Ilang araw nang wala sa sarili si Kristina. Hindi niya alam kung tama bang hindi man lang niya hinayaang makapag-usap pa sila ni Tristan bago ito umalis o hindi.
Ang totoo, hindi niya kasi maintindihan ang sarili. Pakiramdam niya pinaglalaruan siya. Matapos siyang suyuin ay parang iiwan lang siya nito sa ere -- sa ere na muli na namang nagmamahal -- na walang kaalam alam, iiwan din pala siya ang masaklap hindi tiyak kung hanggang kailan.
"Ang gago e," reklamo niya kay Erika. Nakipagkita siya rito dahil hindi na niya matiis na sarilinin ang mga nararamdaman niya. "Pa-sweet-sweet pa tapos hindi magsasabing aalis pala. Parang ginawa niya kong emotional experiment."
"E 'di sundan mo, gusto mo na pala ulit e, pinakokomplikado mo pa," hamon ni Erika sa kanya.
"Ayoko, wala akong pera."
"E 'di inamin mo rin, gusto mong sundan," panghuhuli sa kanya.
"Hindi rin. Ang akin lang, pinagmukha niya 'kong tanga, hindi naman emergency 'yun, matagal nang nakaplano," depensa niya.
"Nakalimutan mo yatang ikaw 'tong wala sa plano, bigla ka na lang dumating dito. Ano bang malay niya, hindi naman niya inakala na bigla ka na lang uli babalik. Ang akala nga niya hindi ka na babalik, e."
Natahimik siya sa sinabi ni Erika. Halos sumikip ang dibdib dahil doon. Tama naman ang kaibigan niya, pag-amin niya.
--
Eksaktong isang buwan mula noong umalis si Tristan, nagpunta siya sa bahay nila noon. Hindi niya akalaing, naitago niya pa pala ang susi niyon.
Hindi na niya sinubukang tawagan si Tristan, hindi rin niya ito gaanong kinakausap kapag siya ang tumatawag. Naubusan kasi siya ng tapang. Napagtanto niya kasing hindi naman dapat siya galit, wala naman talaga sa plano niya na bumalik, hindi rin naman inasahan ni Tristan na kung kailan siya babalik, e, paalis pala ito.
Kapapasok niya pa lang sa bahay nang tumunog ang cellphone niya. Si Tristan.
Sinagot niya lang iyon, hinintay na maunang magsalita si Tristan.
"Hi," bati nito sa kanya. "Happy birthday."
"Thanks," sagot niya. Pinipigilan ang sariling makaramdam ng kung ano. Hindi niya kasi masabi kung ano ba sila -- hindi naman kasi nila napag-uusapan.
"Where are you," tila hindi rin makapulot ng salitang bibitawan si Tristan.
"Somewhere. Ikaw?"
"Still here, hoping to be there somewhere," sagot sa kanya.
"Medyo busy kasi ako, can you call some other time?" pag-iiwas niya.
"You're always busy," malungkot na naman ang tono niya. "I call you some other time."
"So--" hindi na niya naituloy dahoil binabaan na pala siya. Pinilit na lang niyang huwag pansinin ang mga nangyayari sa kanila, pagod na kasi siyang manghula kung ano bang naghihintay sa kanilang dalawa.
Sandali pa ay natagpuan niya ang sariling pinipihit ang seradura ng dati niyang kuwarto. Kung anong hitsura ng silid noong umalis siya ganoon pa rin hanggang ngayon. Maliban sa isang kahon na nasa ibabaw ng kama.
Nang buksan, nagtaka siya. Puro CD ang laman noon. Hinalungkat niya at sa ilalim noon ay mga posters. Posters ng mga ginawa niyang pelikula -- mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli.
May iilan ding mga diyaryo doon. Nang basahin niya ay mga movie review iyon sa mga gawa niya na nailathala sa mga pahayagan. Unti-unti niyang napagtatanto kung ano ang lahat ng iyon kaya dali-dali siyang pumunta sa sala para panoorin lahat ng naroon.
Inuna niya ang pelikulang ginawa niya noong nag-aaral pa lang siya. Ang alam niya ay nasira na noon iyon, paanong nagkaroon pa ng kopya, tanong sa sarili.
Ang mga sumunod ay mga kopya ng iba pang gawa niya, pati iyong mga gawa niya noong nasa Benguet pa siya. Iyong kalahati ng mga CD ay puro kuha ng mga manonood, kuha sa mga sinehan kung saan ipinalabas ang mga gawa niya, ang ilan ay kuha pa ng mga manonood habang nagbibigay ng kumento tungkol sa pelikula.
Iyak siya nang iyak. Hindi niya alam kung paanong naging posible lahat ng iyon. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon habang wala siya.
Hindi matigil ang pagluha niya, umabot na nga sa hikbi. Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang isang taong ipinangako niyang hindi na niya lalapitan kahit kailan.
Sa pangatlong ring, sinagot siya nito.
"Dad," umiiyak niyang tawag. "I need your help."
--
BINABASA MO ANG
Deadend
Ficção Geral"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...