Pagbabalik

56 3 0
                                    



Hingal na hingal si Kristina. Para siyang nakipagkarera sa sanlibong tao samantalang ang ginawa lang naman niya ay ang mag-apura sa pag-alis.

Nang makalayo siya ng halos ilang kilometro ay itinigil niya ang sasakyan. Binigyan ang sarili ng pagkakataon na makahinga kahit sandali. Pinilit pag-isipan kung tama bang tumapak uli siya sa lugar, sa buhay na tinakbuhan niya.

Wala sa sarili niyang nai-dial ang numero ni Mia. Hindi niya alam pero sa lahat ng ginawa para sa kanya ni Mia, ang pagkupkop at pagtanggap sa kanya, dapat lang na ipaalam niya rito ang gagawin niya.

"Oh, Tin. Aguray ka man (Sandali nga), totoo bang luluwas ka ng Maynila?" bungad sa kanya nito.

Kinalma naman niya ang sarili at sumagot, "Oo."

"Sigurado ka?"

"Oo. Sorry kung hindi na ako nakapag-explain. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado, naguguluhan din ako," aniya.

"Bakit?"

"Mali ba lahat ng ginawa ko? Makasarili ba ako? All along, mali ba lahat ng desisyon ko?" tanong niya sa kaibigan na hindi alam kung masasagot ba siya nito.

"Tin," iyon lang ang naisagot ni Mia bago ito umupo sa pinakamalapit na upuan sa kanya. Nararamdaman niyang panahon na para makapag-usap sila nang masinsinan ni Kristina.

"Nasaan ka ba ngayon? Malayo ka na ba?" tanong ni Mia.

"Hindi pa."

"Tin, makinig ka. Siguro para sa'yo tama lahat ng naging desisyon mo kasi hindi mo naman alam kung anong magiging epekto non sa iba. Noong bagong salta ka rito hindi kita nakilala dahil pinakilala mo ang sarili mo sa'min, nakilala ka namin dahil sa mga kilos mo, sa mga ginagawa mo, sa passion mo, at kay Tristan," paliwanag ni Mia.

Nagtaka si Kristina roon ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Mia.

"Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako pero hindi na bale ang mahalaga masabi ko sa'yo."

"Anong sinasabi mo, Mia?"

"Alam lahat ni Tristan ang mga galaw mo simula noong namalagi ka rito. Lahat ng nakakausap mo, nakakasama mo, lahat ng ginagawa mo, naka-report lahat sa kanya."

Hindi na halos maipinta ang mukha ni Kristina dahil sa mga nalaman.

"Noong una, pumayag akong mag-report report sa kanya ng mga tungkol sa'yo dahil inisip ko baka panandalian lang ito, na magkakaayos kayo at babalik ka rin sa kanya pagkalipas ng ilang linggo. Pero matigas ka at unti-unti naging buhay at tahanan mo na ang Benguet."

"Mia, bakit? Bakit mo ginawa 'yon?"gusto sana niyang sumbatan si Mia ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Hindi ko ginawa 'yon dahil inutusan niya ako. Nanghingi siya ng pabor, Tin at naglaon tulong na ang hinihingi niya. Hindi ko aiya mahindian dahil alam kong mahalaga rin siya sa'yo baka 'ka ko kailangan mo lang ng konting panahon," paliwanag pa rin ni Mia.

"I don't know what to feel. I don't even know if I should feel betrayed," wala sa sariling pahayag ni Kristina.

"Hindi kita masisisi kung pinili mong takbuhan ang buhay mo, Tin, dahil baka nga hindi ka roon magiging masaya. Nakita ko naman na masaya ka rito. Pero, Tin, hindi mo puwedeng takbuhan ang buhay mo, ang pamilya mo, ang taong mahal mo kung ang iniisip mo lang 'yang sarili mo lang. Paano naman ang mga iniwan mo?"

Doon napaluha si Kristina. Hindi siya makapaniwalang pareho ng ipinunto si Mia at ang Kuya Gio niya.

"Mali ba talaga lahat? Inisip ko lang ba ang sarili ko? Hindi ba puwedeng gusto ko lang matahimik?"

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon