Iginala ni Kristina ang paningin sa buong bahay, halos saang sulok nito ay nandoon noon si Jazz, nag-iingay, naglalaro, nag-iinarte, nakikipag-away sa kanya. Matagal rin niyang pinagmasdan ang island nila sa kusina kung saan una siyang hinalikan noon ni Tristan. Pati na rin ang hagdan sa likuran niya na nakasaksi ng maraming sagutan at away nila noon ni Tristan.
Napunta ang tingin niya sa sala, iba ang natatandaan niyang tagpo roon. Tagpong hindi niya makalimutan.
Nagsimula siyang magbaliktanaw noong unang gabing wala na si Jazz sa puder nila, isang taon na rin ang nakalipas mula noon.
"Can we talk?" lumapit sa kanya si Tristan habang nasa sala siya, nanonood.
Tumango lang siya at awtomatikong napaurong sa kabilang dulo ng sopa nang umupo na sa tabi niya si Tristan, awtomatiko ring hininaan niya ang telebisyon.
"Tungkol saan?" tanong niya.
"Us," tipid na sagot nito sa kanya.
Napatuwid siya doon ng upo. Doon niya lang napansin na may hawak pala itong baso ng alak.
"Us?" ulit niya, sinundan ang paglapag ni Tristan ng alak sa mesa.
"I want us to be clear. I know it is not easy but it has never been easy since the beginning," pasakalye nito.
Tinitigan lang siya ni Kristina, hindi maitago ang pagtataka sa mukha niya.
"I know what you feel, believe it or not, I've been there before, I know how you feel. You are the closest person to me right now, you became my bestfriend. I've never been this open before to anybody," paliwanag ni Tristan.
"You were never open to me, Tristan. Ano bang sinasabi mo?"
"I was, Tin. Hindi mo lang siguro napapansin. I became so comfortable with you that even the smallest thing that happens to me in a day, sinasabi ko sa'yo. I was never like that even to my mom."
"Anong pinupunto mo?"
"I don't know. I just wanted to let you know how I feel about you, because I know it's not easy for you to live with me, love me when I can't even give it back to you," pahayag niya.
"Binabasted mo ba 'ko?" natatawang tanong ni Kristina.
Habang pinagmamasdan ni Tristan ang masakit na ngiting iyon ni Kristina ay tila nakikita niya ang sarili noong mga panahong hinahabol niya si Samantha. Halatang nasasaktan pero pilit nagkukubli.
"Look, Tin, I just want us to be okay. I don't want you to get hurt. This isn't a deal that we can get rid when the other one does not feel the same as the other. Remember, we are each other's dead end."
"Alam mo, alam ko naman na we can never get out of this. Naiintindihan ko naman e, Tristan, sobrang simple lang naman 'di ba? Mahal na kita pero hindi mo ako mahal. But we're staying together like nothing happened because we have to. Napakalinaw. I know my limits. So, just fuck off. Can you just distance yourself from me. 'Wag mong ipakita sa'kin na ayaw mo akong nasasaktan. Don't ever feel protective about me. 'Wag mo akong paasahin. Ang dali lang naman 'di ba? Why are we even having this conversation? Kasi nakokonsensiya ka na nasasaktan ako?"
Tahimik lang si Tristan, hindi niya inasahan iyon kay Kristina.
"Am I even showing you how fucking painful it is? Sinabi ko ba sa'yo to feel the same? Did I ever ask you to love me back? Hindi naman 'di ba? So anong problema mo? Kung nakokonsensya ka, utang na loob, 'wag mo na lang sabihin," tuloy niya.
Huminga nang malalim si Kristina saka inalis ang tingin kay Tristan. Hindi siya maluha luha, baka kasi sanay na siya.
"This is all new to me, and I fucking don't understand myself everytime you're around and you're not around," basag ni Tristan sa katahimikan pagkalipas ng ilang minutong hindi pagsasalita at pagtitig sa kawalan.
"Matutulog na ako," akmang tatayo na si Kristina pero hinarangan siya ni Tristan.
"Tin," nagsusumamong tawag niya rito.
"I'm sorry for everything, if only I could teach myself, I would just don't leave," parang nababaliw na siya sa nararamdaman niyang hindi niya maipaliwanag. Hindi naman siya ganito dati tuwing may aalis sa buhay niya.
Hindi na naitago pa ni Kristina ang sakit at pagkadismaya sa nangyayari.
"I told you not to say that!" lumabas iyon sa bibig ni Kristina na parang sumbat sa kanya.
"Aalis ako kung kailan ko gusto, hindi mo ako pag-aari na kahit ayaw mong gamitin e itatago mo pa rin," patuloy na panunumbat nito sa kanya.
Bakit parang mas masakit pang makitang hindi umiiyak ito, natanto ni Tristan.
"Alam mo," nagsimula nang mabasag ang boses nito, "nagdesisyon akong huwag na munang umalis dahil sabi ayokong pagsisihan ko sa huli na hindi ko man lang sinubukan. Sabi ko uubusin ko muna lahat, isasagad ko muna ang sarili ko at kapag hindi ko na kaya saka na ako aalis. Madali lang naman pala akong maubos," nakangising bitaw niya roon.
"Tin, what are you saying?" tanong niya habang nakahawak na ito sa magkabilang pisngi ni Kristina.
"Tapos hindi mo ako binibigyan ng dahilan kung bakit ayaw mo akong umalis. Ang ibinibigay mo lang dahil ito ang dapat, na nagiging kumportable ka na sa'kin, na masaya ka na kasama ako, na itinuturing mo akong bestfriend. Tangina!"
Unti unti nang bumuhos ang luha ni Kristina at hindi na pinigilan ni Tristan na alisin ang mga iyon gamit ang mga palad niyang nakahawak pa rink ay Kristina ngunit tinabig lamang nito ang mga kamay niya.
"You could have stayed as the cold person that you were, hindi ka na sana gumawa ng mga bagay na ikahuhulog ko at mga bagay na puwede kong kapitan, mga bagay na pumipigil sa'king umalis. Sana hindi ka na lang naging ganito sa'kin," sumbat niya.
Naiwang hindi makapaniwala si Tristan sa kinatatayuan niya. Hindi niya inakalang maapektuhan si Kristina sa mga maliliit na bagay na ginawa niya noon para sa kanya.
"I hope you stay until I figure out what I feel," bitaw niya kahit wala na sa harap niya si Kristina.
--
"I hope you stay until I figure out what I feel."
Iyon ang mga salitang narinig niya mula kay Tristan noong gabing iyon na nagpabuhay sa pag-asa niyang baka mahalin din siya pabalik nito. Dahil sa mga salitang iyon, napagdesisyunan niyang manatili muna sa tabi ni Tristan.
Tanga na kung tanga, ika niya sa sarili niya noon, kaysa naman magsisi sa huli.
Isang taon ang nakalipas, nagsisisi na siya kung bakit hindi niya pa itinuloy na umalis noon. Wala rin naman siyang napala.
Natigil siya sa pagdadrama nang makitang tumatawag na ang kanina niya pa hinihintay.
"Erika, oo, papunta na ako."
"Sigurado ka na ba" tanong sa kanya ni Erika sa kabilang linya.
Muli niyang pinagmasdan ang buong bahay, kinakabisa ang bawat sulok at pangyayaring kalakip ng mga iyon, "Oo, ready na ako," sagot niya kay Erika.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...