Pagbalik ni Tristan sa baba ay naabutan niya si Kristina na umiinom ng tubig habang binabasa ang hawak ng isa niyang kamay na mga papel. Pinagmasdan niya muna ito saka niya kinibo.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya. Inangat ni Kristina ang tingin niya sa kanya.
"Mamaya na," matipid nitong sagot at saka bumalik sa binabasa.
Hindi inasahan ni Kristina ang sumunod na ginawa ni Tristan, lumapit ito sa kanya at nakibasa na rin sa binabasa niya.
"Script?" tanong ni Tristan. Hindi siya sinagot ni Kristina, sa halip ay nagpatuloy ito sa paglalakad patungong sala.
"May tumanggap na sa'kin," nag-aalangang pahayag ni Kristina. Sinundan naman siya ni Tristan hanggang sa sala.
"So, you're finally doing it?" usisa ni Tristan habang umuupo sa sopang kalapit na inuupuan ni Kristina. Tumango lang si Kristina.
Natahimik sila at tila hindi makapulot si Tristan ng salitang bibitawan. Tumango lang si Kristina.
Tahimik pa rin si Tristan. Parang hindi naman kinaya ni Kristina ang pananahimik ng lalaki kaya siya na lang ang nagsalita.
"Kung iniisip mo yung deal natin, kaya ko pa rin namang bayaran 'yon kahit hindi na sa paraang pinagkasunduan natin."
"I don't mind about that anymore," matalinhagang sagot ni Tristan. Panandaliang napatitig sa kanya si Kristina.
"Turn off all the lights when you go to bed, don't stay up so late," mabilis na paalala ni Tristan at tumayo kaagad paakyat tipong iniiwasan niya ang susunod na sasabihin nito.
Natigilan, natulala, at natahimik si Kristina. Buong gabi hindi niya maiwasang isipin ang inasal ni Tristan. Hindi niya maiwasang magtaka. Hindi siya nakatulog ng maayos. Kaya naman kinabukasan ay maaga siyag bumangon, naghanda ng almusal, nag-ehersisyo, at nag-ayos ng sarili dahil sa pinapatawag na siya sa meeting ng bago niyang trabaho.
Pagkababa ni Tristan ay napansin niya ang nakahanda nang almusal. Alam niyang nasa itaas lang si Kristina. Habang inaayos niya ang kurbata niya ay isinasabay na niya ang pagbukas ng ref para kumuha ng maiinom na tubig. Sa tabi ng tubig ay napansin niya ang isang tasa ng kape na mukhang hindi pa nababawasan. Pagkakuha niya ng tubig ay isinara kaagad niya ng ref at siya namang sulpot ni Kristina mula sa taas.
"Kumain ka na?" tranong nito sa kanya.
"Hindi pa," sagot ni Tristan.
Mabilis na nakaupo si Kristina sa madalas niyang upuan na nasa kabilang dako ng lamesa. Umupo narin si Tristan sa harap niya. Tahimik silang kumain nang maalala ni Tristan na nakalimutan ni Kristina na kunin ang kape niya sa ref. Madalas kasi ay sinasabay niya ito sa pagakain at hindi pa niya kailna nakita ang babae na iniinom iyon pagkatapos pang kumain.
Tumayo kaagad siya at kinuha ang kape sa ref. Inilipag niya iyon sa harapan ni Kristina. Nagtataka lang siyang tinitigan ang lalaki pababasa kalalapag lang na kape.
"Ay oo nga pala, thanks," sa ginawang iyon ni Tristan ay may kabang naramdaman si Kristina.
"May lakad ka?" tanong ni Tristan.
"Meron, sa bago kong trabaho."
"Good luck," maiksi at nag-aalangang bigkas ni Tristan. Tumango lang si Kristina.
Nang matapos silang kumain, kaagad na tinungo ni Tristan ang pintuan. Nagmadali namang sumunod si Kristina para maihatid na si Tristan at saka siya didiretso sa pupuntahan niya.
BINABASA MO ANG
Deadend
Художественная проза"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...