Indefinite

59 2 0
                                    

Taguig City

Papasok sa dating tahanan na punung puno ng ingay, hindi maiwasan ni Tristan na alalahanin lahat ng ingay na naririnig niya noon sa bawat sulok ng bahay nila ni Kristina, humihiling na sana matapos na ang paghihintay niyang bumalik doon si Kristina.

Magpapatuloy na sana siya sa mga iniisip niya pero napigilan iyon nang tumamasa noo niya ang isang walang laman na lata ng beer.

"Motherfucker!" naisigaw niya ngunit muli siyang natigilan nang ipasalo sa kanya ang isa na namang lata, pero may laman.

"Inom tayo," bungad ni Joshua mula sa kusina.

"Wow, I see that you helped yourself," aniya.

"Feel at home, pare," patol nito sa kaibigan. "So kumusta ang date?"

"It looked fine," sagot niya bago tumabi rito.

"I think, it was a flop,"pang aasar ni Joshua.

"Why don't you just get out of my sight?" angil niya rito dahil siya na naman ang napagdiskitahan ng kaibigan.

"You look like you were dump, pare," kumento nito sa kanya.

"Not yet," sabi niya.

"Inaasahan mo na pala na hindi ka na babalikan," pagseseryoso ni Joshua.

"I', not dismissing the fact that she may not want to be in this life again. Kung nakita mo lang kung gaano siya ka-okay at kasaya sa buhay niya ngayon parang ayoko na lang din guluhin. I don't want to force her to come back to me when I know that I can still hurt her in the future," mahabang paliwanag niya bago lagukin ang inumin niya.

"Anong plano mo?"

"I'm leaving for Paris tomorrow, hindi ko pa nasasabi sa kanya. Baka pagbalik ko, wala na naman siya dito."

"Pessimism got the best of you, I see," ani Joshua at bigla silang natahimik.

"Bakit kasi hindi mo sinabi kanina? Baka maisip na niyang balikan ka kapag nalaman niya," suhestiyon ni Joshua.

"Sa tingin mo gusto kong 'yan ang maging dahilan niya para bumalik sa'kin?"

Muli namang natahimik si Joshua, nag-iisip, hanggang sa hindi nila pareho namalayang naparami na ang inom nila, lalo na si Tristan.

--

Nagmamadaling tinakbo ni Kristina ang basement saka pinaharurot ang sasakyan. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula kay Joshua, ang sabi niyo magmadali raw siya at pumunta sa dati nilang bahay dahil may nangyari kay Tristan.

Nang makarating, agad niyang hinanap ang kinaroonan ni Tristan, hindi na niya naisip na tawagang muli si Joshua.

Halos hindi na siya makahinga. Natagpuan niya si Tristan na nakahiga sa sopa. Lalapitan na sana niya ito nang mapansin ang higit isang dosenang lata ng beer na nagkalat sa sahig at sa mesa.

Napasapo siya ng noo. Nawala lahat ng kaba niya, napalitan ng inis. Hindi makapaniwalang naloko siya ni Joshua.

"May araw ka rin sa'kin," sabi niya bago pulutin ang nagkalat na lata ng beer.

Pagbalik niya sa sala ay nasa ganoong posisyon pa rin si Tristan. Napansin niyang hindi man lang iyon nakapagpalit ng damit, iyon din ang suot niya kanina.

Pinagmasdan niya ito. Unti-unti, hindi na niya mapigilan ang kabog ng dibdib niya. Hindi na niya pinigilan ang sariling haplusin ang mukha nito, ang mga mata, buhok.

"Hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan mo San Antonio," aniya.

Sinubukan niya itong gisingin para sana ihatid siya kuwarto niya. Matapos ang ilang tapik sa braso at mukha ay nagising ito, pupungay pungay, wala sa sarili.

Inalalayan niya ito patayo saka hinawakan ang baywang habang naglalakad, doon lang siya napansin nito.

"Oh, hi there, baby," anito gamit ang malamyang ngiti.

"Umayos ka San Antonio, ang bigat mo," nahihirapan niyang bawi.

"Totoo ka ba? Am I seeing you on other people again?" tanong niya, nasa hagdan na sila.

"Humanda kayo bukas ng kaibigan mo, malilintikan talaga kayo," sabi niya.

"Feisty, as always," ngingiti-ngiting kumento ni Tristan. Napailing naman siya sa sakit nang ibagsak siya sa kama ni Kristina. Mabilis na ginawa ni Kristina lahat ng dapat gawin sa taong lasing. Wala pang isang oras, natapos niya iyon.

Dahil sa pagod, pinili niyang matulog muna.

Paggising niya yakap yakap na siya ni Tristan. Nakapikit ito ngunit alam niyang gising na. Nagulat din siya dahil natagpuan niya ang sariling yakap niya rin ito.

Tatanggalin na sana niya sa pagkakayakap ang kamay niya nang siya namang pagsiksik ni Tristan ng mukha niya sa balikat niya.

"Good morning," bati nito gamit ang boses na nagpapatunaw sa bawat inis ni Kristina.

Gusto sanang batiin din ni Kristina ng "good morning" si Tristan pero itinago na alng niya iyon sa sarili. Hindi na rin niya pinagkaitan ang sarili na maramdaman ang sayang nararamdaman niya habang hawak siya ni Tristan, pakiramdam niya kasi parang ligtas siya doon at magiging masaya siya roon.

Tumunog ang cellphone ni Tristan, dahilan para mapabangon siya upang sagutin iyon. Sekretarya niya iyon, pinapaalala ang biyahe niya mamaya papuntang Paris.

"Okay, I'll be there at 3," putol niya sa tawag.

Paglingon niya kay Kristina ay nakatutok ito sa cellphone niya, mukhang seryoso.

"What do you want to eat?" Tanong niya rito. Halos matunaw siya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Aalis ka?" diretsong tanong nito sa kanya. Ang nagwawala niyang puso kanina ay biglang dumoble dahil sa takot. Ayaw na sana niyang malaman niya iyon.

"Paris, indefinite?" dagdag muli ni Kristina. Wala siayng nagawa kundi ang titigan lang ito, natatakot, nag-iingat.

"Yes," maya-maya ay kinaya niya ring sagutin.

"Ow." Tumayo si Kristina, inayos ang sarili, maging siya hindi niya alam ang mararamdaman.

"Kagabi, tinawagan ako ni Josh, sabi niya may nangyari daw sa'yo, so guess what? In an instant, I found myself driving like a mad man just to get here, lasing ka lang pala. I was already plotting a revenge pero sa kanya ko rin nalaman na aalis ka," halos walang emosyong sabi ni Kristina.

Ang sunod na ginawa ni Tristan ang hindi niya inasahan. Mabilis siya nitong hinablot para gawaran ng halik, mapusok, matagal, malalim, nangungulila, magkahalong pait at tamis, may ipinararating.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon