"First time niyo po bang umakyat, sir?" tanong ni Mike kay Tristan nang maiwan sila ng ibang kasama nila. Si Mike kasi ang madalas na sweeper - nasa huli ng grupo para umalalay sa mga hikers na nasa dulo."Hindi naman," maikling sagot ni Tristan.
"Pang-ilan niyo na po ba ito?" usisa ni Mike.
Napapailing na lang si Kristina na nasa harapan nila sa mga "generic" na tanong ni Mike.
"Kung 'di ako nagkakamali pang sampu ko na ito," sagot ni Tristan.
Sa harapan nila, napapatango na lang si Kristina.
Umaakyat na siya ngayon, ha.
"Marami-rami na rin pala, Sir," si Mike.
Makalipas ang sandaling pananahimik ay nang-usisa ulit si Mike. Papasok na sila ngayom sa mossy forest.
"Bakit ho kayo umaakyat?" tanong ni Mike na siyang karaniwang tanungan at paksa habanh namumundok.
Sandaling tinitigan ni Tristan si Kristina na nasa harapan nila. Patuloy sa paglalakad. Tila walang naririnig.
Taliwas sa akala ni Tristan, kanina pa tinatantiya ni Kristina ang layo niya sa dalawa upang marinig ang usapan nila.
"I guess, totoo 'yung sabi nila na: May mga umaakyat para makalimot," sagot ni Tristan habang nakatitig sa likuran ni Kristina.
Napakunot naman doon si Kristina. Sino naman ang kakalimutan niya? Tahimik nitong tanong.
"Uy, love problems din pala, Sir, e!"
"Parang ganun na nga," pilit na pagsang ayon ni Tristan.
"Bakit hindi po ba?" tanong uli ni Mike.
"Actually, I'm not trying to forget someone. I'm trying to forget that she left. Hindi ko naman siya gustong kalimutan," si Tristan.
Ako, kaya iyon? Sa loon loob ni Kristina.
"Iba talaga ang pag-akyat e 'no? Nakarevive ng peace of mind, kahit anong problema pa iyan," ika ni Mike.
"Yeah, tama," pagsang-ayon ni Tristan.
Akala ni Kristina ay titigil na si Mike sa pagtatanong pero hindi pa pala.
"Sino ho ba 'yung nang-iwan sa inyo, sir? Pambihira, sa ganyang mukha, iiwanan pa?" ika ni Mike na may intensyong pagaanin ang usapan.
Napangiti naman ng mapakla roon si Tristan.
"Ah-"
Naputol ang dapat sanang sasabihin ni Tristan nang biglang lumingon sa kanila si Kristina. Parehong nagulat at nasilaw sa flash ng camera na nakatutok sa kanila na sinamahan pa ng headlight nito.
"Smile!" Sabi ni Kristina at mabilis na pinitikan ang dalawa.
"Ayos! Mukha kang kriminal na nahuling gumagawa ng katarantaduhan, Mike," pang-aasar ni Kristina.
"Anak ng! Wala ka talagang pinipiling pagkakataon 'no? Ang sakit sa mata ng ginawa mo, Tin!" reklamo ni Mike.
Wala namang imik si Tristan, nakatitig lamang kay Kristina.
Tumalikod na muli sa kanila si Kristina saka bumuntong hininga. Hindi niya kayang marinig kung sino ang dahilan ng pag-akyat akyat ni Tristan.
--
Narating nila ang Camp 2 kung saan sila sandaling nagpahinga. Ang bawat isa ay may kasamahang kausap bukod kay Kristina. Pinili niya kasing umupo sa isang sulok kung saan makukuhanan niya ang mga ito.
Ngunit habang pumipitik ay may napabaliktanaw siya sa nakaraan kung saan pinuntahan siya ng ama niya upang kumbinsihing umuwi.
Hindi niya iyon inasahan at kailan man hindi naisip na maaaring mangyari.
"Dad."
"Why are you here?" salubong sa kanya ng ama niya.
Huminga siya nang malalim. Ayaw na niyang sagutin ang tanong iyon.
"Kristina, answer me. Bakit ka nandito?"
"Kung pumunta po kayo rito para insultuhin o pagsabihan o pabalikin sa Maynila, umuwi na lang po kayo, wala kayong mapapala sa'kin," tinalikutan niya ang ama.
Pero hinarap niya rin ito kaagad at sinabing, "Ah, matagal na nga pala kayong walang napapala sa'kin 'no?" Saka siya ngumisi.
"Kristina," maawtoridad na winika ni Edgar, " why do you always keep on running away from everything?"
"You ran away from my order when you were in college, ran away from the family when you were 20, ran away from the company years after, and now you ran away from him?" pagpapatuloy nito.
Tama, ika ni niya sa loob loob niya.
"Oh, those were all running away pala. Akala ko paninindigan ang mga 'yon," ganti niya.
"Maybe you never really know what I have been doing with my life," pagpapatuloy niya. "I was young, idealistic, full of dreams. I failed you, so I tried not to fail myself. Nagtrabaho ako. Nagtiis. Nagsikap. Hoping that at the end of this all you'll be running towards me, telling me that you're proud of me like you always did pero hindi nangyari instead you made me ran farther, grow apart. But yeah, dumating sa point na, I don't really care anymore. I don't fucking care anymore. You made it so clear that I don't fucking belong in your world but I have to be, I have to be in your world kahit ayaw ko. Kasi nga it would be the best revenge over all the things I've done and not."
"I'm not here to say sorry for all the things that I did in the past, Kristina. Tapos na ang mga iyon. Just please come home. Tristan's want you back," pagsusumamo ni Edgar sa kanya.
"Go back to him? Naririnig mo ba 'yang sarili mo, Dad?" Halos maghisterikal na siya sa sandaling iyon.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo? Lahat ng ginawa mo noon - pinabayaan mo akong paaralin ang sarili ko, pinigilan mona maging masaya kami ni Noah, kinulong mo ako sa kumpanya niyo - triniple mo nung ipinakasal mo ako kay Tristan. You dragged me into a prison where I can never break out. Ganun 'yung feeling Dad. And when I finally learned to love the life inside that prison, reality hit me hard. That man you jailed me into, will never learn to love me."
"Wala kang alam! Hindi mo nakikita kung paano ako nagpakagago, umasa, pinilit kong mag-stay kasi baka naman mahalin niya rin ako. Baka naman kahit malapit lang dun, magawa niya," humihikbi na siya noon.
Hindi niya akaling ganoon karaming sakit na pala ang naipon niya sa matagal na panahon. Hindi niya akalaing ganoon na pala siya nasasaktan.
Sa kabilang banda, pinanatili ni Edgar ang katatagan ng loob niya ngunit hindi niya rin inasahan ang sakit na nakita niya sa anak. Hindi niya na halos malaman kung saan nanggaling ang lahat ng hinanakit na iyon.
Literal na wala siyang masabi noon kaya niyakap na lang niya ang anak ngunit nagpumiglas ito.
"Sana magkatotoo lahat ng sinabi ko noon, Dad," matalim at malamig ang matang iginawad niya sa ama.
"Sana pagsisihan mo lahat ng ginawa mo," masasakit na salitang pabaon niya sa ama.
--
Umuwing tahimik at wasak si Edgar noon. Pinuntahan niy si Tristan nang makarating sa Maynila at sa kanya na niya naibuhos ang lahat ng sakit, panghihinayang at pagsisisi.
Noon naging malinaw sa kanya na umalis ang anak niya, piniling lumayo, hindi lang dahil sa nararamdaman niya kay Tristan. Lumayo si Kristina dahil sa kanya.
"I never realized she just wanted me to be proud and happy for her. Iyon lang 'yung hinihiling niya pero hindi ko nagawa. Napakasimpleng bagay pero hindi ko naibigay. Tristan, let's give her time. Let's just let her be baka iyon ang magpabalik sa kanya sa'tin."
Sumang-ayon si Tristan.
--
Napasinghot si Kristina hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mga naalala niya.
Sa loob ng pananatili niya sa lugar na ito, alam niyang kahit papaano ay nahilom siya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/26927550-288-k787446.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...