Ilang linggo niya ring pinag-isipan ang desisyon niyang iyon. Ilang linggo na rin siya pabalik balik sa bahay nila Erika para sa plano niya. Simula kasi nang makapag-isip isip siya ay kay Erika siya humingi ng tulong.
Lalayo na siya. Iiwan na muna niya ang buhay sa Maynila, ang buhay sa piling ni Tristan. Pumunta siya kung saan malayo sa pamilya niya.
Sa Benguet, nakahanap siya ng maliit na bahay na napapaligiran ng mga taniman ng gulay. Wala naman siyang balak magtagal doon, gusto niya lang munan makapag-isip isip.
Ngunit unti unti siyang napamahal sa lugar at sa mga tao roon. Ang pangunahing pinagkakatian sa lugar ay pagtatanim at ang pagpapatuloy sa mga turistang umaakyat ng Pulag. Sa katunayan nga ay ang inookupahang kwarto ay sa loob ng isang bahay na nagsilbi nang inn para sa mga namumundok na ayaw mag-camping kapag sobrang lamig ng panahon.
Ilang beses niya na ring naakyat ang Pulag, noong una ay hindi niya pa alam kung bakit niya iyon sinubukan pero nang makita niya ang pagsikat ng araw sa gitna ng malakaragatang ulap o tinatawag nilang "sea of clouds," para bang nakalimutan niya lath ng pangit at masasakit pangyayari sa buhay niya.
Simula noon, palagi na siyang sumasama sa may-ari ng kasera niya , na may sarili ring travel and tours company, sa pag-akyat. Siya ang photographer at videographer ng mga grupong umaakyat.
Ang pangako niya sa sariling anim na buwan lang ay umabot na ng isang taon. Isang taon na mula nang umalis siya sa Maynila. Dalawang taon na ang nakakaraan nang hinayaan niya ang sariling manatili sa tabi ni Tristan na sumira lamang sa kanya sa huli.
"Tin, natahimik ka diyan. Anya man ti panpanunutemun (anon na namang iniisip mo)?" tanong sa kanya ni Mike.
Pamilya ni Mike ang may-ari ng tinutuluyan niya at may-ari ng travel and tours na pinagtatrabahuan niya. Ito ang madalas na naghahatid sa mga turista mula Baguio hanggang Benguet. Minsan lang siya manatili sa Benguet dahil sa Baguio ito nakabase, doon din siya nagtatrabaho.
"Overdue ka na rito sa sa Bokod, ha. Akala ko ba anim na buwan ka lang dito?"usisa naman ni Mia, ate ni Mike, siya rin ang nagpapatakbo sa negsyo nila, siya bale ang boss ni Kristina.
Nginitian lang ni Kristina si Mia bago humigop sa kapeng barako na kanina pa nila pinagsasaluhan. Iyon na kasi ang ritwal nila bago umakyat, alas dos ng madaling araw sila madalas mag-umpisa sa pag-akyat para maabutan ang sea of clouds sa taas.
"Ngingiti na naman 'to, baka sagutin na kita niyan kakangiti mo sa'kin," biro sa kanya ni Mike. Magkasing edad lang kasi sila ni Mike at wala pa itong nobya,kaya madalas siya nitong tuksuin pero hanggang doon lang naman ito.
"Panira ka lagi e, kaya hindi nakakapagkuwento 'tong si Tin dahil sabat ka nang sabat lagi e," sita ni Mia sa kapatid.
"Ano nga, Tin? Baka mamaya magulat na lang kami may sumusundo na ritong asawa mo pala na iniwan mo, ha?" usisang muli ni Mia pero hindi inasahan ni Kristina ang hinhuha niyang'yon.
Sa lahat ng mga naging suspetsa niya sa pagdating ni Kristina sa lugar nila ay ngayon lang ito halos tumama. Nandiyan kasi ang pag-aakala nitong may pinagtataguan siyang pinagkakautangan, o tinatakbuhang tao, isang criminal, takas na bilanggo at kung anu ano pa.
"Tss," reaksyon ni Kristina saka ngumisi.
Napaisip tuloy siya kung okay na ba siya? Kaya na ba niyang bumalik ulit?
"Naku, manang, tama yata 'yang hinala mo," ika ni Mike.
"Ano, Tin? Tama? May asawa ka na nga at nilayasan mo?" may pananabik sa tono ni Mia.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...