"Transfer her in another department. Just keep her," dominanteng utos ni Edgar kay Tristan. Malaki ang tiwala ni Edgar sa mga San Antonio kaya alam niyang susundin ni Tristan ang utos niya. Sa tinagal-tagal ng partnership nila ng matalik niyang kaibigan ay wala pa silang nagiging problema. Kumbaga sa isang kuponan, teamwork talaga ang pinaiiral. Alam ito ni Tristan kaya naman handa rin niyang sundin ang mga utos ng tito Edgar niya.
"But where, tito?" tanong niya.
"Kung saan hindi siya papalpak."
Nang sabihin iyon ni Edgar ay naisip na agad ni Tristan ang paglilipatan kay Kristina.
Dahil dito , alam ni Tristan na lalo siyang kamumuhian ni Kristina ngunit naisip niya ring hindi dapat siya mabahala sa kung anong iisipin sa kanya nito dahil walang puwang ang mga opinyon niya sa mga katulad ni Tristan.
--
Kinabukasan nakatanggap ng tawag si Kristina mula sa hindi kilalang numero.
"You'll be starting tomorrow. Your desk is ready at the San Antonio-Silvetre Foundation. Welcome to your new department!" masiglang bati ng babaeng mukhang nasa 50 anyos na.
"Welcome to wh-at?" nalilitong tanong ni Kristina. Inulit ng babae ang mga sinabi niya at matapos ang ilang segundong pagkablangko ay nagpaalam na lang siya sa kausap niya.
Ito ang nagtulak sa kanya na padalhan ng mensahe ang taong kinamumuhian niya.
From: Daughter of the Silvestres
Thank you for recommending me on my new department. I really appreciate it, my gladness is beyond imagination. Bakit hindi ka nalang kunin ni Lord?
Sa kabilang banda, napailing at napangisi na lang si Tristan sa mensahe. Ito ang kauna-unahang text na natanggap niya mula kay Kristina at nararamdaman niya kung gaano ngayon naiinis ang babae, bagay na gustung-gusto niya.
Hindi na niya sinagot ang text sa halip ay binura na lang niya ito.
"I'm having my best day in five years," aniya pagkaraan.
Pinaharurot niya ang sasakyan niya habang nasasabik na ihatid ang balita sa matalik na kaibigan. Pumarada siya sa harap ng isang gym na pagmamay-ari ni Joshua. Weekday at maaga pa kasi kaya kaunti lang ang tao sa gym, pang-ilang hakbang niya pa lang papasok sa lugar ay sinalubong na siya nito.
"Someone's having a bright day, huh!" salubong sa kanya ni Joshua, pansin siguro niya ang magandang mood niya.
"I just got rid of the venom. Sino ba namang hindi matutuwa pare?" aniya.
"But you can't get rid of the fact that it took you five years to dispatch the enemy, pare," pang-aasar ng kaibigan.
"Don't be such a spoiler, pare. Kung nabasa mo lang 'yung text niya kaninang umaga hindi mo mapipigilang tumalon sa saya," pagyayabang niya pa.
"Okay tell me more, how did you get rid of her?" usisa naman ni Joshua pagkaraan.
"She quit the job, siyempre Tito Ed won't allow it. Pinatapon siya sa foundation," nakangising kuwento niya.
"She must be very pissed off," may halong pag-aalala sa pahayag na iyon ni Joshua.
"Sure she is."
"I can't wait to meet this poor woman and befriend her," tatawa-tawang sabi ng kaibigan.
"Masyado kang mabait, pare. Trust me she's not even interesting," kumbinsi niya rito.
"Mas lalo akong nagiging interesado. How come her pictures are not even in the magazines? Maybe I can stalk her," nakangiti at mukhang may binabalak na pahayag pa nito.
BINABASA MO ANG
Deadend
Ficção Geral"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...