Backfired

152 4 2
                                    

Paulit-ulit na iniikut-ikot ni Kristina ang baso sa harapan niya habang pilit na pinapatay ang pagkabagot na nararamdaman niya. Nasa isang sopistikadang restawran sila ni Tristan, sinabi nitong may ka-meeting siya pero hindi naman pala darating kaya sila nalang ang magkasamang kumain kahit labag sa kalooban ni Kristina na kumain sa mga mamahaling restawran dahil hindi siya kumportable ay hinayaan nalang niya. Imbes na siya sana ang nang-iinis kay Tristan, siya pa itong binalikan ng plano niya.

"Bored?" parang nang-aasar na tanong ni Tristan. Hindi sumagot si Kristina at ininom na lang ang natitirang laman ng baso niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming may gusto ng ganitong set-up," biglang bulalas ni Kristina habang nakatingin sa iilang magnobyo na kumakain sa restawran. "Ang boring boring naman, pera lang naman ang puhunan sa mga ganitong dinner, walang kwenta," litanya ni Kristina bunga ng kabagutan niya.

"Because it's sophisticated, why, you don't like it?" tanong ni Tristan na para bang sa tono niya ay binalak niya iyon.

Sa totoo lang, binalak talaga iyon ni Tristan dahil hindi siya mapakaling hindi na siya pinagpapapansin ni Kristina at pati yata ang pag-aaway nila ng madalas ay tatanggapin niya na rin basta kausapin lang siya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili, nasanay nalang siguro siya sa presensiya ng babae. Balak niya itong asarin ngayong gabi kaya dinala niya ito sa isang mamahalin at pormal na restawran dahil alam niyang hindi ito ang gusto ni Kristina. Kahit magsungit ito, ayos lang sa kanya basta makuha niya ang atensyon nito. At 'yan ang hindi niya maintindihan sa sarili.

"Anong magugustuhan mo sa ganito? Yung mga walang thrill sa buhay lang siguro ang gugusto nito. Tsk, napakaboring," iiling-iling na reklamo ni Kristina.

"People do this to know each other better, that's why on the first date, they eat dinner together, it's where you talk things over," paliwanag at tila depensa ni Tristan dahil nakasanayan na niya ang mga ganoong bagay lalo pa sa posisyon niya sa kumpanya. Alam niyang hindi sasang-ayon sa kanya si Kristina at hindi naman siya nagkamali.

"Sus, baluktot!" tugon ni Kristina.

"Bakit ba ganyan ka magsalita? Sa pagkakaalam ko hindi ka ganyan dati," usisa ni Tristan.

"So, kilala mo pala ako dati?" tanong din ni Kristina.

Hindi na umimik ulit si Tristan, ang pagkakaalam niya lang kasi ay hindi ganoon kabrusko magsalita noon si Kristina, ayon narin sa mga pagbibida ng mga magulang niya noon sa dalaga.

Naiinis naman si Kristina na parang nainsulto siya sa sinabi ni Tristan.

"Dinners, such this, are futile, you can't just get to know everything about a person in one seating or over a dinner. Happy now?" halatang naiinis na pahayag ni Kristina dahil bigla itong nagseryoso at nag-ingles.

"Ganyan ba kayong mayayaman? Ang babaw niyo mag-isip, e puro paimpress lang naman, pormal-pormalan, best foot forward, akala mo perfect na, hindi mo naman malalaman kung anong tunay na kulay ng taong ka-date mo o kausap mo, puro pagkukunwari, akala mo yung babaeng kausap mo cool na cool lang pero ang totoo namimilipit na sa kaba isabay mo pa yung dress nilang hindi na maprotektahan ang katawan sa lamig," paliwanag ni Kristina.

"Pero mayaman ka rin," paalala ni Tristan kay Kristina.

"Dati," maikling sagot ni Kristina.

"What happened to you?" tanong na naman ni Tristan na para bang may gustong patunayan.

"I know what you're trying to do. Hindi ko naman sinasabing maniwala ka sa pinaniniwalaan ko. If you think that stupid candlelit or formal dinners would define a person, e di paniwalaan mo lang, wag mo akong paandaran," matapang na tugon ni Kristina.

Napansin naman ni Tristan na nagiging epektibo na ang plano niya pero mas lalo lang nawawala lahat ng pinaniwalaan niya sa personalidad ni Kristina, unti-unti na niyang nakikita ang tunay at matagal nang nakatagong Kristina o talagang hindi niya lang iyon nakita noon.

"Ang alam ko hindi ka ganyan dati, nasanay ka din sa mga ganitong bagay 'di ba? Why did you change?" patuloy sa pangungulit si Tristan.

"Hindi ako nagbago, I just grew up," matalinhagang pahayag ni Kristina.

"How are you so far?" pagbabago ng tema ni Tristan, hindi niya alam kung bakit pa niya dinadaldal si Kristina. Gusto niya lang makilala pa ito dahil alam niyang matatagalan pa bago sila makawala sa sitwasyon nila, kung makakawala pa sila.

"Ayos lang, kailangan e. Bakit mo ba tinatanong? Siguro naman alam mo talaga kung kumusta na ko 'di ba? Ganun ka din naman," bagot na sagot ni Kristina.

"I'm trying," mas matalinhagang bitaw ni Tristan. Namuo naman ang mga tanong sa isip ni Kristina, paanong 'I'm trying?' Na magpaka-okay o sinusubukan na niyang kumalas sa kasunduan?

"Let's call this a day," dagdag ni Tristan at agad itong tumayo para lumabas sa lugar. Sumunod nalang si Kristina dahil kanina niya pa gustong umuwi.

Sa sasakyan si Tristan na ang nagmaneho at hindi na tumutol pa dito si Kristina, habang nagmamaneho pabalik sa bahay nila ay panaka-naka itong sumusulyap kay Kristina. Marami parin siyang mga tanong na hindi nasasagot katulad nalang ng mga nakaraan niya at kung bakit simula sa pagiging prim and proper na tao ay naging malakas at matapang ang personalidad nito.

Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang teleponio ni Kristina.

Agad itong sinagot ni Kristina nang makitang si Joshua ang tumatawag.

"Tim," maikling bungad ni Kristina.

"Wow, Tim, sineryoso mo na talaga 'yan ah. Nakauwi ka na, sexy?" tatawa-tawang tanong ni Joshua.

"Hindi pa, bakit?"

"Just checking. Bakit ang sungit mo yata?"

"Ano pang kailangan mo?"

"Sungit, kasama mo siguro yung ka-LQ mo 'no?"

"Oo, tsaka anong? Hindi ganun," depensa ni Kristina at ingat na ingat sa mga salita niya.

"Oh, he's right beside you, I assume. Oh sige na Tin, yun lang. Bye!"

"Baliw," bulong ni Kristina pagtapos ng tawag.

Ayaw sanang tanungin ni Tristan kung sino yung tumawag pero huli na ang lahat nabitawan na niya ang tanong.

"Sino yun?"

Nagulat naman si Kristina sa biglang pagkainteresado ni Tristan, pero sinagot nalang din niya ito, "Wala, bagong kakilala."

"Calling you this late?"

Tinignan ni Kristina ang oras at oo nga, alas-dose na. Nagkibit-balikat nalang siya, tutal naman wala siyang dapat na ipaliwanag.

Ito lang muna guys, 'di ko pa naeedit yung kasunod tsaka magsusulat pa 'ko. :) Thank you. Please spread the news. Haha!

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon