Foul

121 3 2
                                        

Sa sumunod na araw, Sabado iyon, hindi inasahan ni Kristina ang ginawa ni Jazz, pinagbubura niya lahat ng pelikulang nakaimbak sa telebisyon nila. Wala nalang siyang nagawa, natulala nalang siya. Ngunit ang hindi niya magawang matingnan ay ang isang bala ng dvd na lasug-lasog na, pati ang papel na bumalot doon ay punit punit na, basag narin ang sisidlan niyon. Parang may magkahalong malamig at mainit na tubig ang bumuhos sa kanya hanggang sa matauhan siya.

Nilapitan niya iyon sa sahig na kinaroroonan at ineksamin ng matagal bago mapagtantong iyon ang kopya ng kaisa-isa niyang pelikula, iyon din ang kaisa-isa nitong kopya.

Umakyat lahat ng galit at inis sa ulo ni Kristina na hindi naman kaagad napansin ni Jazz.

"Anong ginawa mo?" sindak niya sa bata ngunit hindi siya lumingon dito.

"Tangina anong ginawa mo?" mas malakas na ang pagkakabitaw niya sa mga salitang iyon. Nilingon na siya ng bata at siya ring pagsulpot ni Tristan mula sa labas.

"Tinatanong kita Jazz, anong ginawa mo?" galit na galit siya nang makita niyang nakangisi pa ito ngunit agad ding nawala nang makita niyang nanginginig na sa galit si Kristina.

"What?" mahinang tanong ni Jazz.

"What? Wag mo 'kong ma-what what diyan, baka gusto mong pati pag-iingles ko hindi mo maintindihan!"

"Why are you so mad, it's just a disc, Auntie," sarkastiko ang pagkabanggit niya ng Auntie.

"Just a disc?" ulit ni Kristina, "do you know what just a disc looks like? This is not just a disc for Christ's sake, Jazz! You should've destroyed whatever you want inside this damn house, huwag lang 'to. You already want to go home, right? You miss your mom and dad? Why not start packing your things now? Ako pa mismo maghahatid sa'yo sa airport, putaragis ka!" galit na galit paring bulyaw ni Kristina.

"Don't look at me that way, did I ever ruined any of your things? Is that what you fuckin' learn in school?" tuloy parin sa mga patutsada niya si Kristina habang si Jazz ay mukhang maiiyak na. Ngayon lang siya nakatanggap ng ganoong kalakas na bulyaw.

"Hey, enough!" suway naman ni Tristan.

Lumingon ang dalawa sa lalaki.

"Oh ayan, sabihin mo na sa uncle mo na tawagan ang mga magulang mo para masundo ka na nila dito!" baling niya kay Jazz.

"No she's not leaving, pwede ba, bata 'to!" katwiran ni Tristan na noo'y yakap yakap na ang bata.

"This is my house too, I can get rid of anybody if I want to," matalim na pahayag ni Kristina at tinalikuran na ang mag-uncle.

Nang makaalis si Kristina ay mahinahong kinausap ni Tristan si Jazz.

"Hey, what did you do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ng bata gamit ang mga palad niya.

"I ruined the disc, but it's just a disc Uncle, she has a lot of them," paliwanag niya sa pagitan ng mga hikbi.

Dumako ang paningin niya sa nasirang disc at mga punit punit na papel sa sahig. Nilapitan iyon ni Tristan at saka sinuri. Napahinga nalang siya ng malalim nang mapagtanto kung ano ang disc na tinutukoy ng dalawa. Base sa pagkakasira doon, wala ng iba pang paraan para maayos pa iyon muli.

"Jazz, I think that disc was so important to her, don't this again, okay?" tumango ang bata.

"And please stop fighting, that would not make you friends," pakiusap ni Tristan at tango lang din ang natanggap niya.

"Sorry, Uncle," pagkakuwan ay pahayag ni Jazz.

Niyakap naman ito ni Tristan nang mapansing namumuo na naman ang luha nito.

"Is she serious on getting rid of me?" hindi napigilang itanong ni Jazz.

"I'll talk to her, don't worry Jazz," pagpapagaan ng loob ni Tristan sa bata.

Malalim na ang gabi pero naisipan parin ni Kristina na lumangoy sa swimming pool nila. Gusto lamang niyang lumamig ang ulo niya at pag-isipan narin ang mga nasabi niya kanina sa bata. Alam niyang mali iyon, hindi naman niya ginustong sumbatan ang bata ng ganoon, nadala lang siya ng emosyon.

Nang makaramdam siya ng pagod ay umupo siya sa gutter, doon niya napag-isip isip na hayaan nalang na mawala ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay sa kanya. Baka senyales narin iyon ng tadhana na tanggapin at pakawalan ang mga nangyari sa nakaraan lalung-lalo na ang nagbigay ng malaking tulong para maisakatuparan ang pangarap niyang makalikha ng isang pelikula.

Sandali pa ay may naramdaman siyang bumalot sa likuran niya, iyon ang tuwalya niyang iniwan niya kanina sa coffee table nila. Lumingon siya sa likuran niya at nakita ang nakapamulsa at seryosong si Tristan.

--

Hanggang dito na lang muna. Please, patiently wait for the next update. Salamat sa pagbabasa. Mahal ko kayo. Haha!

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon