Feels from the past

53 3 0
                                    


"I miss you. I miss you, everyday, Tin,"

Hindi alam ni Kristina kung ano ang uunahin. Kakalas ba siya? Tatapakan ang paa ni Tristan para bumitaw ito? Harapin ito at sabihing lumayo muna siya? Dahil hindi niya yata kinakayang may mga nabubuksan na namang pakiramdam sa kanya na matagal na niyang isinara.

Habang nakayakap mula sa likuran humihiling si Tristan. Humihiling na sana katulad ng ulan ay pakawalan na rin ni Kristina ang mga pinipigilan niyang pakiramdam. Sana sagutin din siya nito ng "I miss you, too."

Ngunit lumipas ang ilang segundo, minuto pa nga yata, ay wala siyang nakuhang sagot kay Kristina, animo'y isa itong bagay na pinatay muna sandali, walang pakiramdam, walang reaksyon. At iyon, 'yon ang halos pumatay sa kanya.

Bumitaw siya nang hindi kinaya. Nasasaktan na siya. Ganito pala ang pakiramdam nang inaayawan, napagtanto niya.

Nang makabitaw ay walang imik na nagmartsa palayo si Kristina sa kanya.

Hindi na niya maramdaman ang sakit sa panga niya, sa hita, braso, at likod. Ang tanging nararamdaman na lang niya ay ang sakit sa loob niya, marahas, nakamamatay.

Posible pa lang maging buhay at kamatayan mo ang iisang tao, ika niya sa sarili.

Piniling dumiretso ni Kristina sa banyo upang maghilamos. Doon niya napansin na nasugatan pala siya sa pananapak kay Tristan. Napailing siya nang maramdaman ang hapdi.

Gano'n yata talaga 'pag sinaktan mo taong importante sa'yo, masasaktan ka rin.

"Tss, putangina," nasambit sa sarili.

Paglabas ay sinalubong siya ng mga pamilyar ma mukha.

"Kristina! Este, Ma'am Kristina, ay direk pala, naaalala mo pa 'ko? Si Rose 'to, kasamahaan mo ako dati sa SA&S," bungad sa kanya ni Rose.

"Ah oo, Rose. Kumusta?" Pilit niyang pinasisigla ang tono.

"Grabe, direk -"

"'Wag mo na 'kong tawaging direk, Rose," putol niya sa dating kasamahan.

"Anyway, ganoon pa rin pala kayo ni Sir Tristan. Pero mas malala yata ngayon, nagkakapisikalan na kayo," kumento ni Rose.

Hindi naman niya alam kung paano tutugon sa sinabing iyon ni Rose.

"And surprisingly, tumitiklop na yata siya sa'yo," dagdag ng kausap.

May sasabihin pa sana si Rose nang bigla na lang namagitan sa kanila si Tristan, agad nitong hinablot ang kamay ni Kristina para dampian ng ice pack.

Natulala si Rose sa kilos na iyon ni Tristan.

"Hindi na 'yan kailangan," ani Kristina.

Lalong namangha si Rose sa nakikita dahil kabaligtaran ng lahat ang mga ito noon.

"It doesn't feel right not to share this with you, when we're both hurt on that blow," paliwanag ni Tristan.

Kung isa lang ito sa mga eksena noon ay marahil namatay na sa kilig si Kristina. Sa pagkakataong ito kasi ay hindi pa rin siya makapili kung ano ang mararamdaman o itutugon.

Nang idampi naman ni Tristan ang ice pack sa panga niya ay saka napagtanto ni Kristina na iyon din ang gamit niya.

Ibinalik muli ni Tristan iyon sa kamay niya.

"Get off me," matigas na utos niya.

"'Wag mo akong subukan ngayon, Tin. Mamamaga 'to kapag hindi kp 'to ginawa," balik ni Tristan.

Hindi na lalong maialis ni Rose ang atensyon sa dalawa dahil nagmistula silang mahika na unang beses niya lang makita.

"Ako na, akin na, bitiwan mo na. Isa!"

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon