Hindi pa man siya lubusang nakatayo ay inatake na agad siya ng tila gutom na gutom na si Grace. Inangkin ni Grace ang mga labi niya at naramdaman niya ang init ng paghawak nito sa batok niya. Napaupo siyang muli.
"Did you lock the door?" tanong niya sa pagitan ng mga halik.
"Don't mind it," sagot ni Grace at 'sing bilis ng kidlat nasa kandungan na niya ito.
--
Determinadong tinungo ni Kristina ang opisina ni Tristan para magbigay ng resignation letter.
Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa ilalim ng pamumuno ni Tristan pero ganoon pa rin ang turing sa kanya -- parang isang bobong basahan na walang tamang ginawa. Sa katunayan, pinababayaan na lang madalas ni Kristina na pumalpak ang trabaho niya dahil naayos niya man ito o hindi ay pag-iinitan lang siya ni Tristan.
Mabilis na bumalik sa alaala niya ang mga pahirap, pasakit at pagpapahiya na ginawa sa kanya ni Tristan.
Team building nila noon, alas tres ng umaga sa Subic ang call time nila. Dahil ayaw niyang mapagalitan muli at kebago bago pa lang niya, nasa Subic na siya ng pasado alas dos. Pagdating ng alas siete, tinawagan siya nito at sinabing nalipat ang call time ng ala una ng hapon. Alam niyang naplano na lahat iyon ni Tristan. Wala siyang pagpipilian kundi hintayin ang mga kasamahan niya ng ilan pang oras at pagdating nila, hindi man lang humingi ng paumanhin si Tristan sa kanya.
Doon nagsimulang uminit ang dugo niya kay Tristan at doon din isinilang ang pagrerebelde niya rito. Naging mas matapang siya at sinalo lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya na tila iyon ang pinakanormal na bagay sa mundo.
Naglakbay rin ang isip niya sa gabing muntikan siyang pinalayas ng Daddy niya sa bahay nila dahil nasaksihan nito kung paano niya sinagot-sagut si Tristan sa harapan ng iba pang empleyado niya. Hindi nakita ng Daddy niya kung pa'nong ininsulto ni Tristan ang personal niyang buhay, baga na hindi gagawin ng isang matinong lalaki.
Hindi maalis sa memorya niya ang mga sinabi sa kanya ni Tristan noon. "Why can't you even talk to the clients the right way? What are you a moron? Do you even know how to persuade? Have you ever been persuaded or courted? I think you haven't been. Oh who would court you, look at you," nag-init ang dugo ni Kristina sa mga salitang 'yon ni Tristan.
Dati pang binabalak ni Kristina na umalis sa kumpanya nila dahil hindi naman ito ang gusto niya. Limang taon na niya itong tinitiis ngunit wala pa ring progreso. Limang taon nang naantala ang mga pangarap niya. Siguro panahon na para gawin naman niya ang gusto niya.
Alam naman niyang tama ang desisyon niya, hindi niya lang talaga nahanapan ng tamang panahon sa loob ng limang taon.
Nang buksan niya ang pintuan ng opisina ni Tristan, nagulat siya. Tila may nagsaboy ng mahika sa katawan niya para hindi makagalaw. Hindi siya makapaniwalang nangyayari pala sa totoong buhay ang mga ganoong tagpo.
"Shit, bad timing, kapag pumasok ako rito, mapapahiya 'yung babae. Wala akong pakialam sa demonyong 'yan," bago pa man siya mahuling nanonood sa malasineng ekesena, isinara niya na ang pinto at umiiling-iling na bumalik sa desk niya.
"Bukas, bukas na lang siguro," aniya.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
Fiksi Umum"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...