Lutang na tinapos ni Kristina ang tawag. Hindi niya pa rin kasi alam kung saan siya kukuha ng gagamiting pera ngayong wala na siyang trabaho. Ayaw naman niyang gastusin ang ipon niya.
Agad niyang tinawagan si Erika at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kuwarto niya.
Sa pangatlong ring, sumagot si Erika, "Lola! Budgeting na wala pa rin akong mapagkukuhanan!" bungad niya rito habang isinasara ang pinto ng kuwarto.
"Manghiram ka kaya muna sa asawa mo," suhestiyon ni Erika.
"No way, lola," tanggi niya.
"Hoy bitch, kumapit ka na sa patalim. Habang may patalim pa," kumunot naman ang noo ni Kristina sa mga sinasabi ng matalik niyang kaibigan.
"Erika ayusin mo nga yang mga suggestions mo!" bulyaw niya rito saka umupo sa kama habang patuloy sa pagpapaliwanag ang kaibigan. Ni hindi niya na nga ito pinakikinggan dahil paulit-ulit lang -- si Tristan pa rin daw ang magiging sagot.
"You done, grandma?" asar niya rito nang matapos.
"Bitch ka talaga! Look, bitch, I'm giving you the most feasible solution. Saka, gipit ka na rin sa oras 'no," depensa nito.
"Look also grandma, I can't, shouldn't ask help from him. Mortal na kaaway ko pinag-uusapan natin dito, remember? Nakalimutan mo-" natigilan siya bigla nang makita niyang nakahalukipkip si Tristan sa harap niya. Nagtaka siya kung saan ito galing at bakit nasa loob bigla ito ng kuwarto niya. Kunut-noo niyang inilibot niya ang paninginsa loob at napagtantong maling kwarto ang napasukan niya.
"Putcha! Wait Erika, hang on," naghanda siyang kumaripas para lumabas sa silid.
"Why are you here?" malamig na tanong ni Tristan.
"Why am I here?" balik naman niya sa tanong ng lalaki. Nang maka-buwelo, dali-dali siyang tumayo at lumabas ng silid na iyon. Naiinis din siya dahil sa tono pa ni Tristan ay parang nag-trespassing siya.
"Diyos ko, Erika, mali ako ng pinasukang kuwarto," balik niya kay Erika nang mapakalma na niya ang sarili ngunit patuloy pa rin sa pag-init ang pisngi niya.
"Wait, what? Anong wrong room?" taka ng kaibigan.
"Sira! Hindi naman kami magkasama sa iisang kwarto, e," a-matter-of-fact niyang sinabi.
"So ibig sabihin hindi mo pa nasisilayan 'yung magagandang tanawin niya?" nanunuyang tanong ni Erika.
"Erika! Maawa ka nga sa mga mata ko! Wag mong gawing traydor ang mga mata ko!" bulyaw niya.
"Sinabi mo 'yan ah, 'pag dumating 'yung panahon na-"
"Drop it, Erika. Hindi 'yun mangyayari. Saka may problema pa 'ko," sinikap niyang bumalik sa unang paksa nila bago ang lahat.
"Humingi ka na ng tulong kay Tristan, babayaran mo naman e. Lunukin mo na muna 'yang pride mo ngayon. Sige na Tin, 'yan na ang the best option ngayon," pangungumbinsi ni Erika sa kanya.
"Bahala na, sige na. Matutulog na nga ako. Bye," naiinis niyang paalam.
"Pag-isipan mo ha. Bye, bitch."
Napabuntong hininga na lang si Kristina. Ayaw niyang humingi ng tulong kay Tristan, kahit pa asawa niya na ito ayaw niyang magkautang ng loob sa itinuturing niyang tinik sa buhay niya.
--
"Bakit ngayon pa nagbrown-out? 'Pag minamalas ka nga naman oh!" pag-aalburoto ni Kristina habang kinakapa ang tuwalya niya na nakasabit. Kasalukuyan siyang naliligo nang biglang magdilim ang paligid.
Dali-dali siyang lumabas ng banyo at hinanap ang cellphone sa kuwarto pero pagkatapos ng ilang ikot, hindi pa rin niya ito mahanap.
"Letseng rotating brown-out 'to oh!" padabog siyang bumaba patungong sala para manghingi ng tulong pero huli na nang maalala niyang wala pala si Manang Magda dahil Sabado na.
"No choice na ko kundi manghingi ng tulong sa demonyo," sapo-sapo niya ang noo habang naglalakad papunta sa veranda para hanapin ang tinatawag niyang demonyo. Doon niya huling nakita ang lalaki kaninang pag-akyat niya kaya naisip niyang baka nandoon pa rin iyon ngayon. Paglabas niya ay hindi siya nabigo, nakita niya kaagad ang hinahanap.
Lumapit siya kay Tristan at pikit-matang sinabi ang gustong sabihin, "A-uhm, San Antonio, puwedeng pahiram ng cellphone mo?"
Hindi man niya maaninag ang buo nitong mukha, alam niyang tumingin ito sa kanya.
Samantala, nagulat naman si Tristan sa biglang pagsulpot ni Kristina at nakatapis lang ito ng tuwalya.
"Why?" maiksi at matapang na tanong niya, ikinukubli ang pagkabigla. Alam niyang naasiwa at nararamdaman niyang napipilitan lang si Kristina na sagutin ang tanong niya.
"Hindi ko kasi mahanap yung cellphone ko, wala akong ilaw sa kuwarto. Kung ayaw mong ipahiram kahit i-dial mo na lang 'yung number ko," pakiusap ni Kristina na lihim nang isinusumpa ang sarili sa ginagawang paghingi ng pabor kay Tristan.
"Wala, nakapatay," sabi ni Tristan na noo'y kaka-dial lang ng number ni Kristina.
"Sigurado ka? Miniskol mo ba talaga?" usisa ni Kristina. Tinapat naman ni Tristan ang cellphone sa mukha ni Kristina para mapatunayang tinawagan niya nga ito.
Ngunit hindi ang history call ang unang napansin ni Kristina kundi ang nakarehistrong pangalan nito sa telepono ng lalaki, 'Daughter of the Silvestres'. Napailing na lang siya sa nakita. Agad namang parang may bumbilyang umilaw sa utak ni Kristina at muling nagsalita.
"Hiramin ko na lang muna 'yang cellphone mo, sandali lang, mga five minutes, ibabalik ko din agad. Gagamitin ko lang 'yung flashlight niyan," pakiusap ni Kristina.
"Why not use a real flashlight?" ngingisi-ngising suhestiyon ni Tristan.
"Ay shunga lang San Antonio? Cellphone ko nga hindi ko mahanap, 'yang mga flashlight pa kaya sa bahay na 'to?" pasaring ni Kristina.
"Watch your words," babala ni Tristan na hindi yata nagustuhan ang paraan ng pananalita ni Kristina.
"Hihiramin lang naman sandali e, may phone din naman ako. Hindi ko naman pag-iinteresan 'yang iPhone mo!" parang batanag tugon ni Kristina.
"But you are now," ngumisi na naman si Tristan.
"E di wag na lang," padabog na tumalikod si Kristina at nagpasyang ituloy ang pagligo kahit walang ilaw.
Dahil sa padalus-dalos niyang kilos habang papasok muli sa sala, nabangga niya ang kanto ng mababang center table na nasa sala nila. Hindi niya na ito napansin dahil sa dilim at hindi na rin naman niya natantiya ang kinalalagyan nito.
Napasigaw pa siya sa nang tumama ang tuhod niya roon.
Bibilib na sana si Tristan sa katapangan ni Kristina habang naglalakad papasok sa madilim na bahay ngunit nagulat siya sa sigaw at mura nito.
Agad naman niya itong nilapitan. Hindi niya alam pero lumapit na lang siya bigla kay Kristina na noon ay nakayuko at hinihimas ang tuhod.
Pag-angat ni Kristina ng ulo niya at pagkatayo niya naramdaman niyang malapit siya sa isang katawan, nasa harapan na pala niya si Tristan at walang distansiya ang naghihiwalay sa kanila, kulang na lang ay ang magkayakapan sila.
Hindi makita ni Kristina ang mukha ni Tristan dahil na rin sa katangkaran nito, hanggang balikat lang kasi siya nito ngunit ramdam niya ang init na galing sa katawan ng lalaki at ang ihip ng tukso ng mga braso at dibdib nito. Bago pa man siya makaramdam ng kung anu-ano ay pinilit niyang hinawi ang lalaki sa harapan para makaakyat na siya.
Nang makadalawang hakbang si Kristina saka lamang bumalik sa wisyo si Tristan at nagsalita, "Oh," abot niya sa cellphone niya, "five minutes." Wala sa sariling tinanggap ni Kristina ang cellphone.
"Ipapahiram din pala e, kailangan pa nagwo-walk-out muna ako," bulong ni Kristina habang papalayo.
Mula sa sala, napansin ni Tristan na hindi pa rin nakakarekober si Kristina mula sa pagkabangga niya sa mesa dahil iika-ika itong maglakad. Wala sa sarili siyang napailing.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
Fiksi Umum"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...