30-year plan

143 6 0
                                    

Naunang dumating si Kristina sa itinalagang lugar na pagpupulungan ng pamilya niya. Alam niyang isa lang ito sa mga boring na dinner niya kasama sila. Hindi ganoon ang larawan ng bawat dinner nila noon, mula sa pagiging masaya at makulay na usapan nila tuwing may ganitong pagsasalo naging para itong isang pelikula noong unang panahon, walang kulay, itim at puti.

Nagsimulang magdatingan ang mga hinihintay niya. Dalawang lalaki na matipuno, guwapo at nakapormal na halatang galing sa trabaho ang lumapit kanya, tumayo siya at agad naman siyang niyakap ng panganay nila na si Gabriel sumunod si Gio. Mahihigpit ang mga yakap nila na ipinagtataka niya. Marahil bunga ito ng matagal nilang hindi pagsasama-sama sa iisang bahay, aniya.

"Nandito ka na pala kuya? Hindi mo man lang ako sinabihan," sabi niya kay Gabriel.

"Kararating ko lang kagabi, Tin," sagot nito.

"Ganito ba kaimportante 'tong dinner na 'to at napalipad ka pa dito?" usisa niya.

Tipid naman siya nitong sinagot, "sounds like."

"Seryoso nga, what is this all about? Ipapa-deport na ba 'ko ni Daddy dahil na-disappoint ko na naman siya?" tanong niya na naman.

"Sa tingin ko ikaw na ang ipapadala sa US para mamahala ng kumpanya dun," sagot ni Gio na para bang may halong pagtatago ng kaba.

"Kung ganun, humanda na kayong maghirap dahil kakamkamin ko na lang lahat ng pera ng kumpanya dun," sinubukan niyang magbiro para maalis ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman.

"E kung pakasalan ko na lang kaya 'yung tagapagpamana ng rival company natin para 'pag nakamkam mo na lahat ng pera, wala na 'kong problema. Buhay na 'ko," gatong ni Gio.

Naputol ang palitan nilang magkakapatid nang dumating ang mga magulang nila. Tiningnan lang siya ng malamig ng Daddy niya, katulad ng mga nakukuha niya simula noong suwayin niya ito. Samantala ang mommy niya ay niyakap siya, mas mahigpit pa sa yakap ng dalawa niyang kapatid.

"Seriously, what's with the tight hugs? Will I be crucified tonight," nagbibirong tanong niya sa apat na pares ng mata na nakatingin sa kanya.

"Worse," matalim ngunit ngingitingiting sagot sa kanya ni Gio. Hinampas niya ito sa braso at tumawa na lang baka sakaling mawala ang kakaibang umiikot ikot sa tiyan niya. Baka dahil gutom siya, inisip niya.

Tumahimik ang buong mag-anak, napansin tuloy ni Kristina na nasa mas malaki pala silang mesa kumpara sa pinapareserba nila kapag nagdi-dinner sila sa labas. Lalong umikot ang tiyan niya.

Maya maya ay dumating ang Tito Miguel at asawa nitong si Sylvia.

"Kaya pala," napagtanto niya.

Sa likod ng mag-asawa ay ang hindi niya pinangarap na makita sa gabing iyon, si Tristan. Nang makaupo na ang lahat, pinagmasdan niya ang mga ito at napagtanto niyang siya lang ang naiiba.

"You all look okay, I look like a crap with this jeans and this," itinuro niya ang kulay krema niyang blusa na mahaba ang manggas saka bumaba ang tingin niya sa flat shoes niyang kulay asul.

"You look okay. After all you're rich," ngitian siya ni Gio.

"Kuya!" napalakas na saway ni Kristina sa kapatid. Lumaki ang mata niya nang mapansin niyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat.

"Oh, sorry," agad naman niyang paumanhin.

Sa kabilang dako ng hapag ay ang galit na galit na si Tristan. Paano nagagawang ngumiti at makipagbiruan ni Kristina habang nagsisimula nang mawalan ng saysay ang buhay niya sa nakaambang kalbaryo, sa isip isip niya.

"We are here tonight for a very important announcement that would absolutely tighten the bond of our families," basag sa katahimikan ni Edgar. Blangko lang ang emosyon ng lahat maliban kay Edgar at Miguel na hindi maitago ang kasiyahan, na parang ngayon pa lang nila matatamasa ang tagumpay.

"I have long been waiting for this Edy," sang-ayon naman ni Miguel. Wala pa ring kaide-ideya si Kristina sa magaganap habang ang lahat alam na alam na ang matagal nang plano ng dalawang pamilya.

"Nakaplano na ang lahat, 30 years ago. What we need to do now is to make it happen," anunsyo ni Miguel.

"Edy and I agreed on joining our families to be one and in order for that to happen, one from my family and one from his family will be knotted to strengthen the bond of our friendship and business," dagdag nito.

Biglang kinabahan si Kristina doon. Kinutuban na siya dahil sa mga sinabi ni Miguel. Alam niyang hindi ito tulad ng mga napapanood at nababasa lang kung saan malulugi na ang kumpanya at ang tanging makakalutas ay ang... Pinilit niyang burahin ang ideyang iyon. Hindi puwede, sabi niya. Kung 'yon nga ang plano ng daddy niya malamang sa malamang siya ang mapapasubo. Pero alam niya ring hindi sila nalulugi ngayon.

"When Sylvia gave birth to Alex, we hoped for a girl to be born in your family after Gabriel but unfortunately, there came Gio," paliwanag ni Miguel.

"Pero mukhang pinaglalaruan kami ng tadhana, akala namin babae ang susunod kay Alex, hindi pala sa halip lalaki ulit -- si Tristan," kuwento ni Edy, "So we didn't lose hope and Kristina was granted to us," pagpapatuloy niya. Doon lang ulit nakita ni Kristina ang kislap sa mga mata ng daddy niya nang binanggit nito ang pangalan niya. Naramdaman ni Kristina ang mahinang kurot sa puso niya. Hanggang ngayon nangungulila pa rin siya sa dating trato sa kanya ng daddy niya.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon