Jazz

114 3 0
                                    

"Wuhoo! This is such a big house! I wanna play around, everyday! Do you have a pool here uncle?" tuwang-tuwang pahayag ng isang maganda, makulit, at maingay na bata sa loob ng tahanan nila Tristan.

"Yes, but you can't play alone there," tugon ni Tristan.

"Okay, I'll play with my yaya," masigla paring pahayag ng bata.

"I'm afraid your yaya wouldn't be around until you go back to the States," bunyag ni Tristan.

"Okay then, I'll play with you or with your wife, uncle. Is she here?" masaya paring usisa ng bata.

Eksakto naman na siyang dating ni Kristina galing sa Academy. Nakabihis pang-opisina ito, na ipinagtaka naman ni Tristan. Kaya pala kaninang tinatawagan niya ito ay hindi sumasagot. Nagtanggal si Kristina ng sapatos na hindi man lang niya nahalatang may dalawang pares ng mata ang nagmamasid sa kanya. Naglakad ito bitbit ang hinubad niyang sapatos, nakasalpak parin sa dalawa niyang tainga ang earphones niya. Walang emosyon. Hindi naman maalis ni Tristan ang paningin niya dito, parang unang beses niya itong matitigan ng ganoon.

"Damn it," napamura si Tristan ng mahina dahil sa hindi niya maalis ang atensyon kay Kristina. Parang siya lang ang nakakakita dito, walang hangin, walang special effects, normal lang. At sa mga ganoong normal na tagpo mas napapatunayan niyang tama ang mga sinasabi ng matalik na kaibigan tungkol sa hitsura ni Kristina.

Maya-maya pa, nilapitan ito ng bata, tumayo sa harapan niya na parang ineeksamin ito.

"Are you uncle Tan's wife?" tanong nito.

Saka naman nagtanggal ng earphones si Kristina na may halong pagtataka.

"Ano?" tanong niya sa bata.

"I said, are you uncle Tan's wife?" tanong niya muli ng mas malakas.

"Sinong Tan?" nagtatakang tanong din ni Kristina.

"What?" reaksyon ng bata na parang hindi niya naintindihan ang karirinig lang na mga salita.

Lumapit na si Tristan sa dalawa para mas maging malinaw ang lahat. Sa nakikita niya mukhang siya ang mahihirapan sa sitwasyong ito.

"This is Jazz, kuya Alex's daughter, she'll be staying here until her parents are back from Italy," paliwanag ni Tristan.

"Bakit dito? Wala namang mag-aalaga sa kanya dito, 'tsaka bakit hindi nalang sa mansyon ninyo?" maangas na tanong ni Kristina.

"It was kuya's idea."

"Okay, ilang taon na 'to?" mabilis na tanong muli ni Kristina.

"Six," sagot ni Tristan sa tila nag-iimbestigang si Kristina.

"Sutil ba 'to?"

"Anong sutil?" nagtatakang tanong ni Tristan.

"Takte, hindi mo alam yung sutil?"

"No. Why the hell should I know?"

"Palibsa mayaman, hindi ba 'to nag-aaral?" pailing-iling na kumento ni Kristina.

"Bakasyon nila sa US, bakit ba ang dami mong tanong?" walang pasensiyang usisa ni Tristan.

"Wait, what are you talking about?" agad na pumagitna si Jazz sa kanilang dalawa na parang nalilito.

"I'm just introducing you to her, Jazz," paliwanag ni Tristan sa bata.

"It doesn't seem like that," argumento ng bata.

"Hindi 'to nagtatagalog?" usisa ni Kristina.

Umiling si Tristan bilang sagot. Patay kang bata ka sa'kin, bulong ng konsensiya ni Kristina habang nakangisi.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon