka hindi rin kita masusundo bukas dahil magpaparty kami ng mga friends ko," paalam ni Kristina.
"Do whatever you want," pag-iiba ng timpla ni Tristan.
--
Bago umuwi si Tristan sa sumunod na gabi, nakipagkita muna ito sa matalik niyang kaibigan.
"How's the husband taking it all?" tanong ni Joshua sa kaibigang mukhang wala sa mood.
"Worst. Hell. Death pare, I married a just-like-any-other-girl-out-there woman."
"What does that mean?" pangiti-ngiting usisa ni Joshua.
"She agreed to be my P.A. and driver just to have money for her clothes, shoes, jewelries and some clubbing party. Ang babaw niyang babae pare, akala ko matigas siya at hindi siya pumapayag na magpakababa pero para lang sa mga gano'ng bagay she chose to be that low," umiling siya sa harapan ng nakangiti niyang kaibigan.
"Wow, that's interesting!"
"How could that be interesting?"
"Well, she could just borrowed money from you without giving something in return or she could just have used her own money," paliwanag ni Joshua.
"You're not getting my point, pare."
"I still want to meet her."
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...