Maaga pa lang at kahit day off ni Kristina ay nagtungo siya sa opisina upang ihatid ang balita kay Tristan. Balita na sana ay kahapon pa naisiwalat kung hindi lang niya nadatnan ang boss na gumagawa ng milagro sa loob mismo ng opisina niya.
Sa limang taon na nakalipas tanging ang mga guwardiya lang ng kumpanya nila ang kumikilala sa kanya bilang isang Silvestre. Kaya sa tuwing papasok at lalabas siya ng gusali ay may nagpapaalala sa kanya na isa siyang Silvestre. Samantalang ang mga kapwa niya empleyado ay normal na tao ang turing sa kanya na gustung-gusto naman niya dahil nga ayaw niya sa atensyon na nakukuha ng pamilya niya, pamilya ni Tristan at ni Tristan mismo. Noon pa man ay wala siyang pakialam sa kapangyarihan.
"Good Morning, Ma'am Kristin!" bati sa kanya ng isang guwardiya na simula pa noong pagkabata niya ay nasa San Antonio-Silvetre Group na.
"Kuya naman isang letra na nga lang e, tinanggal mo pa. Good morning din po," bati niya. Nginitian lang siya ng guwardiya, mukhang may gusto pa siyang sabihin pero naunahan na siya ni Kristina.
"Kuya bukas na ba 'yung opisina ng mga boss?"
"Opo Ma'am, sino po bang boss?"
"Yung bunso ng mga San Antonio," sagot niya.
"Kay sir Tristan po ba?" tanong nitong muli.
"Opo, umuuwi pa ba 'yun?"
"Ah opo, madalas nga lang po na uuwi lang para maligo at kumain, noong bago si Sir dito mukhang hindi siya magtatagal pero minahal niya pa rin pala ang trabaho niya," mahabang sagot ng guwardiya na balak pa yatang i-kuwento ang buhay ni Tristan.
"Close kayo kuya?" tudyo niya saka pinigilan ang sarili na sabihing kaya siguro nagtatagal iyon sa opisina dahil sa mga milgaro nitong ginagawa.
"Hindi Ma'am, naririnig rinig ko lang dati," Napatango na lang si Kristina roon.
"Sige, kuya, akyat na ko, salamat ha," ngumiti siya saka tinapik sa balikat ang guwardiya.
Maganda ang imahe ni Kristina sa mga maliliit na tao ng kumpanya nila, likas na kay Kristina ang makihalubilo sa mga ganoong klase ng tao dahil na rin sa kursong kinuha niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magamit-gamit.
Pagpasok niya sa malamig, malawak at malungkot na opisina wala siyang makitang kahit na anong bakas ni Tristan. Pinagmasdan niya ang opisina at namangha siya sa laki nito. Kahit kailan sa loob ng limang taon, hindi niya naranasang magtrabaho sa ganoong klaseng silid. Sa halip sa isang maliit na bughaw na cubicle siya nagtatrabaho, kaharap ang isang lumang screen ng computer sa ibabaw ng puting mesa kung saan nakabinbin ang mga papel, at isang itim na upuan na kinasanayan na niyang tulugan, sipain kapag naiinis at hiluin kapag nababagot na.
Naglalaro sa puti, itim, at pinaghalo ang kulay ng opisina, marmol ang sahig. Sa bandang kaliwa ng opisina may isang malaking leather sofa at may malilit na bersyon sa magkabilang dulo, may malapad at mababang center table, nakaharap doon ang isang malaking book shelf na nakasandal sa pader. Nasa kanan ang mesa ng boss, maganda ito, bagay sa isang makapangyarihan at malademonyong tao. Malaki ang upuan at mukhang kumportable. Sa likuran nito ay isang malaking painting na absract. Sa kabilang dulo ay isa ring painting. Wala siyang litrato ng pamilya niya sa opisina, malamang ayaw niya iyong ihalo sa negosyo, gayunpaman sila rin naman ang may-ari ng kumpanya, ihalo man niya o hindi, kakambal na ng pamilya ni Tristan ang negosyong ito. Sa kanang bahagi ng mesa ni Tristan, muli na namang namangha si Kristina sa salaming bintana na mula sahig hanggang kisame ang taas kung saan tanaw na tanaw ang buong siyudad.
Maganda man ang opisina ni Tristan ay hindi maisip ni Kristina na gugustuhin niyang mamalagi sa ganoong klase ng lugar, hindi siya nababagay sa opisina, nababagay siya sa labas.
Isang oras na siyang naghihintay, hindi pa rin dumarating si Tristan.
"Nagising ako ng maaga para makapunta dito agad tapos maghihintay lang pala ako ng matagal," reklamo niya.
Inaantok na ito kaya hindi na niya napigilang sumandal sa sopa hanggang sa makatulog.
Pumasok si Tristan sa opisina niya at nagulat siya nang makita si Kristina na nakaupo sa sopa at tulog. Nilapitan niya ito at natigilan siya. Tinitigan niyang mabuti si Kristina at napangiti siya sa hindi malamang dahilan, marahil ay naiinis na naman niya ito. Mahigit tatlong oras na siyang wala sa opisina niya. Pag-alis niya kaninang umaga, nakita niya si Kristina na kausap ang mga guwardiya. Hindi naman niya inakala na siya pala ang pupuntahan niya nang gano'n kaaga.
"Mukha pala siyang mabait 'pag tulog," ika niya ang sarili. Umupo siya sa kabilang sopa at nag-isip kung paano niya gigisingin ang mortal niyang kaaway.
Habang nag-iisip ay pinagmasdan niya muna si Kristina, naka-skinny slacks ito, royal blue na long sleeves blouse at naka-flat shoes.
"Ang liit na nga niya tapos hindi pa siya nagsasapatos ng mataas," kumento niya.
Nakasabit pa rin sa balikat nito ang bag niya at hawak niya ang cellphone.
Nanatiling nakatitig si Tristan hanggang sa makaisip na rin siya sa wakas ng paraan para gisingin si Kristina. Idinial niya ang number nito at mabilis namang tumunog ang cellphone na hawak ni Kristina.
Sa pangatlong ring, dumilat si Kristina at tiningnan ang screen ng cellphone niya. Hindi siya makapaniwalang inuna niya pang pansinin ang cellphone niya kaysa sa taong nasa harapan niya. Nang mabasa ni Kristina ang pangalang nakabalandra sa screen niya saka niya lang napansin na nasa harapan siya nito. Walang reaksyon ang mukha niya. Tiningnan siya nito nang mabuti na parang naninigurado na hindi siya nananaginip. Ni-reject niya ang tawag nang magsalita siya.
"What brought you here?" tanong niya habang tinutungo ang mesa niya.
Tumayo na rin si Kristina at lumapit sa harapan ng mesa niya. "To give you this," iniabot nito ang papel na binuklat naman niya kaagad.
"You should' ve left this here," aniya. Hindi niya kasi alam kung dapat bang pigilan niya ito o hayaan na lang dahil wala naman sa kanya ang desisyon dito.
"I think it would be very unprofessional to just leave it on your table," anito, wala pa rin emosyon. Nagtataka siya kung saan niya tinatago ang mga emosyon niya.
"Why are you resigning?" tanong na lang niya kahit gustung-gusto na niyang magbunyi.
"I just want to," maikling sagot nito. Konti na lang at hahanga na siya sa tigas ng loob nito.
"Did you talk to your Dad about this?" ayaw niyang magtunog nag-aalala pero hindi na niya mabawi iyon.
"He's not my boss," malamig na pahayag nito.
"He's your Dad," bawi niya sa pagkabigla sa lamig at tigas ng boses ni Kristina.
May kung anong laman sa sinabi ni Tristan na kumurot sa malabatong puso ni Kristina.
"He stopped being my dad nine years ago," pangahas na bitaw ni Kristina, tumalikod siya at kinuha ang bag niya sa sopa para umalis.
"Do you think, I'll sign this?" hamon sa kanya ni Tristan.
"Whether you sign it or not, I'm leaving, sue me or whatever, I don't care. I just need to get out of here, this place is more like hell," aniya.
"And who's satan?" patol ni Tristan.
"You," walang habas na sagot niya na ikinagulantang naman ni Tristan.
"What did you just say Silvestre?"
"You heard what I said."
Sa pagkakataong iyon, wala nang nasabi si Tristan. Napagtanto niyang mas kinamumuhian pala siya ni Kristina nang higit pa sa inaakala niya.
Nagpasya si Tristan na ipaalam lahat ito sa Daddy ni Kristina dahil alam niyang hindi papayag si Edgar sa gustong mangyari ni Kristina kaya hahanap at hahanap ito ng paraan para manatili ang anak sa kumpanya.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...