"Kumusta no-longer-a-bachelor Tristan?" salubong ni Joshua sa matalik na kaibigan.
Ginantihan lang siya ni Tristan ng malamig na tingin.
"Pa'no ka na ngayon makakaporma sa mga magagandang babae dito, pare?" pang-aasar pa ni Joshua.
"Josh," inakbayan siya ni Tristan, "I still can," ngisi nitong sagot.
"Kawawa naman pala ang nag-iisang prinsesa ng Silvestre, San Antonio na pala ngayon.I wonder what does she feel right now, how does it feel to be cheated?" panunundot pa ni Joshua.
"I'm just going to play around, pare, 'tsaka it's not as if I love her," kateiran naman ni Tristan.
"Still you're married to her," ani Joshua.
"She would not even care. Ano bang pinaglalaban mo?" natatawang hirit pa ni Tristan.
"Wala, I just want to meet the poor wife," sagot ni Joshua.
Tinawanan lang iyon ni Tristan. "Sinabi ko na sa'yo, hindi siya interesting," dagdag niya.
Nitong mga nakaraang taon napapadalas ang pagpunta-punta ni Tristan sa club para magtanggal ng stress. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na pumupunta doon para lang maghanap ng babaeng maikakama. Sabagay, hindi naman maiiwasan iyon at iilang beses pa lang naman nangyayari.
Makikipag-uusap, poporma sa mga babae at iinom lang ang totoong pakay niya sa club.
Samantala, naalimpungatan sa tunog ng doorbell si Kristina. Sinubukan niya itong huwag pansinin pero talagang pursigido ang taong nasa labas.
"Wag naman sanang bisita galing sa pamilya ng San Antonio," aniya.
Ayaw niya ring isiping isa iyon sa pamilya niya dahil baka maisipan niya nang sumama sa kanila.
Paikut-ikot siya sa loob ng sala nila, palipat-lipat mula sala hanggang kusina. Hindi niya alam kung pagbubuksan niya ba ng pinto ang nasa labas o magbibingi-bingihan na lang dahil hindi pa rin tumitigil ang tunog ng doorbell.
Maya-maya nagpasya rin siyang lumabas at pagbuksan ang bisita.
"Pa'no kung magnanakaw 'to o mamamatay tao?" aniya.
"Wala naman sigurong kriminal na magdo-doorbell pa," sagot niya rin sa sarili.
Nang mabuksan niya ang pinto, isang nakaunipormeng babae na tantiya niya ay nasa edad 40 na, may dala dalang bag, ang tumambad sa kanya.
"Ay sorry po ate, hindi po ako mahilig sa beauty products," tanggi niya hindi pa man din nagsasalita ang ale saka niya pinagsarhan ng pinto.
"Special offer lang pala," aniya ngunit tinawag ulit siya ng ale.
"Sandali lang po Ma'am, hindi po ako nagbebenta ng beauty products," sigaw nito.
"E ano po ba kayo? Census? Mag-isa lang po ako dito, wala po 'yung mga amo ko," sigaw niyarin para maitaboy na ang ale.
"Ma'am Kristina, sandali lang po," sigaw uli ng ale.
Nagulat siya roon kaya pinagbuksan niya uli ito.
"Bakit mo ko kilala, 'te?" usisa niya sa ale.
"Pinatawag po ako ni Sir Tristan. Magiging maid niyo po ako," paliwanag nito. Saka lang napagtanto ni Kristina na pang-kasambahay ang uniporme ng ale. Napailing na lang siya sa mga naisip niya kanina.
"E ba't nakauniporme ka na agad, ate? May agency ka ba?" usisa niya.
"Kasambahay po ako ng mga San Antonio. Pinadala lang po ako dito ni sir Tristan," paliwanag muli ng ale. "Ako po si Magda," pakilala nito.
"Ha? Ah, sige po. Pasok po kayo," nawala siay sa sarili dahil sa kahihiyan.
"Ang sabi po sa akin..."
"Ate wait, wag mo akong i-po, 26 pa lang ako. Kayo po ba?" putol niya sa sinasabi ni Magda.
"48," sagot nito.
"Tuwing weekdays lang ako dito. Nasa mansyon po ako ng weekend," pagpapatuloy ni Magda.
"E tuwing kailan po ang off niyo?" tanong ni Kristina.
Hindi sumagot si Magda kaya nagpatuloy si Kritina. "Ganito, tuwing Lunes ka magde-day-off, ate. Akong bahala sa'yo. Wala ka naman masyadong gagawin dito, dalawa lang naman kami. At saka hindi naman ako makalat."
"Ah sige salamat hija, hindi ka naman pala masungit," ani Magda.
Parang nagulat naman si Magda sa nasabi niyang iyon. Napanatag din naman siya nang nginitian lang siya ni Kristina at sabihing "tsismis lang iyon."
Dumaan ang isang linggo na puro sulyapan lang ang komunikasyon ni Tristan at Kristina. Hindi pa rin kasi sila sanay sa presensiya ng isa't-isa. Palaging naiiwang mag-isa si Kristina sa malaki nilang bahay samantalang si Tristan ay madalas mag-overtime sa opisina.
Kung susumahin, sila na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi sila makapag-usap at magkita nang matagal. Ngunit sadyang hindi maiiwasan na magkasama silang dalawa lalo na kapag weekend dahil walang pasok si Tristan at si Kristina naman ay wala pa ring trabaho. Wala drn si Magda dahil nasa mansyon.
"Kakain ka?" tanong ni Kristina kay Tristan.
"Oo," tipid na sagot ni Tristan. Paupo na siya nang hinawakan at inilayo ni Kristina ang niluto niyang adobo.
"Wag, iba na lang kainin mo," utos ni Kristina sa nagsisimula nang maasar na si Tristan.
Tiningnan lang siya ni Tristan na parang nauubusan na ng pasensiya ngunit hindi naman natinag si Kristina sa halip ay nagpaliwanag pa.
"Hindi naman sa nagdadamot ako, San Antonio, baka lang kasi hindi pasok sa standards mo 'yung lasa. Alam mo na mala-rich kid," aniya habang hawak-hawak pa rin ang ulam.
"Stop being childish, Silvestre," suway ni Tristan kay Kristina.
"I'm not being childish," ganti ni Kristina at nilapag ang ulam sa mesa, "bahala ka, eat at your own risk, may gulay din pala sa ref. Niluto 'yun ni ate Magda."
Tumayo ulit si Tristan na ikinagulat naman ni Kristina, akala niya ay nagbago na ang isip nito pero tatanggalin lang pala nito ang coat niya saka inirolyo pataas hanggang siko ang polo niya bago umupo ulit. Patapos na rin naman nang kumain si Kristina kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na obserbahan si Tristan.
Kahit 'pag kumakain gwapo pa rin, lalaking lalaki, aniya.
Ano ba 'yan, hindi ko dapat purihin ang kaaway, sayang lang at napakasama niyang tao, sa isip isip niya.
Tumayo na rin siya paglipas ng ilang sandali at nagtungo sa sala. Walang kinong iniwan niya muna ang pinagkainan niya. Hihintayin na lang niyang matapos si Tristan bago siya maghugas.
Pagbalik niya sa kusina makalipas ng ilang minuto, nadatnan niya si Tristan na nasa harapan na ng lababo, kaya bago pa man mahawakan ni Tristan ang plato, hinablot na ito ni Kristina.
"Ako na," sabi niya.
"Okay," agad namang payag ni Tristan. Hindi man lang nagpakipot kumento ni Kristina na hindi na niya isinatinig. Hindi naman sa ayaw niyang mahirapan si Tristan, hindi lang siya sanay na may gumagawa ng mga ganoong bagay para sa kanya.
Samantala, bago umakyat si Tristan, nilingon niya si Kristina. Iyon ang unang paglingon niya sa kanya. Hindi pa rin kasi siya tinatantanan ng mga tanong niya. Ito ba talaga ang tunay na Kristina? Hindi ba siya katulad ng mga karaniwang anak mayaman na puro karangyaan lang sa buhay ang iniisip at pagpapaganda lang ang inaatupag?
--
Paakyat na si Kristina sa kuwarto niya nang nakatanggap siya ng tawag.
"Yes, Martha?" bungad niya.
"Ma'am just want to remind you that next next week is budgeting week," ani Martha sa kabilang linya.
"Oh yeah, hindi ko nakalimutan. Thanks Martha," sagot niya.
"You're welcome Ma'am. See you. We miss you here. And congratulations on your wedding, we wish you all the best," bati ni Martha pero wala roon ang atensyon ni Kristina. Wala sa sarili siyang nagpasalamat bago tapusin ang tawag.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...