Falling late

72 3 0
                                    


Imbes na makihalubilo sa mga kliyente ay pinili ni Kristina na harapin na lang ang pagmamaktol ni Mike.

Nang makipagkilala sa kanya si Samantha ay siya namang tawag sa kanya ni Mike na mabilis naman niyang dinaluhan.

Habang talak nang talak si Mike ay nakatitig lamang si Kristina sa kanya. Wala sa sarili. Tahimik, nagtataka. Bumalik sa kanya ang alaala isang taon na ang nakalipas.

Magdadalawang linggo pa lang siya noon sa Benguet nang natunton siya ni Tristan. Hindi niya inakalang mahahanap siya nito, lalong hindi niya inisip na hahanapin siya nito kapag umalis siya.

"Why are you here?" bungad sa kanya ni Tristan noon.

Hindi naman siya nakaimik, tinitimbang kung bakit nga ba siya naroon.

"Tin, let's talk. Sumama ka sa'kin, uuwi na tayo," pangungumbinsi ni Tristan.

"I've been to different places to look for you, bakit ka ba umalis? Okay naman tayo 'di ba?" dagdag niya.

Doon na nakuhang magsalita ni Kristina.

"Okay? Tayo?" ulit niya na may kasamang ngisi. Hindi makapaniwala sa narinig. "Okay nga tayo pero never

akong naging okay lang sa pagiging okay natin."

"What do you mean?" nalilitong tanong niya.

"Alam mo naman kung anong ibig kong sabihin, Tristan. Don't act as if hindi mo alam kung anong nararamdaman ko," sagot ni Tristan.

"I know, it's just, why can't you just stay?"

"Ang selfish mo," hindi makapaniwalang nasabi na rin ni Kristina iyon sa wakas.

Hindi naman nakaimik doon si Tristan.

"I chose to stay, remember? Pero hanggang do'n na lang ako. Ngayon, sarili ko naman ang pakikinggan ko kasi alam mo, hindi ko na halos kilala ang sarili ko," pag-amin ni Kristina.

"I already lost myself while staying. Puwede bang umayaw naman ako? Puwede bang ibalik ko muna lahat nang

nawala sa'kin habang nagpapakagago ako sa'yo?" pagpapatuloy niya.

"Kailangan ko 'to, hayaan mo na lang ako, tutal ako naman 'yung talo rito e. Hindi mo na 'ko kailangang hanapin o dalhin pauwi, ayoko na," malamlam na pahayag niya.

"I'm sorry if I can't give you more than okay," matalinhagang sambit ni Tristan. "I'm sorry that you needed to be away just to redeem yourself back. Maybe I was just too confident that you're fine with the set up."

"I hope you find your way back when you finally got back to your old self, Tin. I hope you come back to me."

--

Hanggang ngayon, tuwing naaalala niya ang tagpong iyon, hindi niya mapigilang masaktan. Sasama na sana siya kay Tristan noon pabalik ng Maynila kung sinabi lang nitong mahal siya nito ngunit hindi. Sa halip, nanindigan pa siya na gusto lang nitong manatili siya kaya nanindigan din siyang lumayo.

"Tin!" sigaw sa kanya ni Mike, "kanina pa kita tinatawag, ano bang nangyayari sa'yo?" reklamo ni Mike na halos mawalan na ng pasensiya sa kanya.

"Bakit?"

"Lumabas ka na, nandoon na silang lahat," sinabi nito saka agad na nagmartsa palabas.

Wala sa sariling sumunod siya kay Mike. Pagkarating sa kinaroroonan ng mga kliyente nila bigla siyang nakaramdam ng takot - takot na halos hindi na niya makilala dahil matagal na niya itong nararamdaman. Taliwas ang nararamdaman niya sa pustura ng bawat isa sa na abala at masayang nagkukuwentuhan, nasasabik sa mga susunod na ganap.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon