Maagang nagising si Kristina kinabukasan, agad siyang nagbihis ng pang-ehersisyo. Lumabas siya at nagsimulang tumakbo sa village. Gusto niyang maging normal parin ang lahat kung sakaling nalaman na ni Tristan na kahapon ang kaarawan niya. Ayaw niya ring batiin siya nito dahil hindi niya alam kung paano magrereact.
Matapos ang isang oras nakabalik na siya, kalkulado na niya ang oras ng paggising at pagkain ni Tristan, tuwing nakakabalik siya galing sa pagtakbo gising at bihis na ang lalaki, habang kumakain naman ito ay siya namang oras ng pagligo niya. Kakain na lamang si Kristina pagkahatid kay Tristan.
Sa kailaliman ng kalooban ni Tristan, gusto niyang batiin si Kristina kahit na huli na. Pagbaba niya, nakita niya si Kristina ngunit nang makita niya itong tahimik na naglalakad papasok habang may sariling mundo dahil sa earphones na nakasaksak sa tainga nito, umatras ang dila niya.
Sa sasakyan hindi pa rin magawa ni Tristan ang binabalak, nagtataka siya sarili, hindi naman siya napapaatras dati ng dahil kay Kristina, marahil hindi niya magawa sa kadahilanang personal ang sasabihin niya.
Binilisan ni Kristina ang pagpapatakbo, nahagip ni Tristan na beating the red light ang babae, hindi niya inakalang may natatagong tapang sa pagmamaneho ang dalaga, namataan ng isang traffic enforcer ang ginawa ni Kristina kaya nagmadali itong habulin ang sasakyan niya.
"Competitive si kuya," nakangising pahayag ni Kristina.
Hindi naman makapaniwala si Tristan na kalmado lang si Kristina sa kabila ng nakaambang panganib.
Binuhay ni Kristina ang audio ng sasakyan isinaksak ang ipod at nilakasan ito, "Pagamit ha?" paalam niya kay Tristan.
Nang marating nila ang sumunod na stop light, naabutan narin siya ng enforcer, kinatok nito ang bintana ni Kristina at nagsimulang manermon ang enforcer.
"Miss kanina pa kita pinapatabi," seryosong panimula nito.
"Sorry kuya, hindi ko naririnig, sandali hihinaan ko lang," hininaan naman ni Kristina ang tugtog na sangsegundo palang ang nakakalipas nang lakasan niya ito. Ano bang trip nito? Tanong ni Tristan sa sarili.
"Beating the red light kayo Ma'am."
"Na-beat ko naman 'di ba boss? Umabot ako, kahit i-review mo pa sa opisina ninyo."
"Bawal po iyong ginawa ninyo Ma'am, pa'no po kung nakabangga kayo?" pagmamatigas ng enforcer.
"Wala naman akong nabangga sir, kita niyo naman nakahinto na 'ko ngayon," mahinahon parin si Kristina sa pakikipag-usap sa enforcer.
"Patingin ho ng lisensiya ninyo," mando ng enforcer.
Kinuha ni Kristina ang lisensiya niya at iniabot ito sa enforcer, habang pinagmamasdan niya ang enforcer parang hindi lang ito karaniwang constable kundi parang isang pulis.
"Kristina Silvestre?" tanong ng enforcer. Tumango si Kristina, samantala patuloy lang si Tristan na inoobserbahan ang reaksyon ng babae sa driver's seat.
"Tin? Silvestre? Michael Flores, naalala mo?" nakangiting pagpapakilala ng enforcer kay Kristina.
"Mike Flores? Sa... san nga bay un? Sa ROTC?" tanong ni Kristina.
"Ako nga Tin," sabay pakita nito sa tsapa niya.
"Nagtuloy ka sa pagpupulis? Ayos." Natutulala nalang si Tristan sa nakikita.
"Oy Mike, green light na saka nalang tayo magkumustahan," putol ni Kristina sa napapasarap nilang kwentuhan. "Malelate na 'tong boss ko."
Tumingin naman si Mike sa likuran ng sasakyan at doon niya nakita ang naka-amerikanang gwapong lalaki, si Tristan.
"Driver ka na ngayon?" tanong ni Mike.
"Ah, oo. Raket. Alam mo naman. Sige Mike, salamat," sumaludo si Kristina sa pulis at naghandang magpatakbo.
"Sige, no beating the red lights na sa susunod ah, pasalamat ka may utang ako sa'yo," nakangiting paalala nito kay Kristina.
Ang sinasabing utang ni Mike ay noong minsa'y pinagtakpan niya ito sa ROTC class nila nang hindi nagpasabing liliban sa practical exam nila. Kung hindi dahil sa ginawa ni Kristina hindi sana pinayagang makapagspecial exam ang lalaki para makapasa ito.
Pinaharurot na ni Kristina ang sasakyan nang may ngiti, natupad na naman niya ang isa sa nga nasa bucketlist niya, ang magpaharurot ng sasakyan, beating the red light at habulin ng pulis. May mga kakaibang bucketlist talaga si Kristina, alam niya kasing magagamit niya ang mga iyon sa hinaharap.
"What the hell did you do?" basag ni Tristan sa pananahimik niya.
"Late ka na e," katwiran ni Kristina.
"Anong sinabi mo dun sa pulis?"
"Narinig mo naman lahat 'di ba?"
"Bakit sinabi mong driver ka?"
"E anong tawag sa'kin cook?" nagpakawala ng sarkastikong tawa si Kristina.
Nagtataka naman si Tristan, hindi ba alam ng pulis na 'yon na isa sa mga tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Pilipinas? Bakit tila habang tumatagal mas nagiging misteryoso si Kristina.
Ibinalik na ni Kristina sa normal na lakas ang tugtog at tuluyang tinapos ang pag-iinteroga ni Tristan.
Hindi naman maipaliwanag ni Tristan ang naramdaman nang sumabay sa kanta si Kristina, "Drunk" ni Ed Sheeran ang tumutugtog.
"Infairness ah, may taste ka sa kanta," puri ni Kristina nang makarating sila sa SA&S Group of Companies.
Hindi na nakasagot si Tristan, ito ang kauna-unahang may nagcomplement sa playlist niya, sa lahat ng isinakay niya sa sasakyan niya kabilang si Sam, kung hindi nila ito pinapatay, lalaitin pa ito.
Habang paakyat si Tristan sa 48th floor ng gusali, tinawagan niya si Joshua para tanungin ang kanina pa bumabagabag sa kanya.
"Joshua, I'll ask something."
"Go ahead," utos ni Joshua na halatang may hang-over pa.
"Birthday niya kahapon, kaya pala niya ako pinagdidinner sa bahay, should I do something?"
"Asshole, you should! Asawa po parin yun."
"What should I do?"
"Give her something, batiin mo, better late than never pare!"
"What should I give her?"
"That's not my problem anymore bro, bye na, mamamatay na ko sa sakit ng ulo ko," at binabaaan na nga siya ng kaibigan.
Habang malalim siyang nag-iisip ng dapat ibigay kay Kristina, nakalimutan niyang sabihin na may tumawag sa kanya kahapon kaya nagmadali siyang tawagan ang babae at hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman habang hinihintay na sagutin ng babae ang tawag niya.
"Hello?" malamig at babaeng babaeng bati ni Kristina.
"Sino 'to?" muling tanong ni Kristina.
"Tristan," mariing pagpapakilala ni Tristan, nadismaya naman siya dahil hindi siya nakilala ni Kristina.
"Oh?" halatang may gulat at pagtataka sa boses niya.
"Why don't you try saving my number?"
"Nakasave kayalang 'di ko nakita kaagad, nagdadrive kasi ako."
"Someone called lastnight, si Martha hinahanap ka."
"Ha? Bakit daw?"
"You left some documents at your office, saang office yun? May trabaho ka na ba ulit?" hindi napigilang pagtatanong ni Tristan.
"None of your business, yun lang ba ang sinabi niya?"
Napaisip si Tristan kung sasabihin ba niyang binati siya nito o hindi pero bago pa siya makapili inunahan na siya ng bibig niya.
"Wala na," sagot niya.
"Okay, bye," tinapos na ni Kristina ang tawag samantalang si Tristan ay nagdadagan na naman ng mga tanong.
Muli siyang nagdial sa telepono, "Hello, Sylvia's Flowershop."
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...