Let's go home

81 5 4
                                    


"Baba!"

Walang kagatul-gatol na utos ni Kristina kay Tristan nang matapos nitong sabihin ang mga sinabi niya.

"Really?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Tristan.

Siguro, bukod sa paunti-unting paglayo, kailangan lang din bumalik ni Kristina sa dati - sa dating trato niya rito, sa dating nararamdaman.

"Baba."

Malayu-layo na rin ang narating nila, sabi ni Kristina sa sarili, kailangan na sigurong tumigil, dapat may isang bumitaw at sa pagkakataong ito siya ang dapat na bumitaw.

"Fine."

"Fine," ulit ni Tristan. "Just don't do anything stupid," paalala niya rito.

Pagkasarado ni Tristan ng pintuan madali niyang pinaharurot ang sasakyan niya, nagmatigas, hindi lumingon.

Saka sabay sabay na dumausdos ang mga luha niya. Isang kilometro na higit ang layo niya kay Tristan, tumigil siya at doon niya ibinuhos lahat.

"Bakit? Shit. Tangina! Sobrang sakit!" Sigaw niya sa loob.

Nang mapakalma ang sarili, nagpatuloy hanggang sa mapadpad sa isang coffee shop sa Marikina kung saan tahimik, malayo sa maraming tao.

Nang sa tingin niya'y napamanhid na niya ang sarili saka niya naalalang kailangan niya pa lang makausap si Joshua.

Inabot na siya ng gabi pero tutuloy pa rin siya.

--

Simula noong pinababa siya ni Kristina sa sasakyan, hindi maiwasang isipin ni Tristan kung nasaan na kaya nagpunta si Kristina.

Buong araw halos mabaliw siya sa nararamdaman - hindi niya alam kung awa ba iyon o nakokonsensiya siya.

Sinubukan niyang uminom sa bar na madalas nilang pinupuntahan ni Joshua ngunit gindi rin siya nakatagal dahil lalo siyang hindi mapakali. Napagdesisyunan niyang puntahan na lang ang kaibigan sa lugar nito.

--

"We were bestfriend for the longest time, Tin. We were supposed to meet at the bar but something came up and Tristan didn't return when he went to find you. But swear, I did not plot anything, maniwala ka naman," pagsusumamo ni Joshua kay Kristina.

"Wala akong pakialam sa paliwanag mo, gago ka! 'Wag mo 'kong kausapin," parang hindi naman nakinig si Kristina sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Tin naman! Why did you even meet me kung ayaw mong kausapin kita?" Halos mawalan na ng pasensiya si Joshua sa kausap. Kanina pa kasi siya nagpapaliwanag pero hindi siya iniintindi.

Saka niya napansin na kanina pa tulala si Kristina at kung paminsan ay sumasandal at napapapikit na lang, hinihilot ang sentido.

"Do you wanna drink?" Tahasang tanong niya naman ngayon kay Kristina.

"What do you think I am doing now?"

"E kape naman 'yan e, I'm talking about drinking, getting drunk," para nang batang ipinipilit ang gusto niya ang tono ni Joshua.

"Mag-isa mo. Gago dinamay mo pa 'ko."

"Kanina mo pa ako ginagago ah. Ako ba nanakit sa'yo?" Bull's eye! Agad na napagtanto ni Joshua.

"Gago ka ah!" Akmang sasapakin na naman siya nito ay umiwas na lang siya.

"Tangina ka ah. Ikaw kaya sa nararamdaman ko tapos gaguhin din kita habang nagmumukmok ka sa sakit, tingnan ko lang," hamon nito sa kanya.

"Ano. Let's talk?" biglang pagseseryoso ni Joshua.

"Tss," mapait na napangiwi si Kristina.

"Come on. As if you haven't told me everything already. Pero, swear, I didn't tell anything to Tristan. Maniwala ka naman you're secrets are safe with me," pangungumbinsi ulit niya.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon