Umabot na sa puntong kinakatakutan niya si Kristina. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang inasal niya kanina samantalang matatapos sana nang maayos ang gabi kung hindi siya nag-inarte at pinilit paniwalaan ang mga hinala niya. 'Yun tuloy sinampal sa kanya ang katotohanan nang harap harapan.
Sinuri niya ang sarili. Hindi naman siya ganito noon, wala siyang pakialam kung gusto o ayaw sa kanya ng mga tao pero bakit ngayon parang ibang tao na siya.
Hindi siya dinadalaw ng antok kaya minabuti niyang bumaba muna at magkape, susubukan niya na ring linisin ang pag-iisip niya.
Pagdating sa hardin ay nilublob niya ang paa sa pool katulad ng madalas niyang gawin. Tumingala sa kalangitan at pinilit hanapin doon ang sarili.
Nabasag na lang ang katahimikang tinatamasa niya nang matagpuan siya ni Tristan doon.
"Hindi ka rin makatulog?" tanong nito sa kanya na hindi niya sinagot.
Nilingon niya lang ito at nakitang nakapamulsa na naman habang tinititigan siya. Ibinalik niya agad ang tingin sa taas bilang pag-iwas.
"Sorry sa pag-iinarte ko," ika niya.
Wala naman siyang nakuhang sagot mula rito. Nanatili silang tahimik na tila parehong sinusuri ang mga sarili.
Maya maya pa ay tinabihan na siya ni Tristan. Inutusan pa siya nitong alisin ang paa sa pagkakababad dahil baka magkasakit siya ngunit hindi niya sinunod. Para kahit doon man lang mapatunayan niyang kaya pa niyang labanan ang nararamdaman niya, na hindi niya susundin lahat ng sinasabi ni Tristan.
"I have to tell you something," panimula ni Tristan.
Pinilit namang kumalma ni Kristina at tumango habang nakatingin nang diretso sa kabilang dulo ng pool tanda ng pakikinig.
"There was this night when you fell asleep and..."
"And you said something, and I was really taken aback, for the first time in a long time. I didn't know what to do," pagpapatuloy niya.
"Anong sinabi ko?" may kaba sa boses ni Kristina.
"You said you love me."
Napalingon si Kristina sa kanya habang nakakunot ang noo na parang hindi makapaniwala, iniisip na pinaglalaruan lamang siya nito.
"What? You really did," nag-aalangang bitaw ni Tristan.
"Gago ka, hindi ako naniniwala sa'yo," sinubukan niyang maging cool, sinubukan niyang umasta na katulad nang dati para naman hindi na siya lalo pang malubog sa kahihiyan. Dahil pakiramdam niya pinahihiya na niya ang sarili niya dahil kamsng sa nararamdaman niya para kay Tirstan.
"I know, you won't believe me. I have no evidence either," depensa nito sa kanya.
"Saka, sira ka ba? Ba't ko naman sasabihin 'yun?"
Pilit niyang inaalala kung may nasabi nga talaga siyang ganoon pero totoo man o hindi ay susubukan niya na lang ding kumbinsihin si Tristan at ang sarili na wala siyang sinabing ganoon.
"I don't know," parang hindi na rin mahanap ni Tristan ang dahilan kung bakit niya inumpisahan ang usapang iyon.
Sandaling pinagmasdan ni Kristina ang blangkong ekspresyon ni Tristan habang nakatingin sa kawalan, pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa kalangitan. Humunga nang malalim at muling nagsalita.
"Minsan nagsasalita raw talaga ako kapag tulog, 'wag mo na lang pansinin. Baka it was just one of those dreams," ika nito.
"One of those dreams?" Si Tristan naman ngayon ang sandaling tumitig sa kanya. Hanggang sa nagtapat ang tinginan nila.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...