Unconsciously

126 5 0
                                    

Kinuha niya ang cellpone niya sa bulsa at saka idinial ang number ni Kristina, habang tinititigan niya ang nakarehistrong pangalan ay hindi niya maiwasang mapailing sa sarili niya. Ang totoo ay hindi na niya binago ang pangalan ni Kristina sa contacts niya.

Inulit niya ang pag dial sa numero ni Kristina. Sa pangatlong pagtawag niya ay sinagot na ito ni Kristina.

"Bakit ba?"

"Na'san yung pagkain dito? Ayoko nang gisingin si Manang Magda e," pagdadahilan niya.

"Nasa ref lang 'yan, ano ka Grade 2? Grabe naman!" Napangiti siya sa reaksyong iyon ni Kristina, ngayon niya lang napagtanto na ang sarap palang inisin ni Kristina.

"Wala dito, hindi ko talaga makita."

"E 'di wag ka na kumain, hindi mo pala makita e."

"Sabihin mo na kasi kung nasa'n!"

Tumayo si Kristina, tinungo niya ang pintuan at dahan dahang naglakas loob palabas.

"Nasa loob ng washing machine, nakita mo na?"

"You don't say."

Nasa hagdanan na si Kristina at kitang kita na niya si Tristan nasa mesa at kumakain. Napamura siya sa loob loob niya.

"Nasa may ilalim pala ng lababo, nilagay ko muna dun para naman makakain muna yung mga ipis, nakita mo?"

"Uhm, wala rin e."

Nilapitan ni Kristina ang lalaki at umupo sa tabi nito.

"Gago ka, ano bang problema mo sa'kin?"

Nang makita ni Tristan si Kristina ay ikinubli niya ang ngiti niya at inilipag ang cellphone niya sa mesa.

"Hindi ka pa daw kumakain," biglang lihis niya ng usapan.

"Nahanap mo yung pagkain sa ilalim ng lababo?"

"Bakit hindi ka kumain?"

"May juice pala sa garden, sana kinuha mo rin."

"Sinong kaibigan mo yung naghatid sa inyo ni Jazz kanina?" seryosong tanong ni Tristan. Natigilan si Kristina sa biglang pagseseryoso ng lalaki.

"Bagong kaibigan, mga ilang buwan narin," bumaling ng tingin si Kristina sa kawalan.

"Sobrang lapit niyo na siguro sa isa't isa kasi ilang buwan palang e, pinagkakatiwalaan mo na siya."

"You make it sound so personal," kumento ni Kristina sa huling sinabi ni Tristan, "putcha napa-english pa tuloy," lumarga na kaagad siya dahil hindi niya na nagugustuhana ang pag-iinteroga ni Tristan.

"Hindi ka ba kakain?" pahabol na tanong ni Tristan.

"Wala 'kong gana," maikling sagot ni Kristina.

--

"Sabi ko naman sa'yo, you don't have to do this anymore," naiinis na pahayag ni Tristan kay Kristina dahil muntik na silang makabangga mabuti at agad nakapreno si Kristina. Galing pang shoot si Kristina, simula medaling araw hanggang hapon sa sumunod na araw ay nag-su-shoot sila. Nang makauwi siya ay nagpahinga lang at sinundo na niya si Tristan bilang kabayaran sa mga nautang niya.

Lumabas ng sasakyan si Tristan at mabilis na lumipat sa driver's seat.

"Ako na, lumipat ka dun," utos niya kay Kristina.

"Ang oa mo, muntik lang naman," pagmamatigas niya pero lumipat din siya matapos ang ilang mura galing kay Tristan. Nararamdaman niya narin kasi ang pagod at puyat. Idagdag pa ang stress sa kakaisip sa mga inaasal ni Tristan nitong mga nakaraang linggo.

Kinabukasan matapos ang gabing masiraan siya ng sasakyan ay nakipagkita siya kay Erika para may mahingahan ng mga bumabagabag sa kanya.

"Ewan ko, bigla ko na lang siyang natawag sa pangalan niya, nung una hindi ko napansin pero inulit ko pa kaya ayun nagpatay malisya nalang ako," paliwanag niya sa matalik na kaibigan.

"Baka naman kasi masyado ka ng kumportable sa kanya at isa pa nagiging malapit narin kayo."

"Hindi rin 'no!"

"Oo. Unconsciously, nagiging close na kayo. Kapag araw araw mo talagang kasama sa iisang bahay kahit pa mortal mong kaaway 'yan e mapapalapit ka parin dahil diyan mo makikita kung anong klase siya ng tao bukod sa pagkakakilala mo sa kanya kapag nasa labas kayo."

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, lola? Si San Antonio ang pinag-uusapan natin dito."

"Believe me. Mas nakikilala niyo na kasi ang isa't isa kahit pa hindi kayo nag-uusap ng tungkol sa mga personal na bagay. That's a mystery of life, bitch."

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko kayang sikmurain yang mga sinasabi mo."

"You're just afraid that the wall might fall. You're just afraid you might fall."

"Ewan ko ulit sa'yo!"

"No really, bitch. Babae sa babaeng usapan, wala talagang chance?"

"Chance na?"

"Chance na ma-inlove ka, ano pa ba?" binatukan ni Erika si Kristina dahil sa patuloy nitong pagmaangmaangan.

"Seryoso?" tumango lang si Erika at nagpatuloy si Kristina, "Kung mali nga ang pagkakakilala ko sa kanya, malaki ang posibilidad."

"Kita mo? E 'di inamin mo rin. Maiinlove ka rin sa kanya."

Hindi mapigilan ni Kristina na isiping mahuhulog siya sa taong pinakaayaw niya. Sa tuwing naalala niya ang usapan nilang iyon ni Erika ay hindi niya mapigilang mag-isip na baka nga tama ang matalik niyang kaibigan.

--

Until next update. Salamat guys. :)

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon