"Kanina ka pa pala e, bakit hindi ka nagsasalita?"
"I think I'm not allowed to interrupt the whole crew, at mukhang masungit pa 'yung direktor."
Habang nagsasalita si Tristan ay parang tumigil ang mundo ni Kristina. Parang nawala lahat ng tunog sa paligid at tanging boses lang ni Tristan ang naririnig niya. Pero nang makita niya ang mga ngiti niyang iyon, parang bigla siyang nagising at may pumukol na maliit na karayom sa dibdib niya. Hindi lang siya ang nginitian niya ng gano'n.
"Bakit ka nandito?" seryosong tanong niya habang nagsisimula nang humakbang papunta sa tent nila kung nasaan rin ang iba nilang staff.
"Hindi ka nagpaalam. I thought something happened. You didn't even text me."
"Kailangan pa ba 'yun?" walang ganang balik niya kay Tristan. Hindi naman nakasagot ang lalaki.
"Hindi ba ayos lang naman na huwag magpaalam. Nasa protocol 'yun 'di ba, naalala mo?"
Nakakunot na ang noo ni Tristan at hindi na niya maintindihan kung bakit bigla nalang naging ganoon ang tono ni Kristina. Ang akala niya ay okay na sila, na kahit papaano ay may nabuo naring pagkakaibigan sa kanila. Nagtataka siya kung bakit bigla nalang naging malayo si Kristina sa kanya sa mga nagdaang araw. Sinusundan niya lamang ito habang naglalakad papunta sa isang tent.
Noong nasa loob na sila ng tent ay dalawa ang nandoon, ang head writer at isang staff, mukhang may pinagtatalunan. Nang makita ng dalawa na papasok sila Tristan ay agad agad silang nagpaumanhin at lumabas ng tent para mabigyan ng pribadong oras at lugar ang dalawa.
Hindi alam ng lahat ng staff na may asawa na si Kristina. Ang direktor, head writer at producers lang ang may alam.
"Direk sa labas kang muna kami," paalam ng writer.
"Hindi ayos lang, Cel," ika ni Kristina.
"Yes please, thank you," sabat naman ni Tristan. Binigyan siya ng tipid na ngiti ni Cel at tumalikod na.
Tahimik na umupo si Kristina sa isang folding chair na naroon sa harapan ng isang telebisyon. Tinangka nitong ipikit ang mga mata niya ngunit napigilan siya ng boses ni Tristan.
Bakas ni Tristan na pagod na ang babae ngunit parang may nag-uudyok sa kanyang malaman kung anong nararamdama nito, kung anog itinatago niya, kung bakit unti-unti na naman siyang bumabalik sa dati, yung malayo, walang pakialam, at matigas na babae.
Sa loob ng halos isang taon nilang pagsasama ay naging mas malapit na sila sa isa't isa. Malaya na nitong natatanong ang mga opinyin niya. Malaya na nitong natatawag siya sa pangalan niya. Malaya na itong nakakatawa sa harapan niya. Ngunit dahan dahang bumalik sa dati simula nang halikan niya ito.
"May problema ba?" pangahas niyang tanong.
"Pagod lang ako," mahinahong sagot ni Kristina, tiningnan pa siya nito sa mata para lang ipahiwatig sa kanya na iyon lang talaga ngunit hindi iyon bumenta sa kanya.
"Why do I feel like you're moving away?" Hindi na kayang pigilan ni Tristan ang mga pang-uusisa niya dahil narin sa pagtataka.
"Close ba tayo?" patawang ganti ni Kristina.
"Hindi ba? Magkasama tayo sa iisang bahay, sabay kumain, sabay manood ng TV, sabay nagsuswimming minsan sa pool, sabay natutulog, sinusundo't hinahatid mo 'ko, what's there not to think that we're close?"
"Seryoso ka ba? Pagod lang ako, halos isang buong araw akong nakatayo, nakikipag-usap sa staff, sa writers, cameraman, sa artista, nagpapaulit ulit sa mga mando, anong klase ng tao ang ineexpect mong humarap at makipagkumustahan sa'yo ngayon?"
"Someone I knew," matipid na sagot ni Tristan.
Tinititigan lang siya ni Tristan habang nakaupo at nakapikit na. Hinihintay niya itong magsalita.
"You never really knew me, Tristan. Hindi rin naman kita kilala. Ano ba talagang ipinunta ko rito? Bukas pa 'ko uuwi, mga ganitong oras, lilipat kami ng location."
"You're stubborn but compassionate. You're rude but kind-hearted. You never really let people stepped down on you without giving a damn fight. You do not give up even you get dumped a hundred times, you're strong, brave, determined. You can be tactless and you curse too much. You're ordinary but not like the others because you stand your ground even if you don't have to. See I could go on, kilala kita."
Napamulat si Kristina sa mga narinig niya. Tumibok ng mabilis at sobrang lakas ang puso niya. Hindi makapaniwala sa mga narinig. Tumayo siya at hinarap si Tristan.
"Anong ipinunta mo dito?" matapang niyang tanong. Hindi na nagulat pa si Tristan sa reaksyon ni Kristina. Inasahan niya na iyon. Dahil higit kaninuman, alam niyang sa lahat ng taong nakapaligid kay Kristina, sa kanya niya ayaw na ipakilala ang tunay na siya.
"Sinabi ko na kanina. Hindi ka kasi nagpaalam."
"Tangina, wag mo nga akong pinapaikot. Batangas 'to, hindi 'to QC. Hindi 'to pwedeng tricycle-lin mula sa bahay. Pwede ka namang magtext o tumawag."
"Bothered lang ako. Ang layo mo na naman kasi. Parang hindi na 'ko sanay. Is this because I kissed you?"
Napangiti sa loob loob niya si Tristan nang makitang namumula ang pisngi ni Kristina sa pagkabanggit niya sa halikan nila noong nakaraan. Para tuloy may nagtutulak sa kanyang gawin ulit iyon.
"It was just a kiss. Don't be mad," pang-aasar ni Tristan. Totoo naman, sinubukan niya lang kung anong pakiramdam.
Sa kabilang banda naman ay parang biglang dumausdos lahat ng dugo ni Kristina nang malaman niyang halik lang iyon at walang motibo. Kaya naman dahil sa pagkainis ay humakbang siya papalapit kay Tristan, mabilis niyang kinuwelyohan ang lalaki.
Hindi inasahan ni Tristan ang sumunod na ginawa ni Kristina, akala niya ay sasapakin na siya nito. Nagulat nalang siya nang malasahan na niya ang matamis at malamig na labi ni Kristina.
Hinapit niya sa baywang ang babae at saka sinabayan ang ritmo nito. Sa loob ng ilang minuto, pinagsaluhan nila ang isang klase ng halik na parang nakakauhaw pero nakakabuhay ng dugo.
Humigpit ang kapit ni Kristina sa kwelyo ni Tristan. Nagustuhan naman ni Tristan ang galaw na 'yun ni Kristina at mas lalo pa niya itong hinapit sa baywang at pinalalim pa ang halik. Gusto niyang ubusin ang hininga ni Kristina para hindi na ito makapagsalita at hayaan nalang na nandito siya ngunit bigla siyang natigilan nang bitawan ni Kristina ang kwelyo niya at bumitaw sa halikan.
"It was just a kiss, 'di ba? Quits na tayo," mahinahon ngunit matapang na pahayag ni Kristina. Naiwan si Tristan sa loob ng tent na naghahabol ng hininga, napatunganga, napailing at napangiti nalang sa kawalan.
--
Habang pinagmamasdan ni Kristina ang papalayong sasakyan ni Tristan. Bumalik ang karayom sa puso niya, mas marami na sila ngayon. Paulit-ulit sa sistema niya ang mga katagang - "it was just a kiss," "since I couldn't remember, yes."
Mukhang natatalo na siya sa laro. Mukhang siya na ang nilalaro.

BINABASA MO ANG
Deadend
Ficción General"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...