Tell me something

119 2 0
                                    

Gusto sanang makaramdam ng kakaibang emosyon ni Kristina pero pinangunahan lamang siya ng pagtataka at ng lumang galit na nararamdaman niya para kay Tristan.

"Gabi na, hindi ka ba magkakasakit sa ginagawa mo?" tanong ni Tristan na noon ay nakapamulsa parin.

Hindi na sumagot si Kristina dahil baka iba pa ang masabi niya.

"What you did was -"

Hindi na naituloy ni Tristan ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Kristina.

"Alam kong mali, nadala lang ako," mahinahon niyang pahayag.

"I know the disc is very important, pero for sure may iba pa namang - "

Naputol ulit ang sasabihin ni Tristan.

"Nag-iisa lang 'yon," mabilis niyang tugon.

Hindi na nakaimik si Tristan. Sa pagkakataong iyon ayaw niyang salubungin ng galit ang babae. Wala narin naman siyang masasabi. Sa bibihirang pagkakataon, natahimik na naman siya.

"Siguro nga, okay na rin na nasira para magising na 'ko sa katotohanan na hindi talaga para sa'kin 'yon, hindi para sa'kin ang pangarap ko," malungkot niyang pahayag.

Mas lalong natahimik si Tristan sa naging pahayag ni Kristina kaya minabuti nalang niya na huwag itong sagutin.

"Tsaka isa pa, ayoko talaga sa mga bata, hindi ako mahilig sa bata kaya siguro hindi kami magkasundo, lalo na kapag ganyang klase ng bata ang iharap mo sa'kin," pagpapatuloy niya habang tuluyan ng umahon sa pool, humarap kay Tristan at nagsimulang maglakad.

"Really?" nagtataka namang tanong ni Tristan.

"Bakit dati 'yong gift-giving program sa isa sa mga foundation natin na hindi natuloy, galit na galit ka?" pag-uusisa ni Tristan.

"Iba naman 'yon, mapapel ka kasi masyado tsaka kawawa talaga yung mga bata," walang kagatul-gatol niyang katwiran.

"What did you say?" naging seryoso nang muli ang tunog ng boses ni Tristan.

"Nako, wag mo 'kong daan daanin sa mga ganyang tono mo San Antonio, wag mo 'kong sasalubungin ngayon, baka samain ka sa'kin," bitaw ni Kristina at tumalikod na.

Napangiti nalang si Tristan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

--

Gabi na nang makauwi si Kristina galing sa academy, pagod na rin siya dahil halos buong maghapon silang nagpupulong para makahanap ng bagong donor nila.

Pagpihit niya ng doorknob, natigilan siya sa narinig.

"Tell me something

When I'm 'bout to lose control

How do you patiently hold my hand

And gently calm me down?"

Ang lamig ng boses, ang sarap pakinggan, parang nanghaharana, parang nanunuyo, paglalarawan ni Kristina sa naririnig.

"You always sing that song just perfectly, uncle!" narinig niyang kumento ni Jazz.

"Tell me something

When you sing and when you laugh

Why do I always photograph my heart

Flyin way above the clouds?"

Hindi na muna pumasok si Kristina, mula sa pinto tanaw na tanaw niya kung paanong kumakanta si Tristan habang nakasandal si Jazz sa balikat niya na mukhang inaantok na.

Hindi niya inakalang may ganoong katangian si Tristan, ang akala niya isang lang itong malamig, malademonyo, at mabagsik na lalaki. Hindi niya rin inakalang ganoon sila kalapit ng pamangkin niya.

"I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside

Your universe..."

Dahan-dahang isinara ni Kristina ang pinto upang hindi niya maistorbo ang magtiyuhin. Sa loob loob niya, ang ganda nilang pagmasdan. May kung ano siyang nararamdaman na hindi naman niya maipaliwanag kung ano. Parang bahagyang lumambot muli ang puso niya.

"...You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just

The other way around..."

Rinig na rinig sa buong bahay ang boses nakakapang-akit na boses ni Tristan. Sinubukan naman ni Kristina na huwag maapektuhan pero hindi niya mapigilan, naaapektuhan siya. Lalo na at ngayon niya lang nakitang ganoon si Tristan, parang kalmadong kalmado at kuntento.

You can thank your stars all you want but

I'll always be the lucky one"

Dumiretso siya sa kusina at uminom ng tubig dahil parang hindi niya kinaya ang narinig. Nang paharap na siya sa sala, napansin siya ni Jazz, may ibinulong ito kay Tristan at saka naman lumingon si Tristan sa kanya.

"Nandiyan ka na pala," patanong na pahayag ni Tristan. Tinanguan lang siya ni Kristina at saka tumalikod para ilapag ang basong pinag-inuman sa lababo.

Paglingon ni Kristina ay nagulat siya dahil nasa harapan niya na si Tristan. Nasa likuran naman ni Tristan si Jazz. Nagtaka siya sa pagsunod ng dalawa sa kanya sa kusina. At mas ikinagulat niya pa nang may kunin ang mga iyon sa ref na nakalagay sa kahon.

Hindi niya napansin iyon kanina nang magbukas siya dahil nga nasa boses ni Tristan ang atensyon niya.

Maya-maya pa ay maingat na inilabas ng dalawa ang isang cake sa kahon. Sandali niyang pinagmasdan ang dalawa at nagpasyang iwanan na lamang sila.

"Ang wiwirdo," bulong niya.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon