Hidden damages

58 3 6
                                        


"Wala nang laman. Ang tagal kong hinintay na sabihin mo 'yan noon, nagpakatanga pero wala akong napala. I decided to love you back then without asking anything  in return, kasi sabi ko: ganun naman dapat. Pero naubos ako, masakit din pala. Now, you're finally saying it."

"And it has lost its meaning."

Hinihintay ni Tristan na magsalita ulit si Kristina. Nanlalabo na ang mga ilaw na nasa likuran nito, ang paligid, maging ang tunog sa loob ng resto. Ngunit ang mukha ni Kristina at ang mga sinabi nito, nanatiling maliwanag sa kanya.

Hinihintay niyang tumawa ito at bawiin ang sinabi niya. Hinihintay na banggitin kung sa anong pelikula na naman iyon nanggaling katulad ng lagi niyang ginagawa noon.

Nagpunas siya ng mata at ibinalik ang tingin kay Kristina na abalang tumungga sa iniinom nitong beer.

Mapait na ngumiti.

"I was hoping it was some line from your favorite films," mapakla, natatawa, nasasaktan niyang sabi. Naagaw niya ang atensyon ni Kristina ng dahil doon.

Ibinaba nito ang bote. Siya naman ang tumungga sa kanya.

"Nakakatawa," iyon lang ang nasabi nito. Tinitigan niya lamang ito.

"Bakit? Totoo naman, nakakatawa," ulit niya.

"Nakakatawa kasi sobrang galit na galit ako noon sa'yo, pinatay na nga kita nang ilang beses sa isip ko and then clichés happened," pagkasabi noon ay tumungga ulit sa bote. Hinila pababa ang bonnet at nagpunas ng ilong gamit ang manggas ng jacket.

Napansin ni Tristan na namumula na ang pisngi nito, mukhang malapit nang tumama ang mga alak na nainom niya.

"Nag-hunger strike at nagwelga pa nga ako sa harapan ng bahay nila Mama noon para lang hindi makasal sa'yo, nung huling araw ko sa labas umulan pa nang malakas, mukha akong tanga, parang pelikula. Tss," nakangisi niyang tinapos ang sinasabi.

Sumikip na parang pinipiga ang puso niya sa narinig niyang iyon.

"Tapos wala rin naman akong napala. Mas lalo lang akong nagalit sa tatay ko. Napakaselfish," pagpapatuloy niya.

"Do you hate me that much now?" hindi na niya napigilang itanong.

"Ewan ko. Sa totoo lang hindi ko alam. 'Yung buong stay ko kasi dito parang shinut down ko lang lahat. Hindi ako nagpunta rito para i-disect lahat nang nangyari sa buhay ko o 'yung mga nararamdaman ko," paliwanag niya.

Kahit papaano ay nagkaroon si Tristan ng kaunting pag-asa sa sinabi ni Kristina. Maaaring may nararamdaman pa ito para sa kanya, imposibleng wala na.

"Sinubukan kong kalimutan lahat para matandaan kung sino talaga ako, kung ano 'yung mga gusto ko. At gusto ko na dito," tumungga ulit saka nagpatuloy.

"I've always wanted to be invisible while doing the things I like. When I lost Noah, I knew I would get myself away from falling inlove again and then you came. You came and changed everything and in the process I lost the things I haven't even called mine," tumungga na naman.

"See? You ruined everything. Did you know how you fucking ruined me, San Antonio?" nagsimula nang maging sumbat ang mga sinasabi niya.

"You're drunk, iuuwi na kita," mabilis na desisyon ni Tristan.

Ayaw niya kasing makita kung gaano niya ito nasaktan. Ayaw niyang malaman kung paano siya nagkamali. Hindi yata siya handa.

"No! Umupo ka diyan. Hindi pa ako tapos," lasing na ito ngunit hindi pa ganoon kalala dahil maayos pa ang pagbanggit niya ng mga salita.

Wala sa sariling umupo si Tristan.

"Maybe this is what I need," bulong niya sa sarili saka bumalik sa pagkakaupo.

"The first time you kissed me, I still remember it and sometimes at night it plays on my mind like a crazy roller coaster, it meant nothing to you, though. Alam ko, I felt it on the second kiss, the third, fourth, and so, they meant nothing," suminghot siya saka nagpunas ng luha.

Nakatitig lamang si Tristan. Nagpoprotesta. Hindi totoong wala lang iyon sa kanya. Inaamin niya kahit kaunti may naramdaman siya, may ibig sabihin lahat ng halik.

"And then we..." naputol iyon ng sinok at mahinang hikbi. "Then we made love, no, we had sex. That was my first time and I didn't expect it to be so heart breaking," nagpunas muli ng luha.

"So, it happened again and started to feel like I'm being used not loved or the least cared for. It fucking lost my pride. It broke everything that I was holding on yet I still fell. Hard."

"Did you know what you did? You made me feel like I was some thing that you cannot get rid of so you just decided to, yeah, use me," hindi galit ang nga nito kundi nanghihinayang, nasasaktan.

Tahimik lang siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Paano niya maipaliliwanag na hindi ganoon ang intensyon niya o hindi nga ba?

"And when you finally asked me to wait until you figure out something, I risked it all. I took the fucking risk only to get false hopes in the end," dalawang kamay na niya ang tumakip sa mukha niya. Mahinang humagulgol.

Naestatwa na lang si Tristan sa upuan niya. Gusto niya itong sigawan at sabihing nagkamali siya pero hindi lahat ng inakala niya sa kanya ay totoo.

"But I don't hate you, San Antonio. Ewan ko, I can't hate you now," tiningnan siya nito, mata sa mata. Nagpumiglas ang puso niya roon ngunit agad na bumagsak nang makita ang sakit sa mga mata niya.

Natulala si Tristan sa nakita niyang iyon. Ngayon niya lang nakita ang ganoong sakit sa mga mata ni Kristina. Natauhan na lang siya nang bumagsak ang mukha ni Kristina sa mesa.

Nilapitan niya ito saka binuhat. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ay saka niya lang nasabi ang mga gusto niyang sabihin kanina.

"They all meant something, Tin. The kiss, the hugs, teases, especially the sex, they all meant something to me pero huli na nang malaman kong meron pala. You're right, I ruined everything. I'm sorry."

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon