Nagpack-up na lahat ng crew alas onse ng sumunod na araw at parang may kakaibang galak ang bumabalot sa awra ng bawat isa dahil matapos ang halos hindi mabilang na dire-diretsong oras ng pagtatrabaho ay makakauwi na sila sa kaniya-kaniyang bahay at makakatulog narin sa wakas.
Ngunit tila may iba pang bumubuhay sa diwa ng mga crew pati na rin ng mga writer at producer.
"May asawa na pala si direk, akala ko pa naman may pag-asa na 'ko sa kanya," pagbibiro ng isang camereman.
Hindi naman inantala ni Kristina ang mga biruan nilang ganoon dahil napalapit narin sila sa isa't isa kaya naman kapag may mga gano'ng klaseng biruan ay sumasakay nalang ang bawat isa sa kanila para man lang mabawasan ang bigat ng trabaho.
"Nako, napakagwapo, wala ka talagang kapag-a-pag-asa kuya Ren," kumento ni Via, isang writer.
"Korek, hindi mo naman sinabi na gano'ng kagandang lalaki ang napangasawa mo, direk, may kapatid ba 'yun?" sumali narin si Cel.
Gusto sanang manahimik nalang ni Kristina pero ayaw naman niyang masira ang mood ng mga kasamahan niya. Isa pa ay matagal naring panahon nang huli niyang maranasan ang mga ganoong klase ng usapan.
"Seryoso direk, magkuwento ka naman diyan, tayu-tayo lang naman e," hiling ni Jobet, isa sa mga writers nila.
"Wala akong ikukwento, boring, sorry kayo," nginitian niya ang mga ito.
"Sana ako nalang pala ang napangasawa mo direk, hindi magiging boring ang istorya natin," tatawa tawang pahayag ni Ren.
"Ay talagang hindi magiging boring kuya Ren, pamilyado ka na, halos doble na ng edad mo ang edad ko, e 'di kabit pala ang role ko nun, exciting," patol ni Kristina.
"Oy direk, biro lang ah, idol kaya kita, pero hindi naman ako ganun katanda, grabe ka direk," bwelta ni Ren.
"Asa ka pa Ren, kung ako nga kalalaking tao, naintimidate rin ako sa pressence nung asawa ni direk e, grabe yung tindig, amoy mayaman, mabango. Kaya wala ka talagang kapag-a-pag-asa diyan kay direk," sabat ni Otep.
"Teka nga, nakakaloka kayo parang sa pagkakaalam ko ako yung bakla rito ha? Kung makapuri kayo dun sa hunk e daig niyo pa 'ko," hirit ni Jobet.
"Pero direk, kaninong anak ba 'yon?" dagdag ni Jobet na kinikilig kilig pa.
"Paano kayo nagkakilala direk?" Si Cel naman.
"Ilang taon na kayo, direk?" Si Via rin.
"So talk show naman tayo ngayon? Akala ko ba mga pagod na kayo?" paglilihis ni Kristina, sa totoo lang kasi ay ayaw niyang ikinukwento ang personal na buhay niya sa mga katrabaho pero sa halos anim na buwan nilang samahan ay kumportable na siya sa kanila, hindi lang sa ganoong mga usapin.
"Sige na direk, minsan lang naman tayo magchikahan," pamimilit ni Jobet na sinegundahan naman ng karamihan.
"Family friend, magbestfriend ang tatay ko at tatay niya," maikling sagot ni Kristina.
"Ang tipid mo namang sumagot direk!" Kumento ni Ren.
"Teka direk, 'di ba, San Antonio ka? Kristina Silvestre San Antonio, 'di ba direk?" usisa ni Otep.
"Oo, bakit?" sagot niya.
"Kaanu-ano mo yung mga may ari ng SA&S group of companies?" tanong ni Ren.
"Balita ko papasukin narin nila ang pagtatayo ng mall, grabe kung konektado ka sa mga 'yun di ibig sabihin bigtime ka direk, yayamanin!" napalunok si Kristina sa sinabing iyon ni Otep. Hindi niya ngayon alam kung paano niya tatakasan iyon. Ang totoo kasi ay ang head director lang nila ang nakakaalam ng tunay na katauhan niya.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...