2003
"Where's your daughter, Miranda?" naiinip at naiinis na tanong ni Edgar sa asawa.
Nagkayayaan ang dalawang pamilya na magkita kita sa isa mga restaurants na pagmamay-ari nila. Isang taon at mahigit na rin silang hindi nag-uusap-usap bilang mga normal na pamilya dahil nasa negosyo ang atensyon nila araw-araw.
"Easy Edy, darating din si Kristina," pagpapakalma ni Miguel sa kaibigan.
"Can we just eat without the girl?" pangahas na tanong ng pangalawang anak na lalaki ni Miguel. Dalawang lalaki ang anak ni Miguel, 23 anyos na ang panganay niya, si Alex. Kasama na rin nila itong namamahala sa kumpanya at kasunod na dito ang 19 anyos nilang anak na si Tristan.
"Don't be rude, act like a man should, Tristan," suway ni Sylvia sa anak.
"Sorry," mahinang pahayag ni Tristan na may halong inis at inip. Hindi niya makontra ang ina gawa ng respeto at pagmamahal dito.
"Kristina texted, she'll be here in an hour so maybe we can really begin the dinner now," anunsyo ni Gabriel sa pamilya. Panganay na anak nila Edgar at Miranda si Gabriel, 24. Lalaki din ang sumunod na anak ni Edgar, si Gio, 21 anyos.
"Pagsabihan mo 'yang bunso mo, Miranda," bulong ni Edgar sa asawa.
"Marami lang siyang ginagawa sa school, let's give her the benefit of the doubt," depensa naman ni Miranda sa anak na babae.
"Sorry everyone, I'm late," poise na poise ngunit halatang nagmadaling bati ni Gio sa lahat.
"What's wrong with my kids," umiiling na bungad ni Edgar sa pangalawang anak. Hinalikan ni Gio ang mommy niya sa pisngi saka lumapit kay Sylvia at niyakap ito bilang paggalang at pagbati.
"Sorry Dad, I just needed to attend an emergency meeting. Unless you want me to neglect my duty," nakangiting depensa ni Gio sa ama.
"By the way where's our princess?" tanong ni Gio at agad namang pinandilatan ni Gabriel ang kapatid. Tila wala namang pumansin sa tanong niya saka niya nabatid na mali siya ng entrada.
"Kumain ka na lang bro, she'll be here soon," anito sa kanya.
Kasabay ng klasikong musika na bumabalot sa restaurant na kinaroroonan ng dalawang pamilya na masasabing isang malaking pamilya dahil sa negosyong nagdudugtong sa mga buhay nila ay ang siya namang ingay ng mga masasaya nilang tinig habang nagkukuwentuhan.
Makalipas ang isang oras, wala pa rin si Kristina, halos nakalimutan na nga nilang may hinihintay pa sila dahil sa sigla ng kanilang pag-uusap.
"We should do this more often, it's like a breath of fresh air," suhestiyon ni Miguel sa lahat.
"I agree, tito," ani Gabriel.
Sa kabilang dulo ng mesa, nababagot na si Tristan. Sa isip isip niya naglalaro ang mga salitang "bakit ba ako sumama dito?" Hindi naman sa ayaw niya sa pamilya nila Edgar, nababagot at naiinis lang siya dahil ngayong gabi dapat siya magtatapat ng nararamdaman niya para sa babaeng matagal na niyang lihim na minamahal.
"Ma, I'm sorry but I need to go. I'm tired," pagdadahilan niya at walang anu-ano ay pumayag naman si Sylvia. Tumango ang mommy niya bilang pagpayag. Tumayo agad ito.
"I'm sorry Tito, Tita I have to go," paalam niya sa lahat. Tumayo naman ang magkapatid na Silvestre para magpaalam kay Tristan.
"Tristan, pakisabi sa kuya mo magpakita na siya sa'min, ang tagal na naming hindi nagkakausap, busy yata sa babae," nakangiting pahayag ni Gabriel sa nakababatang San Antonio.
"Yes, kuya makakarating. Next time na lang ulit, masama kasi pakiramdam ko e," walang kakurap kurap niyang pagdadahilan.
"Okay, hurry up. The business world is waiting for you, buddy," tinapik ni Gio ang likuran niya. Sa mga salitang iyon ni Gio muli na naman siyang dinalaw ng katotohanang isang taon na lang ay iiwan na niya ang normal niyang buhay, ayaw niya pa itong isipin pero sa ayaw at sa gusto niya ipinanganak siya para sa ganitong klase ng buhay.
Nag-uunahan ang dalawa niyang paa para panandaliang makatakas sa mundong iniiwasan niya. Alam niyang hindi pa siya handa sa responsibilidad pero baliktarin niya man ang mundo, mukhang doon pa rin siya mapupunta.
Dahil sa mga iniisip, hindi niya napansing kanina pa siya nakatayo sa harapan ng isang babae na mukhang nahihiwagaan sa kanya. Nakita niyang tinaasan siya ng kilay ng babaeng nasa harap niya. Maliit ang babae sa harapan niya, tantiya niya ay mas bata ito ng lima o apat na taon sa kanya. Nakatali ang lahat ng buhok nito, may nangugusap na mga mata, manipis ang mga labi, matangos ang ilong, walang emosyon ang mukha niya.
Walang kahit na anong alahas ang nagsasabing isa siyang anak mayaman, maliban sa itim na relong suot niya. Nakabestida siya ng itim pero hindi siya nakasapatos ng mataas. Cellphone niya lang ang hawak niya at wala siyang bag. Mukha siyang mayaman pero hindi halata sa hitsura niya.
Saka niya nabatid na hinihintay siya nitomg umalis sa harapan niya. Hindi niya rin kasi napansin na may salamin pa lang nakaharang sa pagitan nila at hinihintay siyang makaalis doon para mabuksan na ng babae ang pintuan.
"I'm sorry," paumanhin ni Tristan nang mabuksan na ng babae ang pinto. Mukhang hindi siya pinansin ng babae, inilibot ng babae ang tingin niya na mukhang may hinahanap saka siya tumigil nang mahagip ng mga mata niya si Tristan na hindi pa rin nakakaalis.
Hindi maintindihan ng babae ang tingin sa kanya ni Tristan kaya nagpasya itong magsalita.
"What?" mahina niyang tanong. Alam niyang mayayaman lang nakakapasok sa lugar na ito, dahil na rin sa presyo ng mga pagkain kaya alam niyang dapat siyang mag-ingles.
"I said, I'm sorry," sagot ni Tristan.
"It's okay, just pass the door first next time before you sell yourself to nowhere," ngumiti siya nang bahagya at nagpatuloy.
Matagal pang nanatili si Tristan sa kinatatayuan niya hanggang sa maglaho sa paningin niya ang babaeng iyon. "Before I sell myself to nowhere?" wika niya sa sarili niya.
Siyempre alam niya ang ibig sabihin noon. Hindi niya lang inakalang makahulugang magsalita ang babaeng iyon kahit mukha pa siyang bata.
--
"Dad I'm sorry," nilapitan ni Kristina ang ama at niyakap ito habang nakaupo. Bakas naman sa mukha ni Edgar ang kapanatagan at kakaibang saya nang dumating si Kristina.
Paborito niya kasi ito. Kahit sino naman sigurong tatay paborito nila ang anak na babae, lalo pa at nag-iisang babae si Kristina. Gusto palagi ni Edgar na sa mga ganitong klaseng okasyon ay kasama si Kristina. Kapag nahuhuli ito ay ikinaiinit niya iyon ng dugo ngunit mas malaking porsyento doon ang pag-aalala.
"Theater again?" tanong ni Edgar sa anak. Alam niyang iba ang hilig ni Kristina sa mga kuya niya, nasa artistic side ang forte nito. Kaya ngayon pa lang alam na niyang magkakaproblema siya kapag dumating ang panahon na kailangan na rin siya ng kumpanya. Pero may ibang plano pa si Edgar para sa anak niyang babae.
"Yep," magiliw na sagot ni Kristina habang nilalapitan ang Mommy niya, mga kuya niya at ang mag-asawang San Antonio para magbigay galang.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...