Note: I missed out this part while updating few hours ago so I'm re-publishing it this time.
--
Taguig City
Nakaupo lang si Tristan sa gutter ng pool habang nakalublob ang paa, katulad ng laging ginagawa noon ni Kristina sa tuwing gusto niyang magpagpag ng stress.
Sa kabibilang niya kung ilang araw na siyang mag-isang nakatira sa bahay nila ni Kristina ay umabot na pala ng isang taon, napapangisi at naiiling na lang siya tuwing naiisip iyon.
Awtomatiko namang bumalik sa kanya ang mga alaalang pilit na nagmumulto sa kanya.
Noong gabing iyon, sa tagal ng pagsasama nila ni Kristina, sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng takot nang makita niya ang namuong galit at alinlangan sa mga mata ni Kristina nang sabihin niyang: I'm starting to question your intentions, Tristan.
Naalala na naman niya ang mga sinabi noon ni Kristina.
"Bakit mo kaya ginagawa lahat nang 'to? Ngayon sabihin mo sa'kin, bakit ayaw mo 'kong paalisin? Bakit takot na takot kang mawala ako o lumayo?" sunud sunod na sumbat sa kanya ni Kristina.
Hindi rin niya maintindihan ang sarili noon. Kahit anong piga niya, hindi niya kayang mahalin si Kristina. Halos na sa kanya na rin naman ang lahat. Bakit hindi pa rin siya mahulog hulog para rito? Pero bakit ayaw niya rin itong pakawalan? Ego ba o takot lang din siyang talikuran ulit?
"Wala pa rin ba? Wala pa rin kahit konti?"
"Tin, hindi ko alam. Believe me, I tried. It's just that whatever I do or you do, I couldn't love you like you do. I'm happy when you're around, I get excited to see you everyday, I feel all sorts of feelings for you but love," masasakit na bitaw niya noon.
Lalo siyang nakaramdam ng takot nang makita niyang halos patay na reaksyon na ang pinapakita sa kanya ni Kristina. Natatakot siyang baka ito pa ang magtulak sa kanya para umalis na.
"Thank you rito," sabi nito habang hawak ang pendat ng kwintas na bigay niya.
"Salamat din sa kanina," dugtong nito.
Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Tahimik na sumakay.
Simula noong araw na 'yon, tipid na ang pakikipag-usap sa kanya ni Kristina. Napansin niya pang halos iwasan na siya nito dahil palagi itong umaalis.
Hanggang isang araw, paggising niya, iniwan na siya nito.
"Oy, pare, ano na? Masyado bang maganda 'yang mga paa mong nakalublob at kanina mo pa tinititigan 'yan?" basag ni Joshua sa pagbabalik tanaw niya.
Bigla naman ito naghagis ng beer sa kanya.
"Gago, ang ganda kasi ng paa ko talaga e," pailing-iling niyang sagot bago humigop ng beer.
"Lagi niya 'tong ginagawa noon, when she's stressed or bothered, you'll find her here at night," wala sa sariling kwento niya sa kasamang nasa likuran niya.
"Nakakatakot naman pala 'yang si Tin," pabiro pang ganti sa kanya ni Joshua.
"So, kapag naalala mo siya dito ka rin mahahanap?" pagpapatuloy nito.
Nang hindi na siya sumagot, humirit uli ang matalik niyang kaibigan, "Gago ka kasi e."
"It's been a year, I miss her a lot." Natigilan si Joshua sa narinig. Simula nang umalis si Kristina parang nawalan na rin ng ganang sumaya si Tristan.
"Why don't you bring her home?"
"You know, I can't."
"You know, you can, pare. That's your call now," pilit ni Joshua.
"I cannot afford to take a risk now. Hindi puwedeng pairalin ko naman ang –"
Naputol ang sana'y sasabihin niya nang tumunog ang cellphone ni Joshua.
"Samantha. Yes, I'm with him. Okay. I'll tell him," sunod sunod na sagot nito saka binaba ang tawag. Nakatingin lang si Tristan sa kanya, naghihintay ng sasabihin.
"Si Sam, pare, tuloy raw ba kayo?"
"I guess, bahala na. Hindi ka ba sasama?"
"Hindi puwede, chicks before anything else," pilyong sagot nito. Binato na lang siya ng lata ng beer ni Tristan.
"Sigurado ka na ba diyan sa pagpu-Pulag ninyo?"
"Sigurado na."
"Oy, gago baka naman mamaya," tila babala ni Joshua.
"Kaya nga sabi ko, bahala na, 'di ba? Bahala na kung anong mangyari," walang kabaha-bahalang sagot ni Tristan.
--
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...