Nagtatakang inabot ni Kristina ang bouquet mula sa delivery boy. Agad niyang hinanap ang card nito at binasa.
"Better late than never, happy birthday."
Walang nakalagay kung kanino nanggaling kaya hinabol niya ng tanong ang delivery boy.
"Kuya, kanino 'to galing?"
"Wala po ba sa card?"
"Wala e."
"Kay Mr. Tristan San Antonio po," pagkasabi niya iyon tumalikod na siya at lumarga.
Hindi naman makapaniwalang tinitigan ni Kristina ang mga bulaklak, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng bulaklak sa loob ng mahabang panahon. Nakaramdam siya ng hindi normal na pakiramdam, ngayon lang.
"Bakit niya pa ginawa 'to? Pwede namang kaswal na lang niya kong batiin," tanong niya sa sarili niya at namuo ang nakatagong ngiti niya.
--
Nadatnan ni Tristan si Kristina na muling nanonood sa sala. Napapansin niya na hilig nito ang panonood ng pelikula. Nang makita niya ng malapitan ang babae, seryoso lang ito at tutok na tutok, saka niya nalaman na horror ang pinanonood niya. Nahihiwagaan na naman siya sa napangasawa niya, nakakaya niyang manood ng horror mag-isa. Sa center table sa sala, napansin niya ang nakaayos na bulaklak sa vase, napangiti siya, alam niyang 'yon ang ipinadala niyang bulaklak kanina.
Tinabihan niya si Kristina at sandali lang siyang nilingon nito ngunit bumalik din agad ang atensyon sa pinapanood.
"Kaya mong manood mag-isa?"
"Obviously," maikling sagot ni Kristina na nakatingin parin sa screen.
"Hindi ka natatakot?" sa pagkakataong iyon hinarap na siya ni Kristina, napansin niyang may angking ganda din pala si Kristina, namumula ang pisngi hindi dahil sa make-up kundi natural lang, manipis at kulay rosas na labi, malaki at maekspresyong mga mata, napalunok siya sa nakikita niya at agad niya itong itinigil.
"Hindi. Matatakot ka lang kung i-aattach mo yung sarili mo dito. Do you know what makes a horror movie scary?" Hindi sumagot si Tristan at nagpatuloy lang si Kristina.
"It's not just about the effects or the story but it's the level of scariness being built towards the viewers all throughout the movie saka ipapasok ang gulat. Alam mo ba 'yon?" 'yong tono ni Kristina parang tinuturuan ang isang bata na ngayon palang makakanood ng horror movie.
"I'm not interested," seryosong sagot ni Tristan.
"Alam mo ba na ang bumubuhay sa mga romantic movies ay hindi kung gaano ka-great yung love story ng mga bida kundi yung charisma ng bidang lalaki at babae?"
"I don't care about love stories."
"A life without love is no life at all," seryosong bitaw ni Kristina at kumunot ang noo ni Tristan.
"Ever After," nakangiting humarap siya muli kay Tristan. Napailing nalang si Tristan, pangalawang beses na iyong ginawa sa kanya ni Kristina. Bigla bigla nalang siyang magbibitaw ng linya galing sa mga pelikula.
"Mahilig ka ba sa movies?" tanong ni Tristan. Hindi niya binalak na magkaroon ng ganitong usapan sa pagitan nila ni Kristina, sadya nalang nangyayari.
"Sino bang hindi?" sagot ni Kristina.
"Ako."
"Pero nanonood ka?"
"Oo."
"See, lahat ng tao nanonood ng pelikula."
"So?"
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...