Ang hirap bumitaw

94 3 4
                                    

"Jazz," tawag ni Kristina sa bata na noon ay nag-iimpake na ng mga gamit niya. Hindi man lang namalayan ni Kristina na patapos na pala ang pamamalagi sa kanila ni Jazz.

Sa isip isip niya, parang ayaw na niyang pakawalan ang bata dahil napamahal na ito sa kanya at isa pa parang ang daming naitulong nito sa kanya tipong dumating ito noong mga panahong nahihirapan na siya.

"Jazz," ulit niya rito.

"What, Tita Tin? You keep on calling me," sagot nito sa kanya na parang nakukulitan na.

"Magiging tahimik na ulit ang bahay. Paano na ako kapag walang makausap?" sentimiyento niya habang lumalapit dito para tulungan sa ginagawa.

"English, please, Tita," hiling nito.

"Hindi ka pa rin talaga marunong, ang sabi ko, the house will be quiet again. I've got no one to talk to again."

Bigla namang tumigil si Jazz sa pag-eempake at hinarap si Kristina.

"Uncle is always here. You'll never be alone, TIta," paalala nito sa kanya.

Nagkibit balikat na lang si Kristina sa sinabi ni Jazz. Wala rin namang alam ang bata sa sitwasyon nila ni Tristan.

Maya maya pa ay pumasok na rin si Tristan sa kwarto at nakisali sa usapan ng dalawa.

"You ready, baby?" tanong nito kay Jazz saka hinaplos ang ulo ng bata.

Hindi nakalampas sa paningin at pandinig ni Kristina ang kilos na iyon ni Tristan. Sa tiuwing nakikita niya kung gaano kaalaga si Tristan kay Jazz ay parang natutunaw siya, parang ibang tao ang nakikita niya.

"Almost po," sago nito. "But, Tita Tin here, I think, is not ready yet," sagot ni Jazz.

"why?" tumingala si Tristan kay Kristina na may tinging halos hindi niya kayanin, para siyang nahuhulog sa mga tingin na 'yon.

"Sinong may sabi? I, actually, can't wait to see you go," tanggi niya.

"No, sabi mo kanina, you will have no one to talk na when I leave," laglag ni Jazz sa kanya.

"But I didn't say I was not ready. Ang sabi ko lang, the house will be quiet again, which is a fact. Jazzy, you're putting words into my mouth," ganti niya.

"Pero ganun din 'yun, right, Tito? Admit it, you don't want me to go," hamon pa nito sa kanya.

"Fine," pagsuko nit okay Jazz. "I don't want you to go but you'll still go anyway."

"Ang drama," nangungutya pang kumento ni Jazz sa kanya saka pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Don't worry, I'll make the room nosier than ever, Tin," pilyo namang sabat ni Tristan.

Napangisi na lang doon si Kristina. Ayaw niyang panghawakan ang mga ganoong klaseng bagay.

"Why don't you have a baby na lang kasi, Tita Tin," walang kagatul-gatol na suhestiyon ni Jazz sa dalawa.

"Umalis ka na nga, ang dami mo pang sinasabi," asik ni Kristina.

Bigla namang lumipat sa tabi niya si Tristan at nginitian ng nakakaloko, inirapan niya lang ito at saka siniko.

"Gagong 'to," bulong niya bago tumalikod papunta sa pinto.

Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Tristan kaya nagmadali na siyang bumaba papunta sa sala pero mabilis siyang naakbayan ni Tristan. Iyon 'yung tipo ng akbay na hindi na siya makakawala pa na kahit iiwas niya o ipagpag ang balikat ay hindi iyon maaalis.

"Don't you think it's a good idea?" inilapit pa nito ang bibig niya sa tainga niya, nanindig ang balahibo niya sa batok sa ginawang iyon ni Tristan.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon