Mabigat ang katawan at parang sasabog ang ulo ni Kristina nang magising ito kinabukasan.
Tulala niyang inaalala ang mga nangyari kagabi hanggang sa maalala niyang si Tristan ang naghatid sa kanya sa kwarto.
Tahimik ang kabuuan ng bahay, mukhang wala nang tao.
"Umuwi na 'yung asawa mo," biglang sumulpot si Mike sa kinatatayuan niya sa sala. Natigil siya sa pagsipat sa bawat sulok ng inn.
"Pero 'yung iba, maya maya pa uuwi," dagdag ni Mike.
Tango lang ang naisagot niya roon.
"Langya, may asawa ka na pala! Hindi ka man lang nagku-kwento. Pero kailangan mong magkwento mamaya ha? Akala ko pa naman close tayo tapos may ganito ka palang sikreto?" pagmamaktol ni Mike habang parang asong nakasunod sa bawat galaw ni Kristina.
"Tin, huy!" sinubukan niyang paharapin ito sa kanya pero tinabig lamang ni Kristina ang kamay niya.
"Ang sakit ng ulo ko, Mike. Pwedeng tumahimik ka muna?" daing nito.
"Oo na, titimplahan kita ng kape, diyan ka lang," bulyaw niya kay Kristina bago nagmartsa papasok ng kusina.
--
Wala sa sariling tinititigan ni Kristina ang kapeng hawak niya habang ang dalawang paa ay nakapatong sa upuan sa loob ng isang kubo sa gitna ng taniman.Malamig ang temperatura pero nasanay na siya sa ganoong gawain tuwing umaga. Gusto niya kasing napagmamasdan ang mga pananim na nasa paligid.
Halos magsasampung minuto na mula nang inabot sa kanya ni Mike iyon pero hindi niya pa rin nagagalaw.
Unti-unti na kasing bumabalik sa alaala niya ang mga sinabi niya kagabi kay Tristan.
Hindi na siya nainis sa sarili dahil nagawa na niya at isa pa matagal niya na rin namang gustong sabihin ang mga iyon. Wala nang silbi kung pagsisisihan niya pa, umalis na rin naman si Tristan.
"Hi, can we talk?" hindi niya namalayang nalapitan na siya ni Samantha.
Tumango lang siya.
"Umuwi na siya, dumating kasi ang isa sa mga investor na galing ng ibang bansa. Siya lang kasi ang nakatakdang kumausap ngayon sa kanila," paliwanag ni Samantha.
Pakiramdam kasi ni Samantha ay kailangan niya iyong ipaliwanag kay Kristina. Alam niya kasing hindi na sila nakapag-usap bago umalis si Tristan.
"Hindi mo naman kailangang ipaalam sa'kin," basag ni Kristina sa katahimikan niya.
"I never got the chance to meet you before. Pakiramdam ko kasi hindi naman kailangan," nagsalitang muli si Samantha. Nakakunot noo naman siyang binalingan ni Kristina.
"I never knew anything about you but when you left, that's when I started to know who you are," napapangiti si Samantha sa mga sinasabi niya. Si Kristina ay ganoon pa rin.
"I hope you give him a chance again. He's really a changed man now and it's all because of you, because you left," tuloy ni Samantha.
"You know, Tristan needs to be provoked sometimes for him to realize things. Your marriage deal before provoked him to propose to me, it provoked him to finally realize that he's losing our chance. And when you left, I guess that provoked him to figure out something."
"Were you not inlove with him?" walang anu anong tanong ni Kristina.
Napangisi muna si Samantha bago sumagot.
"I don't know, puwedeng oo, puwedeng hindi. It was not my priority. I always shrug the idea off. I never got into that point where I realized that I'm inlove with the closest person to me. I never wanted to be that girl, Kristina. Yes I love him but not much to go crazy and forget about my goals, settle with him and be the girl that every woman, my age, desired."
Mula sa pagkakunot ng noo ay naging gulat ang nakapinta sa mukha ni Kristina.
Ang ibig bang sabihin no'n si Tristan lang ang talagang nagmahal sa kanilang dalawa? Tanong ni Kristina sa sarili.
"He was always around, beside, behind me. Everywhere I am, he was there. College pa lang kami, gano'n na siya. But I never really care kasi kami lang naman ang magkaibigan, I'm an outcast, he, on the other hand, chose to. Until we came to a point na mahirap nang hulaan kung ano kami, people would often assume that we're an item pero malinaw sa'ming dalawa kung ano kami. We're special, yes, pero para sa'kin hanggang dun na lang 'yon."
"Bakit mo sinasabi ngayon 'to sa'kin?" tanong ni Kristina, nalulula sa mga rebelasyong ihinain sa kanya ni Samantha.
"Because, I think you were among the people who thought we were together," simple nitong sagot sa kanya.
"I just knew I won't be Tristan's girl," pagpapatuloy niya. "I told you, I don't want to be that girl. I just went with the flow. Hindi ko na inisip noon kung gusto ko rin ba siya o kung gusto niya ako. Hindi niya sinasabi pero nararamdaman ko. I don't want complications in my life, so we stayed being bestfriends. For the longest years, I was just focused on something bigger for my life. And that time, he wasn't my happiness. My happiness was my dreams."
"Sorry. Pero bakit? Why can't you be that girl?" nalilitong tanong ni Kristina. Pakiramdam niya kasi habang padami nang padami ang sinasabi ni Samantha ay padami rin nang padami ang mga tanong niya.
"Scholar ako ng SA&S noong college, I met him without knowing na pamilya niya pala ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral. Noong nalaman ko, sabi ko, there's no way I'll fall inlove with him. I don't want to be on their shadows all my life. I want things of my own, I want to own my success, myself because of my hard works not because I'm their scholar or I'm his girl. That was a double ego lost for me back then. Yeah, judge me all you want but I was that egoistic and ambitious," pirming kwento ni Samantha.
"Ibig mong sabihin, he loved all those years by himself?" hindi makapaniwalang tanong na naman ni Kristina.
Titig at buntong hininga lang ang naisagot doon ni Samantha na nasundan ng mahabang katahimikang ang ibig sabihin ay oo.
"And when you left, I saw how his worst heartbreak repeated, even doubled, I thought. But with you, he learned to focus on himself to be the right person for you when you come back. He learned the process, Kristina. He learned to wait, to be patient, and to consider not just his feelings but yours," tila nangangampangyang pahayag ni Samantha.
Tuluyan nang nanlamig ang kape ni Kristina na hindi man lang niya nagalaw.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakaramdam siya ng sakit ngayon. Nagtatanong kung naging makasarili ba siya dahil iniwan niya si Tristan para sa sarili?
Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit nalulungkot siyang malaman ang lahat ng sinabi ni Samantha.
"Aalis na kami in an hour. Gusto mo na bang bumalik?" si Samantha naman ang nagtanong sa kanya.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...