1983
"We must think of something to let the business run until the next two generations," mungkahi ni Miguel sa matalik na kaibigan.
"What could that possibly be, pare?" tanong ni Edgar.
"Kailangan mapanatili natin ang business sa pamilya lang natin. Kailangang may isa sa mga anak natin ang magpakasal," pirming sagot ni Miguel.
--
"Kuya? 'Wag mong sabihing kasali ako sa kasunduang 'to?" mahina ngunit naghihisterikal na tanong ni Kristina kay Gio, saka babaling sa kanan niya kung nasaan si Gabriel. Palakas na nang palakas ang kabog ng dibdib niya, hindi pa man din sinasabi ng dalawang haligi ng pamikya nila ang anunsyo ay nakikinikinita na niyang paparating ang delubyo.
"Ikaw lang ang nag-iisang babae sa pamilya, genius Kristina, genius," nainis siya sa tono ng boses ni Gio kaya hindi na lang siya umimik. Nang hindi niya mapigilan, lumingon ulit ito sa kuya niya, humawak siya sa braso nito na parang nagmamakaawa, nanghihingi ng tulong.
"Kuya," mahina at nanginginig na sumamo ni Kristina sa kuya niya na parang may magagawa ito sa planong matagal nang nakaguhit. Tinapik tapik lang ni Gio ang kamay niya na parang iyon na lang ang magagawa niya.
"Say it Pa, I still have work waiting for me," walang kapase-pasensiyang pahayag ni Tristan sa ama.
"Kristina being the only daughter in the family and Tristan on the other is the only man who's in an appropriate age for Kristina, they complete the plan. Now that they're in the right age, we must be all preparing for the biggest wedding in the industry," paliwanag ni Miguel na parang ikatutuwa ng lahat ang mga sinasabi nila ng kaibigan niya.
Nahirapang huminga si Kristina roon na tila may malaking batong humaharang sa hanging pumapasok sa sistema niya. Sinulyapan niya ang mommy niya na punung-puno ng simpatya ang mukha.
Agad namang tumayo si Tristan at nagpaalam sa lahat. Inasahan na iyon ni Kristina at ng mga magulang niya dahil hindi kailan man sinang-ayunan ni Tristan ang plano kahit matagal na niya itong alam.
Parang pelikulang pinapanood lang ni Kristina ang mga nangyayari. Wala siyang marinig kundi ang mga paulit-ulit na pahayag ng daddy niya at ng tito Miguel niya. Pinanood niya ang mga ito na maglaho isa-isa. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya hanggang sa si Gabriel at Gio na lang ang natitira.
"You'll be okay, Tin," tinapik siya sa balikat ng kuya Gabriel niya.
"Halika na, ihahatid na kita," alok naman ng kuya Gio niya ngunit tumanggi siya dahil hindi pa pumapasok sa utak niya ang nalaman niya. Nanatili siyang nakaupo at nang magtagal at hindi pa rin umaalis ang dalawa niyang kapatid nagsalita na siya.
"You knew all along?" may halong pag-aakusa iyon.
"I'm sorry we can't tell you, it was an order," pagkumpirma ni Gio.
"Order? So everyone knew before I did?" simula nang mag-umpisa ang gabing ito ay hindi na niya mapigilan ang sarili sa pag-ingles-ingles niya na matagal niyang sinubukang burahin sa sistema niya para makiayon sa mga ordinaryong tao sa paligid niya.
"Yes, and it was for your own good, Tin. It was to give you the life you wanted before marry the man," paliwanag ni Gabriel.
"So that was an order too -- letting me live the life I want before I become miserable?" aniya, napangisi siya roon.
"You wouldn't be miserable, we'll never let that happen," ika ni Gabriel.
"And you knew very well that I hated that man, how could I not be miserable?" panunumbat ni Kristina.
"And for your information, I wasn't living the life I wanted," pagpapatuloy niya.
"Nandito lang kami, Tin. You can always run to us," panigurado ni Gio.
"Iwan niyo na lang muna ako, hindi ko na-enjoy ang pagakain ko. Maybe I can, now, without you all," pagsuko niya. Alam niya kasing wala na itong bawian.
Tumango ang dalawa at iniwan siya.
Tinotoo niya ang pagkain sa mga putaheng hindi niya nagawang masikmura noong nasa harapn niya pa ang daddy niya at ang pamilya ng kinamumuhian niyang lalaki. Hindi niya magawang lunukin ang katotohanang magpapakasal siya sa taong pinakaayaw niyang makita, makasama, makausap sa bawat araw.
Nagbalik ang isa sa mga alaalang pilit na binubura ni Kristina sa buhay niya.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...