2008
"You're new here so you have to fit in and adjust for us. Just because you're the daughter of one of the owner doesn't mean you can relax and take your job for granted," bungad sa kanya ng aroganteng si Tristan.
Galing siya noon sa isang meeting sa mga prospect investors nila ngunit hindi naging maganda ang kinahinatnan ng meeting na iyon. Hindi nagtagumpay si Kristina sa pagkakataong iyon na madalas ring nasusundan. Hindi niya maintindihan kung malas lang ba talaga siya o may nangsasabutahe sa kanya.
"Baka naman kasi may mga galamay na kumikilos sa likuran ko kaya wala akong naaayos na trabaho?" mapangahas na parinig ni Kristina noon kay Tristan.
"I can't tolerate your work ethics. You can now start working at the copy room and make sure everyone had their coffee ready when they needed it," ganti ni Tristan.
"Excuse me?"
"That's an order," pinal na desisyon ni Tristan.
Simula noon tumindi nang tumindi ang pagkamuhi niya kay Tristan.
--
Sa labas ng restaurant, natatanaw ni Tristan ang mag-isa nang si Kristina. Napailing na lang siya dahil may gana pa itong kumain. Hindi na rin siya nagtaka dahil ang kilala niyang Kristina, walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya, kulang sa sense of responsibility, rebeldeng anak, o kilala niya ba talaga si Kristina? Ang pinakasigurado lang ni Tristan ay ang matinding pagkamuhi nito sa kanya, hindi naman sila nagkakalayo dahil mortal na kaaway ang trato niya kay Kristina.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...