Hidden

148 5 5
                                    

"Kuya paano kung pumalpak?" tanong ni Kristina kay Gio.

Kinumbinsi ni Gio ang Daddy nila na bigyan ng pagkakataon si Kristina na maipresinta sa boards ang matagal na niyang gustong imungkahi sa kumpanya. Alam niyang malaki rin naman ang kakayahan ni Kristina na maipakita ang tunay na nalalaman sa larangan ng negosyo nila.

Naramdaman ni Gio, base sa mga huling sinabi ng kapatid nang magkausap sila sa telepono matapos ang party, na malalim na ang sakit na nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ng ama nila.

Kaya naman minabuti niyang tulungan ang kapatid na kahit paano ay mabura ang mga maling hinala ng ama nila sa kapatid. May kakayahan din si Kristina sa negosyo hindi lamang siya nabibigyan ng pagkakataon na ipakita iyon.

"Huwag mo munang isipin 'yan. Ang importante e, susubukan mo."

Sinunod ni Kristina ang payo ng kapatid at nasa harapan na siya ng mga matitinik sa negosyante ngayon. Matagal na niyang gustong magpresent sa board ngunit walang pagakakataon. Kaya naman hindi na niya sinayang ang matagal naniyang pinag-aralan. Hindi na niya inalinta ang kaba at hindi na niya inisip kung ano ang sasabihin ng mga boss ang mahalaga ay sinubukan niya.

"How much money do we spend by importing goods from China, or from Japan, from Thailand every month? How much more money are we willing to send abroad? Over the years we imported goods from different Asian countries, not just to import goods but to build a relationship, to get a grasp of the international market. But maybe we have built enough, we have spent enough, we have learned enough."

"Just go on with your point Kristina," utos ng kanyang Daddy. Nilibot niya ang paningin niya at alam niyang nakuha na niya ang atensyon ng bawat isa sa silid na iyon.

"Mr. Fuentes, do you believe that, we, as a big company can stand alone?" tanong niya sa isang ginoo na halos kasing edad lang ng Faddy niya, mukha itong mabait at madali lang kausap.

"Of course," walang kaabog-abog nitong sagot.

"Mr. Sanchez, do you believe that we can over take the international market without getting help from other countries?" tanong naman niya sa isang ginoo na edad kwarenta palang, mukha itong istrikto at saksakan ng talino.

"Most probably," mayabang na sagot nito.

"We'll no longer think of the probabilities this time because with straight and commanding voice we'll no longer say, probably, maybe, I think so, but yes, just a plain yes, gentlemen."

"Inclusive business," mabilis na pagseseryoso ni Kristina mula sa mahaba niyang pasakalye.

"A business within a business," pumitik ang mga daliri niya kasabay ng pagpapalit ng slides sa presentasyon niya.

"Mang Romulo Tejada, farmer since 10 years old, from Cagayan Valley, nagtatiyaga sa maliit na lupain, nagtatanim ng iba't ibang klase ng gulay, 40 years of expertise but limited with less than a hectare land."

Muling nagpalit ang slide sa isang litrato ng dalawang lalaki na nasa palaisdaan.

"Boyet and Lando, dalawampung taon nang gumigising para sa isang palaisdaan."

Muling nagpalit ang litrato sa screen.

"Aling Rosa, nagpapaaral ng tatlong anak sa kolehiyo sa tulong ng maliit na manukan."

"Manang Cynthia, sampung taon nang tinitiis ang baho ng babuyan kapalit ng kakaonting pera."

Muli na namang nagpalit ng litrato, ngunit ito'y isang litrato ng bakanteng sakahan sa isang probinsiya.

"Do you still remember this land we acquired three years ago? I couldn't produce a before and after photo of it because as of 6:39 this morning, it still look the same. What was the plan for that land? Nothing. But we are planning to sell it. We are not a buy and sell company so I suggest to keep the land."

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon