No show

103 5 0
                                    

Sa gym, patuloy na hinihimas ni Joshua ang brasong nabangga ng babaeng nakasalubong niya.

Lumapit siya sa reception at binati siya ng lalaking nagbabantay doon.

"Good morning sir!"

"Good morning," bati niya. "Yung babaeng lumabas, bago lang ba yun dito?" tanong niya sa receptionist.

"Opo sir, galing siya sa branch natin sa QC, lumipat lang dito."

"Ah, kaya pala hindi niya ko kilala," bulong niya sa sarili.

"Sino yun?" tanong niyang muli sa receptionist, bilang may-ari ng gym gusto niya kilala niya lahat ng costumer nila. Sariling pera at pagod ang pinuhunan niya sa negosyo niyang ito kaya inaalagaan at inaalam niya ang bawat detalye nito, simula sa pamamahala dito hanggang sa mga taong tumatangkilik sa serbisyo nila.

"Wait lang po sir tingnan ko po sa records," mabilis na hinanap ng receptionist ang record ng nasabing babae sa server nila at mabilis niya rin itong nalaman.

"Kristina Silvestre po sir."

Sa pangalang narinig ni Joshua nagliwanag ang mukha niya at mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para makilala ko ang pinakasalan mo Tristan, bulong ng konsensiya niya.

--

"Happy birthday Ma'am Kristina!" nasorpresa si Kristina sa sumalubong sa kanya sa academy, lahat ng estudyante, propesor at mga empleyado ay may hawak na lobo, nagpasaboy din sila ng confetti, samantala si Erika ang may hawak ng cake, binigyan din siya ng isang bouquet na bulaklak. Siya dapat ang susurpresa sa mga estudyante niya at sa mga empleyado niya sa pamamagitan ng pagti-treat niya sa kanila ngunit siya pa itong nasurpresa.

"Thank you guys, dapat ako magsusurprise sa inyo e."

"Ikaw ang may birthday kaya dapat ikaw ang masurprise Ma'am," wika ni Martha.

May inihanda ding program para sa kanya ang mga estudyante ng academy. Sa dulo ng programa, nagdilim ang buong paligid at sumulpot sa malaking screen ang isang avp na inihanda nila. Laman nito ang mga kuha sa kanya habang nagtuturo, candid shots at mga kuha sa mga activities nila.

"May kinalaman ka ba dito?" tanong niya kay Erika at nginitian lamang siya nito.

Nagtuturo si Kristina ng mga major subjects sa mga estudyante niya. Limampung estudyante lang ang meron siya sa academy. Itinayo niya ang academy tatlong taon na ang nakararaan, dito napupunta lahat ng kinita niya sa mga nagdaang taon. Ang academy ay isang foundation, lahat ng mga estudyante niya ay galing sa ampunan. Sa oras na makalabas na ang mga bata sa ampunan, makakahanap sila ng tutulong sa kanila para tuparin ang mga pangarap nila at iyon ng layunin ng Film Academy Foundation ngunit iisa lang ang kursong itinuturo dito, ang siya ding tinapos ni Kristina - Film.

Ayaw pa sanang magpaalam ni Kristina pero kailangan na niyang umalis para sa dinner na naghihitay sa kanya. Muli siyang nasorpresa nang abutan siya isa-isa ng mga estudyante ng birthday card. Lubos iyong ikinatuwa ni Kristina dahil para sa kanya ang pinkamagandang regalo ay hindi nabibili ng pera kundi nasusukat sa effort. May kakaibang dalang saya kapag nakakabasa siya ng mga personal na mensahe sa mga birthday cards na natatanggap niya. Hindi pa man din tapos ang araw niya parang ang dami nang nangyari.

Nag-iwan siya ng matamis na ngiti at masiglang kaway sa lahat ng tao sa academy at nagsimulang tahakin ang daan pabalik sa bahay nila.

--

"Anak, hindi ba darating ang asawa mo?" tanong ni Miranda sa anak samantala sina Gio, Gab, at Erika pare-parehong pinigil ang hininga habang pinakikinggan ang usapan ng mag-ina.

"Ma, darating yun mamaya," maikling sagot ni Kristina na walang ganang pag-usapan ang asawa niya. Wala lang naman sa kanya kung hindi siya makakarating ng maaga, sanay naman na siya at ayaw niya ring magdemand dahil hindi naman importante sa kanya ang presensya ni Tristan at ganun din naman ito sa kanya.

"Hindi niya ba alam na birthday mo?" tanong ulit ng ina.

"Hindi po."

"What? Asawa mo parin siya dapat alam niya," sumali narin si Erika sa usapan nila.

"Oo, pero it's not as if we're inlove to know the important days of our lives," unti-unti ng napipikon si Kristina dahil sa paksa na pinipilit niyang iwasan.

"You don't get it little sister," sumali narin ang panganay niyang kapatid na si Gab, "yes, you were binded because of a deal but that doesn't prevent you to act as a real couple would do," pagpapatuloy nito.

"Tama si kuya, Tin. Kahit hindi ninyo mahal ang isa't isa, the fact na you're staying in a house together, you're legally married even if you don't love each other, you must still treat each other as wife and husband," punto ni Gio.

"Ha-ha, you're all funny. Alam niyo namang lahat na ayaw ko sa kanya 'di ba? Atsaka siya din naman, alam niyo naman kung pa'no niya ko ipahiya at maliitin sa opisina 'di ba? Tapos bigla bigla nalang itatrato ko siyang parang isang tunay na asawa? Ma, sorry pero tama na siguro yung pumayag ako sa kasunduan, siguro hanggang dun nalang. Ayokong magkunwari."

Natahimik naman ang lahat sa naging litanya ni Kristina. Hindi rin naman siya masisisi ng mga ito dahil ultimo sila ay walang magawa para alisin si Kristina sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

"Tama na ang drama. Birthday mo ngayon dapat masaya 'di ba? Gusto mo ng wine? May dala si Gio, di ba Gio?" baling ni Erika sa katabing kapatid ni Kristina.

"Buti pinaalala mo," kinurot ni Gio ang pisngi ni Erika na nagbunga naman ng ngiti sa mga labi ni Kristina.

"Mommy, sorry," inilipat niya ang atensyon ina, hinawakan niya ang kamay nito bilang pagpapahiwatig sa ina na siya na ang bahala sa lahat, na hindi na niya kailangang mag-alala.

"No, I'm sorry Kristina, alam kong nahihirapan ka but please at least try to befriend him, hindi magandang nasa iisang bahay kayo pero parang wala kayong nakikitang kasama."

"Susubukan ko Ma," binigyan niya ng isang malungkot na ngiti ang ina niya at nagpatuloy sa kinakain at pakikipagkuwentuhan sa mga kapatid. Niyaya narin nilang sumalo sa kanila si Magda, noong una'y nahihiya pa ito pero hindi rin nakatanggi dahil sa pagpilit sa kanya ng mga kuya niya. Kakaunti na nga lang sila e tatanggi pa siya, naisip ni Magda.

Para kay Kristina, sapat na na makasama niya ang pamilya niya at si Erika sa pinakamahalagang araw ng buhay niya, kahit hindi maiwasang asamin na sana kasama rin nila ang daddy niya ay natutunan niya na lamang tanggapin ang malungkot na katotohanan dahil hindi naman nagkukulang ang mommy at mga kapatid niya.

Alas onse na ng gabi ng makaalis silang lahat. Isa-isa naman siyang pinaalalahanan na simulan na niya tratuhin si Tristan bilang asawa, bilin din ni Erika na hintayin niya si Tristan at alukin itong kumain. Pero wala siyang balak sundin ang mga bilin sa kanya sa halip si Magda nalang ang sinabihan niyang asikasuhin nalang ang pagkain ni Tristan pagdating. Umakyat na siya at natulog dahil nakaramdam na siya ng pagod at antok.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon